Rocco Nacino’s first acting award is an early present for his 25th birthday

Exactly one week before his 25th birthday, young actor Rocco Nacino won his first acting award. He was named New Movie Actor of the Year at the 28th Star Awards for Movies for his performance in Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.


Ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino ang pinarangalan bilang New Movie Actor of the Year sa 28th Star Awards For Movies para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Ayon kay Rocco, magandang advance birthday gift ang award na napanalunan niya dahil sa March 21, Miyerkules, ay ang kanyang 25th birthday.

Wala naman daw magaganap na selebrasyon dahil sa mismong birthday niya ay may taping siya para sa afternoon soap niyang The Good Daughter ng GMA-7.

"Double celebration dun. Siguro magdadala ako ng pagkain, dun ako magsi-celebrate [sa set]," sabi ni Rocco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Meralco Theater pagkatapos niyang manalo ng award.

Wala ba siyang planong magpa-party?

"Gusto ko sana kaso walang oras, e. Kinabukasan [March 22], magti-train pa rin ako na arnis. Back to work," sabi ng young actor.

Ang pagte-train ni Rocco ng arnis ay may kinalaman sa pagganap niya bilang Lam-ang sa pagsasapelikula ng Ilocano epic poem na ito.

SHEENA HALILI. Sila ng rumored girlfriend niyang si Sheena Halili ay wala bang kahit dinner man lang together?

"Sana po magkaroon ng oras," sambit ni Rocco.

"Kung puwede po, I’ll make time for it. Kasama family ko, siyempre."

Tinawagan niya ba si Sheena pagkatapos niyang manalo?

"Tinext ko siya agad. Sabi ko, ’I won!’

"Naiiyak daw siya. ’Congrats,’ sabi niya."

Aware ba si Rocco na may "stalker" si Sheena? Meron daw kasing misteryosong tao na nagpapadala ng bulaklak dito.

(CLICK HERE to read related story.)

"Oo... okey lang.

"Naiinggit nga ako, e. Sana ako rin may secret admirer!" natatawang biro ni Rocco.

Paano kung bading ang maging secret admirer niya?

"Okey lang. Ia-appreciate ko pa rin ’yan.

"Irerespeto ko pa rin siyempre. Nag-a-admire lang naman," sagot niya.

LAM-ANG. Pagkatapos ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na entry sa Cinemalaya noong nakaraang taon, ay may gagawin ulit indie film si Rocco—ang Lam-ang, isang Ilocano epic kunsaan siya ang title roler.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "It’s been two months na nagpi-prepare ako para sa movie.

"I’m gonna make sure na maganda yung mga fight scenes namin."

So, isa na namang acting vehicle ito para sa kanya?

"Yes, different kind of character. At ahm... medyo nahirapan akong i-tackle kasi Ilocano na.

"Ayan, panay ang workshops para ano... ma-perfect ko yung character ni Lam-ang," sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN