Eugene Domingo wins Best Actress at 10th Gawad Tanglaw; comments about ongoing Cinemalaya controversy

Eugene Domingo on recognitions for Ang Babae Sa Septic Tank here and abroad: "Oo nga, akalain mo, ke baho-baho, ang layo na ng narating! Siyempre, galak na galak kami, wagas na wagas ang pasalalamat namin. It’s such a little thing, I know umabot kami sa point na mag-ambisyon ka na ma-recognize din naman sa ibang bansa, at natupad naman yun kahit papa’no. Pero iba pa rin yung karangalan na manggagaling sa sarili mong kababa


Isa sa may pinakamaraming awards na natanggap sa 10th Gawad Tanglaw ang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.

Kabilang sa mga iginawad sa pelikula ay Best Film, Best Director, Best Screenplay, at Best Actress para kay Eugene Domingo.

Masayang kuwento ni Eugene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, "Nakakatuwa kasi noong una nilang ibinigay sa akin, ka-tie ko yung sarili ko—dun sa Pisay at Foster Child.

"’Tapos nakakatuwa kasi iba yung bigay nila, medal. ’Tapos nung ibinigay na sa akin noon, nabasag, dumami!

"So, parang hindi ko malilimutan."

Parehong napagwagian ni Eugene ang kategoryang Best Supporting Actress noong 2008 para sa pelikulang Pisay at Foster Child.

Dagdag pang sabi ni Uge, "Nakakatuwa kasi first time in the history ’ata sa mga award-giving bodies na kalaban ko ang sarili ko, pero pareho kong nakuha yung award.

"Now, natutuwa ako on their [Gawad Tanglaw] tenth year ay best actress naman ang napanalunan ko.

"Ang dami nilang ibinigay para sa Ang Babae sa Septic Tank kaya nagagalak akong makabalik dito.

"Sana marami pang taon na magwawagi ako sa kanila. Sana maraming taon pa ang itatagal nila sa pagbibigay ng mga awards."

Laking pasasalamat ni Eugene na mula nang magkaroon nang pagkilala ang kanilang pelikula sa Cinemalaya Film Awards noong nakaraang taon ay sunud-sunod na ang recognitions na kanilang natatanggap here and abroad.

"Oo nga, akalain mo, ke baho-baho, ang layo na ng narating!" pagbibiro pa ng aktres tungkol sa titulo ng kanyang pinagbidahang pelikula.

"Siyempre, galak na galak kami, wagas na wagas ang pasalalamat namin.

"It’s such a little thing, I know umabot kami sa point na mag-ambisyon ka na ma-recognize din naman sa ibang bansa, at natupad naman yun kahit papa’no.

"Pero iba pa rin yung karangalan na manggagaling sa sarili mong kababayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula nang maipalabas sa mainstream cinema ang Ang Babae Sa Septic Tank ay naging surprise hit ito sa takilya at nanu-nominate sa iba’t ibang award-giving bodies.

Ano ang masasabi ni Uge rito?

"Sa lahat ng mga award-giving bodies, tuwang-tuwa kami kasi hindi nila inisnab.

"Tuwang-tuwa kami sa recognition na ibinibigay nila sa Ang Babae Sa Septic Tank.

"Siyempre, marami kaming dapat pasalamatan," saad niya.

ON CINEMALAYA CONTROVERSY. Bilang isa sa mga artistang nakasama at nagwagi sa Cinemalaya noong nakaraang taon, hindi maiwasang matanong kay Eugene kung ano ang reaksiyon niya sa gusot sa pagitan ng organizing committee ng Cinemalaya at ng baguhang filmmaker na si Emerson Reyes.

Na-disqualify ang New Breed entry ni Emerson na MNL 143 dahil hindi sila nagkasundo ng Cinemalaya organizers tungkol sa casting ng pelikula.

(CLICK HERE to read related story.)

Tugon ng award-winning actress, "Ito na siguro ang tamang pagkakataon na ma-review nila ang kanilang rules and regulations.

"At siguro sa bawat kalahok naman na hindi ayon sa rules sa kahit na anong paligsahan, malaya ka rin naman [kayong] hindi sumali.

"Marami namang ibang paraan upang maipakita mo ang sining mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN