Part 2. Ryan Agoncillo on wife Judy Ann Santos’s sexy figure: "She’s still the same, mapamalaki o mapamaliit, siya pa rin ang babaeng pinakasalan ko at asawang minahal ko."

Ryan Agoncillo on having another baby: "Kung darating ang another baby, darating. Pero sa ngayon, masaya kami na dalawa ang anak namin. Kung bibiyayaan ng isa pa, why not? Kung hindi rin naman, ayos lang. Hindi naman kami nagpapa-pressure."


Ang pamilya nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang isa sa mga itinuturing na ideal family dahil larawan sila ng isang masayang pamilya.

Pakiramdam nga ni Ryan ay kumpleto na ang buhay niya dahil sa asawa niyang si Juday at sa mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

"Well, that’s a great compliment," sambit ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Kami naman ni Juday, we’re trying hard talaga to give the best to our family. Our family naman is getting better.

"Si Juday, medyo nami-miss ang pagtatrabaho kaya bumabalik siya sa pagtatrabaho ngayon.

"Okay lang din kasi si Yohan pumapasok na. And on the days na si Lucho ay pumapasok sa kanyang pre-school, si Juday ang nagdadala sa kanya.

"But on other days, nagtatrabaho kaming pareho... so smooth-sailing naman ang lahat ng bagay sa family namin."

Wala rin daw problema sa relasyon ng dalawa nilang anak.

"Yohan understands that Lucho is the new baby. So, wala nang masyadong selos-selos.

"Then si Lucho, he’s the life of the party for us.

"Sa edad niyang 17 months old, ibang joy yung naiibigay niya sa amin," nakangiting sabi ni Ryan.

BONDING MOMENT. Ano naman ang usual family bonding moment nila?

"Well, wala masyadong routine dahil iba-iba yung schedules.

"But nandun kami lagi sa Camp Yohan na aming ginawang playground para sa mga bata doon din sa bakuran namin. Every free time we have, we are always there.

"Yung bakanteng lote kasi tinayuan namin ng tent, nilagyan namin ng trampoline, nandoon kami, yun ang aming playground."

Wala ba silang plano para sa sa family getaway ngayong summer?

"For summer... well, I’m going to the States for Eat Bulaga! sa last week ng March.

"I’m not sure if the whole family is joining me or it’s just Judy Ann. And then, babalik ako agad para sa Talentadong Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then maybe after Talentadong Pinoy, on Judy Ann’s birthday on May 11, that’s the time siguro na maybe we can leave. Pero wala pa ring solid plans.

"Maybe we’ll spend time sa beach siguro kasi hectic ang trabaho, e, walang time para sa mahabang bakasyon."

THEIR KIDS ENTERING SHOWBIZ. Sa ngayon, napapanood na rin ng mga tao, through TV commercials and product endorsements, ang mga anak nina Ryan at Juday na sina Yohan at Lucho.

Nakikita niya bang susunod sa yapak nila ni Juday bilang mga artista ang kanilang mga anak?

"Hindi naman natin malalaman sa ngayon, e.

"Ako, makulit ako nung bata. Si Juday, makulit din.

"Ako, hindi ko naman inakala na magiging host ako o artista.

"Siguro, tingnan natin," sabi ni Ryan.

Para kasing ine-expect ng mga tao na sina Yohan at Lucho ang magmamana sa puwesto nila in the future. Ano ang masasabi ni Ryan dito?

"Siguro we will deal with it ’pag nandun na. Depende pa rin yun sa mga bata, e.

"Sa ngayon, si Yohan gusto niya raw maging singer.

"Sabi ko sa kanya, puwede siyang maging singer basta tatapusin muna niya ang pag-aaral niya.

"And ganun din ang gusto naming mangyari kay Lucho, gusto namin ni Juday na magtapos muna sila ng pag-aaral bago sila magdesisyon kung talagang gusto ba nilang pasukin ang showbiz o hindi.

"Yung mga bata, susuportahan namin kung ano ang gusto nila basta makatapos ng pag-aaral.

"Sa ngayon, pumapayag kami ni Juday sa commercials at endorsements kasi it won’t take much time naman para makasagabal sa pag-aaral nila."

A SEXIER JUDAY. Marami naman ang nakakapansin sa mabilis na pagpayat ni Juday at mas naging sexy pa nga raw ito sa kabila ng panganganak. Ano ang reaksiyon ni Ryan dito?

"Ako, ’pag nakikita ko nga yung mga litrato niya na bagong panganak, natatawa ako, pati siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi naman namin akalain na lumobo siya ng ganun.

"Pero kasi sa akin, to be honest, hindi naman naiba yung paningin ko, e. Lumiit lang yung mga damit, napapansin ko.

"Pero for me, she’s still the same, mapamalaki o mapamaliit, siya pa rin ang babaeng pinakasalan ko at asawang minahal ko."

Ano naman ang reaksiyon ni Juday kapag napapanood yung mga commercials niya na mataba pa siya?

"Natatawa siya. Pero you know, one of the things I love about Judy Ann’s weight loss is that she has a very real view and she has very real expectations about her body. Napakakumportable niya.

"Kaya ko nasasabing hindi nag-iiba yung pagtingin ko sa kanya kasi yung attitude niya is the same.

"Hindi siya yung bumabase sa panlabas na anyo. At ako rin, hindi rin naman ako bumabase roon.

"Pero kumbaga, iniisip niya na lang din na kailangan niyang pumayat para sa trabaho rin.

"And I admire her for that, for having a healthy view in life."


ANOTHER BABY? Ngayong yummy-looking na naman si Juday, hindi kaya ma-tempt si Ryan na sundan na agad si Lucho?

"Well, hindi naman namin pinipigil!" natatawang sabi ni Ryan.

So, walang conscious effort na huwag munang sundan?

"Walang conscious effort na huwag muna, pero siyempre hindi rin naman kami yung hindi nag-iisip.

"Kung darating ang another baby, darating.

"Pero sa ngayon, masaya kami na dalawa ang anak namin.

"Kung bibiyayaan ng isa pa, why not?

"Kung hindi rin naman, ayos lang. Hindi naman kami nagpapa-pressure."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN