Dingdong Dantes respects opinion of Governor ER Ejercito’s camp about his Golden Screen nomination

"Okay lang yun. Maraming tao na nagbibigay ng opinyon at nirerespeto natin yun. Pero sa akin kasi, malaking bagay ang isang nomination, because hindi lang naman opinyon ng isang tao ’yan, kundi napakarami. And the fact na ako nakabilang sa listahan, e, malaking bagay, sobrang malaking bagay yun. So, dun pa lang, masayang-masaya na ako," says Dingdong Dantes about criticism over his Best Actor nomination.


Kasunod ng kanyang pagkapanalo bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2011 para sa Segunda Mano, naging maingay muli ang pangalan ni Dingdong Dantes sa pagkaka-nominate niya sa Golden Screen Awards sa parehong kategorya at pelikula.

Umalma kasi ang kampo ni Governor ER Ejercito, sa pamamagitan ng publicist nito na si Jobert Sucaldito, dahil sa hindi pagkakasama ng lead star ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa mga nominado ng EnPress bilang Best Actor.

Kaya naman nang natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa isang event noong March 13, hiningan namin ng reaksiyon ang aktor tungkol dito.

"Okay lang yun. Maraming tao na nagbibigay ng opinyon at nirerespeto natin yun.

"Pero sa akin kasi, malaking bagay ang isang nomination, because hindi lang naman opinyon ng isang tao ’yan, kundi napakarami.

"And the fact na ako nakabilang sa listahan, e, malaking bagay, sobrang malaking bagay yun.

"So, dun pa lang, masayang-masaya na ako."

Nominado rin si Dingdong sa Star Awards for Movies na napagwagian naman ni Governor ER, ka-tie si Aga Muhlach.

Nagkaroon din ng ingay noong nagwagi si Dingdong sa MMFF bilang Best Actor dahil diumano sa impluwensiya ng co-star niya sa Segunda Mano na si Kris Aquino.

Hindi rin nagsalita noon si Dingdong, pero ngayong ilang buwan na ang nakalipas, hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol dito.

Tugon niya, "Yun nga ang sabi ko, e, hindi naman lahat ng nanu-nominate ay nananalo. Step by step ’yan, e.

"Masaya ako ng may nomination, mas lalo pa akong masaya noong nanalo ako.

"So, very grateful ako.

"Dun pa lang sa deliberasyon siguro na mapabilang ako sa listahan, very thankful na ako dun."

Nasasaktan ba siya sa mga batikos na ipinupukol sa kanya?

Sagot niya, "Confident naman ako dun sa naging resulta ng pinaghirapan namin, so kung may mga pumupuna, okay lang yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nagagalit kapag may mga ganung batikos?

Nakangiting sagot ni Dingdong, "Wala, wala... sobrang wala talaga.

"Kahit ako, natutuwa nga ako sa mga opinyon nila at nirerespeto ko yun."

Sa huli, nagpaabot naman si Dingdong ng pasasalamat sa mga taong hindi bumibitiw ng suporta sa kanya.

"Hindi lang nila alam kung gaano ako ka-thankful dun sa patuloy na sumusuporta sa akin. It keeps me going.

"Oo, maraming salamat," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN