Part 1. Aljur Abrenica on fascination with target shooting: "Wala po akong kaaway. Ayoko pong pumatay. Kumbaga, sports lang po."

Aljur Abrenica on waking up seeing one of his car tires punctured while parked in front of their house and thinking someone did it intentionally: "Pumasok din sa isip ko, pero hindi ko na lang pinansin kasi wala naman tayong kaaway. Kung may nanadya man, baka napag-tripan lang din. Sa akin, yung mga ganoong bagay, hindi na po pinapatulan."


Noong Sabado, March 17, ginanap ang unang Celebrity Tournament ni Aljur Abrenica sa sa Mt. Samat Firing Range sa Pilar, Bataan, sa tulong na rin ng alkalde ng nasabing bayan na si Mayor Charlie Pizarro.

Ang nalikom na pera sa naturang tournament ay personal din na ibinigay ni Aljur sa mga bata na nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development sa Pilar, Bataan.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan sa naturang tournament at gift-giving.

Ikinuwento ni Aljur sa amin kung bakit siya nagkaroon ng ganoong event.

"Napagplanuhan po namin ng Artist Center na magkaroon ng competition sa gun-shooting na charity. Fundraising ito.

"Lahat ng kikitain namin ay mapupunta sa mga bata, sa DSWD," sabi ng Kapuso hunk.

Pero bakit sa lahat ng sports, ang target shooting ang naisipan niya?

"Kumbaga kasi, gusto ko siyang ma-experience.

"First time kong magkaroon ng drill na ganito.

"Usually kasi, standing lang. Steady pulso lang.

"Ito, may mga drills, mas more fun.

"At saka mas marami akong gustong makilala na mga tao na pumuputok talaga.

"At the same time, nakakatulong tayo, at the same time, fun pa siya.

"Bata pa lang po ako, mahilig na akong magpaputok ng baril.

"Naengganyo po ako sa tatay ko. Bata pa lang ako, nakikita ko na siyang nagpapaputok.

"Bata pa lang ako, gusto ko nang pumutok, kaso hindi po ako pinayagan."

MILITARY OR ACTING? Kung nagkataon na hindi siya naging artista, posible kayang sa linya ng militar ang kursong kinuha niya?

Sabi ni Aljur, "Binalak din ng tatay ko na makapasok ako sa military, pero naiba po ng destinasyon.

"Kaya ito, ginagawa ko na lang bilang sports at hilig ko talaga."

First time daw ni Aljur sa ganitong tournament.

"First time, pero, bumabaril na ako noon. Ngayon kasi, nasa learning process pa ako.

"Ina-absorb ko pa ang mga rules and regulations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, kung totoong competition ito, disqualified na ako kasi bawal pala yung sa harap, hindi pa siya nag-i-instruct, kinakasa ko na ang baril.

"Bawal yun. Dapat hintayin mo siyang magsabi."

Nag-enjoy nga nang husto si Aljur sa ginawa kung kaya’t itutuloy na raw niya ang nasabing sports.

"Ngayon pa nga lang, gusto ko nang ituloy.

"Ngayon pa lang, nae-excite na ako sa mga ibinabalita ng mga kasamahan natin dito na magkakaroon ng iba’t ibang competition.

"Actually, next week, Plaridel, Bulacan. Next week, mas malaking event daw yun. "

GIVING BACK. Birthday ni Aljur sa March 24 kaya ang naturang tournament at gift-giving ay isang paraan ng pagbabalik ni Aljur sa mga natatanggap niyang blessings sa mga nangangailangan.

Hindi kaya siya nahilig sa target shooting dahil may gusto siyang barilin?

"Hindi po, wala po!" natatawang sabi ni Aljur.

"Kung meron mang pinagpaplanuhan, hindi n’yo malalamang bumabaril ako," biro pa niya.

"Pero wala po. Kaya po ako bumabaril ngayon kasi hilig ko pong talaga.

"Wala po akong kaaway. Ayoko pong pumatay.

"Kumbaga, sports lang po."

Posible rin kayang paghahanda niya ito sa pagsabak niya sa action films?

"Actually, hindi ko naman po pinaghahandaan, pero parang papunta na rin do’n.

"So, magagamit mo na rin. It’s a good thing na naggaganito tayo.

"Kung mabigyan man ng action project, hindi na rin mabibigla."

Dugtong pa niya, "At saka yun nga po, birthday ko na sa March 24.

"At every year, may tradisyon sa family na every 23rd, nagkakaroon ng charity [event] sa family. Nagpapakain kami sa mga bata."

NO NEED TO WORRY? Samantala, last week ay nagisnan daw ni Aljur na ang isang gulong ng nakaparada niyang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay ay may tama at wasak.

Ayaw isipin ni Aljur na sinadya raw talaga itong patamaan.

Aniya, "Hindi ako sigurado kung sinadya o ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka naman aksidente lang na ako ang nakaapak ng turnilyo.

"Pero ganun nga, dapa talaga ang sasakyan. Okay lang, nangyayari yun."

Pumasok ba sa isip niya na baka sinadya o may nagbabanta sa kanya?

"Pumasok din sa isip ko, pero hindi ko na lang pinansin kasi wala naman tayong kaaway.

"Kung may nanadya man, baka napag-tripan lang din.

"Sa akin, yung mga ganoong bagay, hindi na po pinapatulan."

Nakalimutan daw ni Aljur na i-report ang naturang insidente sa barangay pero kung sakali man daw na maulit, ire-report daw niya ang pangyayari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN