Part 2. Aljur Abrenica okay to meet Kylie Padilla’s "tita" BB Gandanghari

"Ako naman po, ang mga taong mahahalaga sa akin, mahalaga rin sa akin na makilala ang mga tao sa paligid niya especially yung pamilya niya," says Aljur Abrenica when asked if he wants to meet Kylie Padilla’s "tita" BB Gandanghari who is in town now.


Magandang pa-birthday daw kay Aljur Abrenica na magdiriwang ng kanyang ika-22 kaarawan sa March 24 ang magagandang review at feedback na natatanggap at nasusulat tungkol sa kasalukuyang pa rin palabas na pelikula nila ni Rhian Ramos, ang My Kontrabida Girl ng GMA Films.

Ayon kay Aljur, "Masaya po ako, e. Masaya po ako sa mga nangyayari ngayon lalo na sa movie na ito.

"Sa mga comments at mga feedback na natatanggap namin.

"Wala akong masabi kung hindi thank you.

"Thankful lang ako sa mga taong sumuporta sa amin at sa GMA na nagtiwala sa amin ni Rhian."

Inaasahan na rin ba niya na maganda ang makukuha nilang feedback sa movie?

"Well, hindi naman ako nag-expect. Kumbaga, mas na-excite pa ako sa finished product ng movie.

"Na-excite pa ako na matapos siya at saka mapanood," sabi niya.

ALJUR HAS IMPROVED. Yung ipinakita niyang pag-arte sa pelikula ay nabigyan din ng rekognisyon at may mga nagsabi na nag-improve na siya pagdating sa pag-arte.

Nakangiting sabi naman ni Aljur, "Salamat. Sinabi nga nila na nag-improve na nga raw.

"May kasabihan nga na there’s always a room for improvement at napansin nila na may pagbabago.

"Salamat, salamat po.

"Kumbaga ako, I keep on learning naman."

Pagkatapos ng My Kontranbida Girl, posibleng masusundan na rin daw ito ng isa pang pelikula.

Bukod pa rito, magkakaroon na rin daw siya ng panibagong soap opera.

Si Rhian pa rin ba ang kapareha niya?

"I’m not sure, e. Pero kung si Rhian man, okay ’yan, go ako," sagot ng young actor.

ALJUR’S BIRTHDAY. Ano ang plano niya sa kanyang darating na kaarawan?

"Sa birthday ko, halu-halo na ’yan, sinama ko na. Kasi minsan lang ako mag-celebrate.

"Kumbaga, nandoon ang family. Nandoon ang mga friends, close friends pati sa mga fans," sabi ni Aljur.

Ano ang birthday wish niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin, marami. Pero marami akong wish para sa ibang tao.

"Sana marami pa akong matulungan. Sana marami pang dumating na opportunities na ganito na makakatulong tayo sa mga nangangailangan.

"Pero ang wish ko talaga sa family ko, number one, good health at saka unity.

"Sana mag-stay ng matagal, forever."


KYLIE AND BB GANDANGHARI. Inimbitahan din daw ni Aljur ang nail-link sa kanyang si Kylie Padilla sa mismong birthday celebration niya.

Hindi nga lang daw sigurado ang binata kung makakarating ang dalaga.

Ayon kay Aljur, "Alam naman natin ang schedule niya, sobrang busy siya."

Ang "tita" ni Kylie na si BB Gandanghari ay nasa bansa ngayon. Nagkakilala na ba sina Aljur at BB Gandanghari?

"Ako naman po, ang mga taong mahahalaga sa akin, mahalaga rin sa akin na makilala ang mga tao sa paligid niya, especially yung pamilya niya," sabi niya.

Kung titingnan, talagang okay sila ni Kylie at walang nabago sa kanilang dalawa.

Pero ayon kay Aljur, "Hindi ko po masasabi na the same kasi madalang na lang kaming magkita ngayon.

"At nagpo-focus na lang kami sa trabaho namin."

May constant communication naman daw sila.


At dugtong pa niya, "Yung importansiya po niya, ganoon pa rin ang tingin ko sa kanya, espesyal pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN