Alessandra de Rossi on guys being intimidated by her: "Para raw akong isang mahal na mansiyon na titingnan mo lang, pero hindi mo kayang bilhin!"

Alessandra de Rossi says there’s no rivalry among her Legacy co-stars Lovi Poe and Heart Evangelista as each one tackles independent roles: "Kasi nga, ang ganda-ganda ng pagkakagawa ng characters naming tatlo na ibang-iba talaga."

"Na... yung isa maganda. Yung isa, masungit. Tapos yung isa, yung character ko nga... palengkera.


Sobrang sexy si Alessandra de Rossi sa suot niyang outfit nang bumulaga sa lobby ng bagong building ng GMA-7 matapos ng kanyang appearance sa Party Pilipinas kahapon, March 18.

Biro nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktres, siguro ay may bago siyang lovelife kaya bukod sa pagsusuot ng very revealing na damit ay blooming din ang kanyang beauty.

"Wala namang guy na nakakapansin sa beauty ko!" sabay tawa ni Alex (palayaw ni Alessandra)

"At iyon na lang ang isyu sa akin! Kasi walang isyu sa akin ngayon.

"Hindi ko alam kung bakit walang sinumang lalake na nakakapansin sa akin.

"Tuloy, wala pa rin akong dyowa until now!" natawa ulit ang aktres.

Dagdag pa niya, "Kaya nga ang point ko, ano pang sense na iinterbyuhin ako kung wala naman akong dyowa?!

"Alam n’yo naman ang artista, ’pag walang lovelife, parang wala ring career!"

Hindi pa ba career ang pinag-uusapang laging nakaw-eksena niya sa primetime drama series ng GMA-7 na Legacy?

"Pero wala naman akong interview!" buwelta niya.

"Ano ang isi-sit-down interview n’yo sa akin?

"Wala akong dyowa... wala akong dyowa!" tumatawa-tawa pa ring patuloy na pagbibiro niya.

ZERO LOVELIFE. Bakit nga wala siyang boyfriend? Choice niya?

"Actually, wala talaga.

"Kasi nga, katulad ng ilang taon ko nang sinasabi—bahay-taping, bahay-taping lang ako.

"E, wala naman [puwedeng maging dyowa] sa taping.

"So, wala talaga akong chance na maka-meet ng ibang boys."

Pero hindi niya ikinalulungkot na wala siyang boyfriend?

"Hindi," mabilis na sa sagot ni Alex.

"E, di sana kung ikinalulungot ko, meron na ako kahit kunyari na lang, di ba?

"Or kahit for the meantime lang—gano’n.

"E, hindi kasi ako gano’ng klaseng babae."

Hindi naman siya natatakot maging old maid?

"Hindi ako natatakot, pero hindi ako magugulat.

"But hindi naman siguro ako magiging old maid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka naman nai-intimidate sa kanya ng yung mga guys?

"Para raw akong isang mahal na mansiyon na titingnan mo lang, pero hindi mo kayang bilhin!" tawa ulit ni Alex.

"Joke lang! Joke!"

EX-BOYFRIEND. Na-trauma ba siya sa naging karelasyon niyang si Jeremy Marquez na last boyfriend niya? Balita kasi no’ng nag-break sila several years ago ay sobra raw siyang nasaktan.

"Hindi siguro trauma, kasi marami rin naman akong minahal after.

"Mas minahal pa than him... matagal ko pang mahal than him.

"Kaya lang, hindi talaga kami... alam mo yun?

"Na hindi niya ako mahal, gano’n.

"Hindi naman lahat ng ano, nasa ’yo, di ba?

"Siguro hindi siya [Jeremy] ready sa isang babaeng... sobrang ganda!" tawa ulit ng Kapuso actress.

Patuloy niya, "Six years na yata akong single.

"Pero feeling... malapit na uli akong magka-boyfriend.

"Siguro ang grand opening ng puso ko, mga 2020!" tawa na naman niya.

CRUSH ON ALDEN RICHARDS. Hindi kaya matrona na ang dating niya by that time?

Kuwento ni Alex, "Kanina nakasalubong ko nga si Alden Richards. Sabi ko, ’Alden Richards, crush kita!’

"’Tapos natawa lang siya.

"And then sabi ko, ’Sa ’yo lang ako papayag na makipag-lovescene ever in my career!’

"Nangingiti lang siya.

"Sabi ko pa, ’Kahit matrona na ’yong role ko!’" natatawa pa rin niyang sabi.

Isa ba talaga si Alden sa male celebrities na hinahangaan niya?

"Oo, pero ang bata naman niya!

"Kaya nga if ever na makaka-love scene ko siya, matrona na ang role ko! Na paaaralin kita! Charos!" wala pa rin tigil sa kakatawa si Alex.

ACTING PROWESS. Dahil sa galing ng acting niya sa Legacy, marami ang nagsasabing kinakabog raw niya sina Lovi Poe at Heart Evangelista sa pinagbibidahan nilang serye.

"I don’t think so!" sagot naman ni Alex.

Ang mga tarayan at tunggalian ng characters nilang tatlo, ikinae-excite na abangan gabi-gabi ng viewers na tumututok sa panonood nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktres, "Kasi nga, ang ganda-ganda ng pagkakagawa ng characters naming tatlo na ibang-iba talaga.

"Na yung isa maganda [Heart], yung isa, masungit [Lovi]. ’Tapos yung isa, yung character ko nga, palengkera.

"Ang ganda-ganda nga ng chemistry, di ba?

"So, imposibleng may matabunan.

"Hindi ko sila [Lovi and Heart] matatabunan.

"Ano ba, puro punchline na lang nga ang ginagawa ko sa show! Matatabunan ko ba sila no’n?

"E, kapag nawala naman ako sa show, mabubuhay pa rin naman ang show dahil wala naman akong partisipasyon sa kuwento kundi guluhin sila, di ba?"

KONTRABIDA. Ayon sa iba, si Alex ang parang nagbibigay ng anghang sa istorya ng Legacy, e.

At kahit kontrabida ang papel niya, imbes na kamuhian siya ay naaaliw pa raw ang viewers sa maldita pero may kagagahang character niya.

"Hindi rin!" nakangiti pero umarko ang kilay na reaksiyon ni Alessandra.

"Try n’yo na tanggalin ang character ko... magre-rate pa rin ’yan! Ha-ha-ha!

"Uhm... naaaliw siguro sa akin ang viewers kasi first time na may kontrabida na... alam mo ’yon?

"’Yung parang syunga-syunga [tanga-tanga] lang ang dating niya?

"So, nakakatawa lang siya.

"Iyon nga yung plano ko sa umpisa pa lang na ano... sabi ko, gusto ko si Bernadette [pangalan ng character niya] kapag nagbitaw ng linya, hindi mo alam kung seryoso siya o hindi.

"Para hindi mo alam kung mati-tense ka ba sa sinabi niya o hindi.

"Yung parang gano’n. Yung gano’ng naiibang atake ko sa role... E, dapat naman kasi.

"Bilang pare-pareho naman ang role ko na kontrabida forever, dapat iba-iba bawat show, di ba?"

Patuloy pa ni Alex, "Yung next ko nga, gusto ko, psycho talaga, e!

"Psycho na ang attack ko ’tapos hindi gumagalaw ang mukha."

LOVIE AND HEART. Kumusta ang working relationship nila nina Lovi at Heart sa pagpapatuloy ng kanilang taping for Legacy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super-close kaming tatlo. Para talaga kaming mga tunay na sisters—as in!

"Kapag wala kaming taping, nami-miss namin ang isa’t isa, yung gano’n.

"’Tapos, open kami sa mga buhay namin. Kung ano yung talagang nangyayari sa personal lives namin.

"So, masaya ako na may gano’n akong klaseng katrabaho. Kasi nae-excite kang pumunta sa taping.

"Naloloka nga sina Lovi at Heart kapag wala ako sa set. Kasi walang nagpapatawa sa kanila."

INDIE FILM. Isa rin si Alessandra sa paboritong kuning artista for indie films. Ano ag latest na puwedeng abangan?

"May bago na naman akong gagawin... it’s with Coco Martin.

"Pero hindi ko pa alam ang title.

"Oo, pang-Cinemalaya ulit ’yong indie film na gagawin ko," pagbabalita ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN