Carla Abellana on working again with boyfriend Geoff Eigenmann: "Parang huwag muna. Huwag muna."

"Parang it’s too soon to be working together," says Carla Abellana when asked if she misses working with boyfriend Geoff Eigenmann in a project.


Isa si Carla Abellana sa mga naghanda sa magkasamang selebrasyon ng birthday at fans’ day ng kasintahang si Geoff Eigenmann na ginanap kahapon, March 18, sa multi-purpose building ng Immaculate Conception sa Cubao, Quezon City.

Mahigit isang daan na fans na masasabing malapit sa dalawa ang dumating.

Magkasama namang dumating sina Carla at Geoff sa nasabing venue.

Kuwento ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "May katulong akong nag-prepare. Siyempre with his fans, his manager Perry Lansigan.

"Siyempre, nagtulung-tulong kami sa party na ito.

"At the same time, mero’n kaming giveaways para sa kanilang lahat. Meron kaming prizes.

"Yung yun is what we’ve doing from the past weeks, we’re preparing for this."

GIFT FOR GEOFF? Sa March 23 ang actual 27th birthday ni Geoff. Ano naman ang birthday gift ni Carla sa kanyang boyfriend?

"Wala pa, wala pa. Na-pressure naman ako bigla!" natatawang sabi ng aktres.

"Wala pa akong gift. May ilang days pa ako para mag-isip. So, sandali lang.

"Lahat ng gusto ni Geoff na material things, nabibili na niya.

"Binibili niya, inuunahan na niya ako, so nauubusan ako ng idea.

"Pero I have few days pa naman.

"Siguro bibisitahin ko na lang siya sa set."

Nagkataon kasi na sa mismong birthday ni Geoff ay may taping ito ito ng Legacy.

Ano naman ang birthday wish niya kay Geoff?

"Happiness, good health and a brighter career ahead of him."

MARRYING AGE? Magkatabi sina Carla at Geoff nang makausap naman ng PEP ang aktor.

Narinig ni Carla nang tanungin namin si Geoff kung sa edad nito ngayon na 27 ay masasabi niyang marrying age na ito.

Sagot naman ni Carla nang nakangiti, "Kaka-renew [ko lang] ng kontrata, so i-settle na muna natin ang work."

May naka-stipulate ba sa kontrata niya sa GMA-7 na bawal siyang magpakasal?

"Hindi naman, hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, between that and our work, siyempre unahin muna naming i-settle ang contract muna. Yung trabaho muna."

BECAUSE OF GEOFF? Sa ngayon, si Geoff ay nasa teleseryeng Legacy habang si Carla naman ay magsisimula nang mag-taping sa Abril ng Rancho Paradiso bilang leading lady ni Richard Gutierrez.

Gusto na rin ba niyang makatrabaho muli si Geoff?

"Parang huwag muna. Huwag muna. Parang it’s too soon to be working together.

"Last year lang, magkatrabaho na kami, di ba?" sagot ni Carla.

Malaking factor ba si Geoff sa pananatili niya bilang Kapuso?

Ayon kay Carla, "Naging importante sa akin na alam niya ang nangyayari.

"Kailangan alam niya ang mga desisyon ko.

"Pero si Geoff din naman, hindi naman siya nag-demand sa akin to make me stay.

"Siya naman, susuportahan niya ang desisyon ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN