Geoff Eigenmann on marrying age: "Noong bata ako, sinabi ko, before akong mag-twenty-eight. So, we’ll see!"

Geoff Eigenmann says he owes his success to fans who have followed his career from the beginning. He shares that most of his fans were already with him even when he was still with ABS-CBN. In fact, according to him, it was them who said: "Sige, lumipat ka na, we’ll support you no matter what."


For the past three years ay palagi nang kasama ni Geoff Eigenmann ang kasintahang si Carla Abellana tuwing nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang aktor.

Hindi nga naiiba ang taong ito dahil magkasama na naman sila sa advance birthday celebration at fans day ni Geoff na ginanap kahapon, March 18, sa multi-purpose building ng Immaculate Conception Church sa Cubao, Quezon City.

Every year naman daw ay iba-iba rin ang nagiging selebrasyon nila.

Ayon kay Geoff, "Last year, may taping kami ng Magic Palayok noon kaya sa set noong mismong birthday ko.

"Ngayon naman, may taping din ako ng Legacy, so work muna.

"Pero ngayon, sa mga fans muna.

"Sila muna yung kasama namin na magse-celebrate."

Dumating si Geoff sa birthday cum fans day kasama nga si Carla.

Pero ayon kay Geoff, parang surprise na rin daw sa kanya ang naturang kasiyahan.

"I only found out last minute, few days ko lang nalaman na meron.

"Nang magkita kami ni Perry [Lansigan, Geoff’s manager], nag-usap kami.

"I asked, ’Is there any plans for next week?’ Sabi niya, ’Oo naman.’

"So, ako, okay naman, game ako sa naging plano.

"And then, nalaman ko na alam na pala niya [Carla] noon pa!" natatawang kuwento ni Geoff.

GRATEFUL TO FANS. Malaki palagi ang pasasalamat ni Geoff sa mga fans niya na mula pa noon ay sumusuporta na sa kanya kaya naglalaan siya ng araw at anumang meron siya ay mai-share sa kanila.

Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa suporta ng mga fans niya, sabi ni Geoff, "Actually, I’m doing this because of them.

"I am where I am today because of their support.

"So, as much as possible, makapagbalik sa kanila ng konti at saka masaya.

"Yung iba, hindi ko mga kilala personally, but they are here during my birthday and they are celebrating with me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Once a year na nga lang ang birthday, di ba?

"And last Christmas, ginawa rin namin ’to, so we’re basically doing it twice a year.

"So, yun na yun. Two days out of 365 days is not bad at all. Okay na rin!"

LOYAL FANS. Natutuwa si Geoff tuwing makikita raw niya ang mga fans niya na nandoon na sa ABS-CBN days pa lang niya.

"Yes, it’s true. Some of them, ABS-CBN days pa.

"Yung iba sa kanila, nakikita ko na lang sa GMA studio.

"Minsan, nasa loob sila nanonood.

"Meron pa nga noong time na iniisip ko pa lang kung lilipat ako, sila pa ang nagsasabi na, ’Sige, lumipat ka na, we’ll support you no matter what.’

"So, kasama pa rin sila.

"Ang dami pang umuwi from other countries. Taga-London, taga-Israel.

"So, masaya. They really made time.

"At kapag pupunta sila ng Pilipinas, tinitiyempo nila during my birthday talaga.

"At March nila pinaplanong pumunta to celebrate with me."

NO BIRTHDAY PLANS. May trabaho at nasa taping daw si Geoff ng Legacy sa actual birthday niya, on March 29, kaya wala siyang masabing plano talaga sa birthday niya.

"Friday kasi, Legacy taping. So, mahirap. Hindi puwedeng makatakas.

"Pinaalam ko na kung puwedeng walang taping, kaso hindi puwede.

"With Holy Week coming also, soon. So, kailangang maghabol.

"So, yung birthday ko mismo, wala pa talagang plano."

WEDDING PLANS? Sa kaarawan ni Geoff, 27 years old na siya. Kaya ang sumunod na tanong dito: marrying age na bang masasabi ang edad niya.

"Alam ko sa sarili ko, noong bata ako, sinabi ko, before akong mag-twenty-eight. So, we’ll see!" natatawa niyang sabi.

TERMS OF ENDEARMENT. "Babes" ang narinig na tawag ni Geoff kay Carla lalo na nang mag-"I love you" siya sa kasintahan sa Party Pilipinas kahapon.

"Babes... my love... anything—kung ano maisip na tawag," sabi ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang birthday wish niya?

"World peace," nakangiti niyang sagot.

"Pero siyempre, tuloy-tuloy lang ang lahat ng blessing.

"My family to always be there for me and my friends at yung support ng mga fans, sana tuluy-tuloy pa rin.

"Hanggang sa tumanda ako, nandiyan lang sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN