Gwen Zamora on her first international film: "Ibang level na ’to!"

Gwen Zamora on how she feels about having her international film opening in local theaters tomorrow: "Kasi, Indonesia has a lot of more plans of doing movies in the Philippines. So, parang ganito ang magiging style. So, sana may support. Kasi kung may suporta ’to, I’m sure may follow-up."


Unang pagkakataong napanood ni Gwen Zamora ang ginawa niyang pelikulang The Witness ng Skylar Pictures at released ng GMA Films sa premiere ng nabanggit na pelikula kagabi, March 19, sa Resorts World Manila.

Kasama ni Gwen na nanood ng premiere night ang ilang executives ng GMA-7 sa pangunguna na ni Atty. Felipe L. Gozon at ilang mga Kapuso stars ’tulad nina Rhian Ramos at Sarah Lahbati.

Hindi halos matanggal ang ngiti sa labi ni Gwen pagkatapos nitong mapanood ang pinagbidahang pelikula na kinunan sa Indonesia.

Si Gwen lang ang artistang Filipino sa cast.

Kuwento ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "It was my first time to watch it. Proud talaga ako sa director.

"Ang galing, galing, galing talaga ng director! Wala akong masabi.

"Yung music... the way they combined the music, the lighting, ang galing talaga! Oh my, God!"

Ang direktor ng The Witness ay ang Indonesian na si Muhammad Yusuf.

Na-meet ba ang expectations niya nang mapanood ang pelikula?

"A lot, more than what I’ve expected," sagot ni Gwen.

ACTING CHOPS? Marami ang pumuri kay Gwen, hindi lamang sa kabuuan ng pelikula kundi dahil na rin sa ipinakita niyang pag-arte.

"Really? For me, it’s really the director talaga.

"Kasi, if the actor is good... and thanks to the director because of all the directions that’s given.

"So, proud talaga ako sa director. Ang galing talaga.

"It was all worth it. And if I have to do it again, I’ll do it again," saad niya.

VERSATILE. Kung tutuusin, si Gwen ang artista na hindi nakatali sa isang karakter lang.

Nandiyang nagko-comedy siya, nagkokontrabida, nagda-drama.

Ngayon naman, mapapanood siya sa isang suspense movie.

Ayon sa Kapuso actress, "I want to explore some more characters.

"Like ngayon, nagawa ko ang fantasy, nagawa ko ang comedy. Nagawa ko bida, nagawa ko kontrabida. Nagawa ko ang parang horror...scary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’m sure, there’s a lot more that I want to try and explore more as much as I can."


SUPPORT FROM FRIENDS. Ayon kay Gwen, halos lahat ng kakilala niya ay inimbitahan niya sa premiere ng pelikula niya.

Saad niya, "I invited my family. I invited my friends... my friends from school.

"I invited almost all that I knew and they all came. I’m so happy.

"Thank you for all coming tonight and it means a lot to me.

"And it’s super heartwarming to see that you guys support and believe in me.

"Thank you, thank you so much."

PRESSURED? Kahit magaganda ang naririnig niyang feedback ng The Witness, aminado si Gwen na ninenerbiyos siya dahil bukas, March 21, ay ipapalabas na ito sa mga sinehan.

"May pressure po. Kasi, I don’t know if they like me or they’ll like it.

"Pero to be honest, it is a movie that people should watch kasi ibang level na ’to.

"Kasi, Indonesia has a lot of more plans of doing movies in the Philippines.

"So, parang ganito ang magiging style. So, sana may support.

"Kasi kung may suporta ’to, I’m sure may follow-up."

Bukod sa Pilipinas, ipalalabas din daw ang The Witness sa Indonesia, Singapore, Malaysia, Brunei, at posibleng maging sa Thailand at Hong Kong.

Nagho-hope din si Gwen na sana nga raw ay masundan ang project niyang ito mula sa Indonesia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN