Part 1. Governor Vilma Santos on detractors urging her to choose between acting and politics: "Hindi ako nagpapabaya sa trabahong ibinigay sa akin."

Vilma Santos on people telling her to concentrate being a politician and forget acting: "Kung sa the other side ko of my being Vilma Santos ipatanggal n’yo, e, hindi mo na matatanggal yun. Siyam na taon pa lang ako, kasama ko na ’yan. Kayo nga kako, dumadalaw sa Kapitolyo, kayo pa mismo nagpa-picture sa akin, e."


Kabilang si Governor Vilma Santos-Recto sa pitong pinarangalan mula sa 80 governors sa buong Pilipinas ng Community Based Monitoring System (CBMS ) para sa kanyang kapuri-puring pamamalakad sa probinsiya ng Batangas.

Ang naturang award ay masasabing katumbas ng best actress award na hindi na mabilang kung ilang beses nang natanggap ni Ate Vi (taguri kay Vilma).

Matapos tanggapin ng Star For All Seasons ang parangal noong Lunes, March 19, ay nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Chef Jessie Restaurant sa Rockwell, Makati.

MULTI-AWARDED PUBLIC SERVANT. Para kay Vilma, halos walang pagkakaiba ang kanyang natatanggap na parangal bilang isang artista at pulitiko.

Aniya, "Well, halos pare-pareho rin.

"Sa showbiz ang mga natanggap ko, e, sobra-sobra na ang mga achievements ko riyan.

"Kahit paaano, masuwerte na rin ako. Nakatanggap na ako ng box-office [queen award], best actress, lifetime achievement awards...

"Ang maganda lang naman dito sa pulitika, at least, napunta ako sa public service.

"And yet, kahit paaano, e, nare-recognize din naman ang mga trabahong ginagawa ko as a public servant.

"Fullfilment din ’yan at kakaiba rin ang excitement—isang malaking bagay na rin yun para sa akin.

"I mean, yung mabigyan ako ng award sa public service... 16 years na rin ako dito.

"Sabi ko, malaki-laki na rin ang tinatrabaho ko rito at mahalaga na rin yun para sa akin.

"Parang best actress award."

Aminado si Ate Vi na kahit ang dami na niyang natanggap na awards ay hindi maaaring hindi siya kabahan tuwing tatanggap ng parangal.

"Dito naman sa pulitika, e, definitely alam mo na. Kumbaga, yun lang ang difference.

"Ang recognition sa pagiging public servant, alam mo na may ginagawa kang maganda.

"Sa showbiz naman, e, manginginig ka pa kung ikaw ang tatawaging best actress or what.

"Pero dinaanan ko lahat yun. Dinaaanan ko yung na-exite ako, nanalo ako.

"Then, dinaanan ko rin yung na-excite ako, pero natalo ako. Maraming ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba pa rin sa pulitika na hindi naman yung parang contest.

"We are talking about the province na kadalasang [basehan ng] ibinigay na awards sa amin.

"Yung mga ganung klaseng recognition, pili kayo talaga.

"Kumbaga, ito, parang passing grade mo as a public servant.

"Kumbaga, you are doing your job as a public servant," saad ng gobernador ng lalawigan ng Batangas.

BATANGAS. Nang kumustahin ng PEP ang Batangas, "Awa ng Diyos, okay naman," ang nakangiting sagot ng gobernadora.

"Ang buhay ko naman kasi, e, alam n’yo kung saan umiikot.

"Like kanina, 4 a.m. in the morning na kami na-pack up sa shooting."

Ang tinutukoy ni Ate Vi ay ang shooting ng pelikulang The Healing ng Star Cinema.

Patuloy niya, "’Tapos paggising ko, as a public servant, e, mga balita na nangyayari sa Batangas ang mga pinaparating sa akin.

"Kumbaga, yung mga report na minsan nakakapagod mentally.

"Buong probinsiya ng Batangas, kailangan well-coordinated ka sa mga mayors. Yung mga programa mo na dapat tutukan talaga.

"Yung peace and order, hawak mo ’yan. Unang-una yung budget, hindi mo magagawa kung wala kang pondo.

"Paano mo mapangalagaan ang dalaw sa mga empleyado sa Kapitolyo at sa mga district hospitals?

"More than two thousand employees na bawat isa, may kanya-kanyang pag-iisip.

"Twelve district hospitals all over Batangas na under lahat yun ng provincial government," pag-isa-isa ni Governor Vi sa kanyang nasasakupang responsibilidad.

Pagmamalaki pa niya, "Ang ganda na mga hospitals namin. Yun ang una ko talagang binigyan ng malaking budget—rehabilitation, equipment, expansion.

"Para sa mga papasok, e, hindi ka matatakot na parang palagay mo mamamatay ka na.

"Ang gusto ko pang linisin ng konti, hindi lang yung construction ng building, pagbili ng mga magagandang equipments, e—yung how to treat the people na lalapit sa hospitals ng Batangas.

"Kumbaga, yung papaano ka manilbihan. Ayoko yung may magrereklamo na hindi inaasikaso sila. Diyan ako galit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, serbisyo dapat ang pinakaimportante. Hindi man natin maibigay ang lahat ng pangangailangan nila, tratuhin mo lang sila nang maganda, daig na rin yung ginamot mo sila nang husto.

"Mahirap na kasi na hindi mo na nga naibigay ang lahat ng mga pangangailangan, hindi mo sila tatratuhing mabuti, e, sadya naman talagang magagalit sa iyo ang mga yun.

"Kaya yun lang ang pinapakiusap sa mga empleyado ng mga hospitals at maging sa Kapitolyo, wala tayong choice but to serve our constituents.

"And it is our duty to take care of them—may gamot man tayo na maibibigay sa mga pangangailangan nila o wala.

"But treat them well, daig pa yung ginamot mo ang mga ’yan."

PRESIDENT VILMA SANTOS-RECTO? Birong tanong namin sa gobernadora, in the years to come kaya ay nasa Malacañang na ang isang Vilma Santos-Recto?

"Dyuskopo! Hindi ko po pangarap ’yan," mabilis na sagot niya sa amin.

"Basta sa ngayon, this is my life now.

"Excting din naman, actually. Kumbaga, tuluy-tuloy din naman ang trabaho ko.

"Ang maganda lang dito, nakaka-inspire kasi alam mong gumagana ang utak mo.

"Alam mong may responsibilidad kang dapat mong harapin.

"Kumbaga, alam mong may mga constituents kang umaasa sa ’yo.

"’Andiyan ang pamilya parati para sa akin.

"Yun ang mga bagay na yun ang nagbibigay sa akin ng adrenaline.

"Andiyan si Ralph [Recto, her husband] to guide me."

MOVIE OFFERS. Sabi pa ng Star for All Seasons, hindi pa rin daw nawawala ang offers sa kanya na gumawa ng pelikula.

"Kahit alam nilang hindi ko magawa lahat, pero hindi nawawala ang mga offers.

"I mean yung mga bagay na ’yan, nakakapagbigay ng inspirasyon sa akin. And yet, one at a time lang.

"At least all the oppurtunies ’andiyan.

"Yung mga taong naniniwala pa rin sa mga kakayahan ko, yun ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung yun lang ang kaya ko, yun lang ang gagawin ko.

"Sa totoo lang, ilang beses nang humihingi ng meeting sa akin sina Chit Guerrero at Charo [Santos-Concio] ng meeting.

"Wala na akong maibigay, kasi yung isang araw na ipapahinga ko, e, ibibigay ko pa, e, ’wag naman, di ba?

"It is time for myself naman. I need to rest din naman.

"Humihingi pa since January pa ng isang araw na meeting, pero hindi ko pa napagbigyan.

"Sabi ko na lang sa kanila, na sana tutal Star Cinema rin naman ang shooting ko, e, doon na lang nila ako puntahan," sa location ng pelikula ang ibig niyang tukuyin.

"Pero ayaw naman nila. Gusto talaga nila, yung sit-down na kagaya nito.

"Pero nata-timing naman talaga na Batangas, then shooting.

"Matatapos ako ng 4 a.m, so ipapahinga ko naman ang susunod na araw ko.

"Kumbaga, Thursday, pinuyat ako. Shooting ako hanggang 6 a.m.

"I need to rest din naman the next day para mapakinabangan din naman ako sa susunod na araw.

"Then shoot ulit ng Sabado hanggang magdamag na ulit yun.

"Then Linggo, rest para sa family day.

"Then Monday, Tuesday hanggang Wednesday, trabaho ulit sa Batangas."

Sa likod ng pagiging epektibong public servant ni Vilma ay hindi pa rin nakakalimutan ng gobernadora ang kanyang pagiging aktres.

"Yung mga nagsasabi sa akin, tatakbu-takbo pa raw ako, pulitikong tao na raw ako, nag-aartista pa rin.

"Sabi nila, mag-artista na lang daw ako nang diretso at tigilan ko na ang pagiging pulitiko..

"Sabi ko, ’Alam n’yo kahit anong gawin, mapakaliwa mapakanan, sa itaas man o sa ibaba, yung Vilma Santos, hindi mo na matatanggal sa akin.

"Alam ko as long as... as far as I know, hindi ako nagpapabaya sa trabahong ibinigay sa akin.

"I have my limatitions at kung hanggang saan lang ang puwede kong magawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I cannot do miracles.

"Basta as far as I know, lahat ng puwede kong gawin sa inyo, ibinigay ko sa inyo.

"Ngayon, kung sa the other side ko of my being Vilma Santos ipatanggal n’yo, e, hindi mo na matatanggal yun.

"Siyam na taon pa lang ako, kasama ko na ’yan.

"Kayo nga ’kako, dumadalaw sa Kapitolyo, kayo pa mismo nagpa-picture sa akin, e.

"Kumbaga, Vilma Santos is always beside ko."

I AM VILMA! Ang pagiging Vilma Santos ba niya ay isang plus factor sa pagkuha ng budget na gagamitin sa mga proyekto niya sa lalawigang nasasakupan?

Sagot niya, "Diyan ko hindi nagagamit ’yan. Kasi yung pagkuha ng pondo, e, hindi ganun kadali.

"Kaya lang ang pondo, mas madaling nakukuha ’pag nakikita nila yung proyekto.

"Kumbaga, may bala na akong ipapakita sa kanila.

"Kumbaga, ito na yung proyekto, ipapakita ko at nabibigyan naman agad ng pondo.

"Pero yung pagiging Vilma Santos ko, e, hindi ko nabebenta sa ganun.

"Ang pagiging Vilma Santos ko, e, kung minsan, kahit hindi ko maibigay ang pangangailangan nila, e, ngitian mo lang, e, hindi na sila magagalit.

"Kahit hindi ko nasagot ang gusto nila, ngiti lang, e, aalis na silang may ngiti na rin.

"Doon ko nagagamit ang pagiging Vilma Santos ko.

"Pero yung suporta ng crowd, e, ’andun pa rin si Vilma.

"Ang kailangan ko lang patunayan ko, e, kaya ko naman ang trabaho as governor.

"Pero yung paghanga nila sa ’yo, ’andun yung pagiging Vilma Santos ko.

"Pero at the end of the day, ang titingnan pa rin diyan, e, yung report card mo as governor.

"Kumbaga, kung ano ang nagawa mo, kahit Vilma Santos ka, may nagawa ka ba at naprotektahan mo ba yung Kapitolyo?

"Doon ka rin talaga babagsak," paliwanag ng gobernadora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN