Part 3. Vilma Santos on her singing voice being compared to Anne Curtis’s: "Kahit ganito ang boses namin, e, bayad kami!"

Vilma Santos on her singing voice: "Kumbaga, puro hininga raw na para ngang pinupunit na yero. Yun ang tira nila sa akin noon. Pero sabi ko noon sa kanila na, ’Maaari nga akong may pinakapangit na boses, pero ang boses ko, e, bayad. Ang dami ngang magagandang boses, e, hindi naman sila bayad."


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Governor Vilma Santos-Recto, nagawi naman ang usapan tungkol sa kanyang bagong pelikula—ang The Healing ng Star Cinema.

Ayon kay Ate Vi, halos 50 percent na raw ang natatapos nila sa pelikulang ito ni Direk Chito Roño.

Kung papalarin daw ay maaring makagawa pa siya ng isa para pa rin sa Star Cinema ngayong taon.

"’Pag naipalabas ng July ang The Healing, baka makakaya kong makagawa ng isa pang mabilis lang na Wenn Deramas project.

"Isang masayang pelikula with Ai-Ai delas Alas.

"Sana nga matapos namin agad ito dahil excited ako, dahil ngayon lang ulit ako magkaroon ng entry sa filmfest," excited pa ring pagkukuwento ng Star For All Seasons, patungkol sa proyektong pagsasamahan nila ni Ai-Ai na pang-Metro Manila Film Festival.

SHARON CUNETA AND HELEN GAMBOA. Nakarating na raw kay Ate Vi ang tungkol sa sinasabing tampuhan ngayon ng magtiyahing Helen Gamboa at Sharon Cuneta.

Ito ay nag-ugat dahil hindi pagsuporta ng tiyuhin ni Sharon na si Senator Tito Sotto ng kandidatura ni Senator Kiko Pangilinan bilang Senate President.

Si Senator Tito ay mister ni Helen, samantalang si Kiko naman ay asawa ni Sharon.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi niya tungkol dito, "Nalungkot lang talaga ako kasi alam naman natin na politics ang dahilan.

"And which I think na dapat hindi masira ng pulitika ang isang pamilya.

"It should be beyond politics. Nalungkot kasi ako kasi mahal ko Shawie [Sharon], mahal ko rin si Ate Helen, nakakasama ko rin siya.

"Sana huwag na lang sana nating paglaruan. Maybe, natiyempuhan lang na medyo sensitive silang pareho.

"But issue na masisira ang pamilya because of politics, ayoko. Hindi ko gusto ’yan.

"Iba rin naman ang bonding nila Ate Helen at Shawie noon. Medyo natiyempuhan lang siguro silang... pareho lang silang emotional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang dahil sa Twitter... Twitter ang nagpapagrabe," napapailing pang pagkukuwento sa amin ng aktres.

HER OWN TWITTER ACCOUNT? Ayon kay Governor Vi, balak sana niyang magkaroon na rin ng account sa Twitter, pero dahil sa mga nababasa niyang nangyayaring isyu dahil sa nasabing social networking site ay nagdadalawang-isip na raw ang actress-politician.

"Ako nga nagpaplanong mag-Twitter na rin. Tinuturuan nga ako ni Janice [de Belen na co-star niya sa The Healing].

"Ginagawan niya ako ng account at sinasabi niya sa akin lahat kung paano.

"Pero sa nangyari kina Zsa Zsa [Padilla], nangyayari ke Regine [Velasquez] sa anak niya, at sa iba pa nating mga taga-showbiz, e, sabi ko sa kanila, ’Ayoko nang mag-Twitter.’

"Kaya sabi ko kay Janice na, ’’’Wag na. Ayoko nang makigulo diyan sa Twitter.’

"Gusto ko nang umiwas, baka ako pa ang makakaengkuwentro.

"Pikon din kasi ako. Sumasagot talaga ako. Hindi rin naman ako nagpapatalo, di ba?

"Kaya hindi ko na ine-entertain na magka-Twitter pa," sabi ni Ate Vi.

HAPPY ANNIVERSARY! Ngayong taon ang kanyang ika-50 anibersaryo sa showbiz. Ano na ang bago sa plano niyang pagsi-celebrate ng kanyang golden anniversary?

"Well, basta ako excited. The Star Cinema and the ABS-CBN people are working on it already—the book launching at iba pa.

"Pero depende pa rin sa schedule ko pa rin. Baka puwede ring itong The Healing na lang ’pag hindi namin natapos on time!" natatawang sabi ng Star for All Seasons.

"Maganda yung plano ni Malou [Santos of Star Cinema] na sana kung makahabol pa yung isa pang movie.

"Para ’pag nai-showing ng July ang The Healing, meron pa akong pang-December na movie namin ni Ai-Ai.

"Kasi by November, filing na ng candidacy namin," dahil sa susunod na taon na nga ang local elections.

"Kumbaga, nai-celebrate ko na yung 50th anniversary ko sa showbiz at naipalabas pa yung dalawang movie ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi by January, kampanyahan na halos lahat ’yan. Kumbaga, yung visibility mo sa tao, tuluy-tuloy.

"Pero sabi ko kay Malou, kung kakayanin ko.

"Kaya kamukha nito, dito ako sa awarding, then tomorrow I’ll be at San Luis. May blessing ng isang pinagawa kong project.

"Kasi sa totoo lang, I’m one governor na hindi nag-i-stay masyado sa office.

"Ayoko ng ganun. I go around the province. Mas gusto kong ako mismo ang nakakakita ng problema.

"Pero ’pag eleksiyon, tinitira pa rin akong wala naman daw akong nagawa.

"’Pero bakit ako nanalo? Ano ang sinabi ko?’ tinatanong ko ang mga tao.

"Kasi everytime na nasa area ako, lagi nilang sinasabi na absent ako kasi wala ako sa Kapitolyo.

"Pero ang mga tao mismo ang nakakapagpatunay na nasa kanila at nag-iikot ako. They see me there.

"’Pag inaabot ako dun at may problema na kailangan kong ayusin ang mga papeles, dun ako nag-oopisina sa office ng mayor," kung nasaan man daw siyang bayan ng Batangas abutan.

"Ang iba naman kasi, ’pag hindi ka nila nakikita sa Kapitolyo, sabihin na agad nila na absent ka.

"Pero kaya naman talaga ako nanalo dahil hindi naniniwala ang mga tao sa mga paninira nila sa akin."

RYAN CHRISTIAN. Nadako naman ang pakikipag-usap ng PEP kay Governor Vi tungkol sa kanyang bunsong anak na si Ryan Christian.

Aniya, "Well, 16 years old na ang anak ko sa darating na March 29.

"Sasayaw siya sa ASAP, silang dalawa ni Lucky [Luis Manzano]

"Very excited talaga. Isulat niyo naman na sasayaw ang magkakapatid," masayang pakiusap pa ni Ate Vi tungkol sa production ng kanyang mga anak sa show ng ABS-CBN sa darating na Linggo, March 25.

"’Wag na ako, okay na sa akin yung magkapatid," ang maisulat ang nais niyang tukuyin.

"Sabi ko nga kay Christian kung ano ang isasayaw nila, yun bang ’Dougie Dougie.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya sa akin, ’Mom, that’s old na. Everybody is doing that already.’ Kaya hindi nakakibo ang nanay!

"Kaya sabi ko na lang, ’Really? So ano ang sasayawin n’yo?’ Sagot niya sa akin, ’They know better.’"

Wala ba talagang balak na pasukin na rin nang tuluy-tuloy ng kanyang bunso ang show business?

"Well, ano muna.. patapusin muna natin ang pag-aaral niya.

"May time kagaya nito na bakasyon, e, okay lang. Pero ’pag pasukan na, priority niya munang makatapos ng pag aaral.

"Sa kuya niya, okay lang kasi tapos na naman talaga ng pag-aaral niya si Luis.

"Pero si Ryan, school muna talaga. Pero hindi rin naman namin siya hinihigpitan.

"’Pag may mga ganyan at bakasyon din naman, e, walang problema sa amin.

"Pero ’pag may pasok na, dapat dun talaga ang concentration niya.

"Ngayon nga nag-e-exam pa ang mga classmates niya. Siya hindi, kasi exempted.

"O, di ba, proud nanay?" masayang kuwento pa ng Star for All Seasons.

ALL FOR RYAN! Basta para kay Ryan, may oras pa rin naman daw sina Governor Vi at Senator Ralph.

Lahat halos daw ng mga affairs sa eskuwelahan kung saan kailangan ang presence nilang mag-asawang ay nandun daw sila ng senador.

"Importante talaga yun para sa anak ko. Dahil kung hindi mo gagawin, e, hindi naman ang school ang magtatampo sa iyo kundi mismong ang anak namin.

"Kaya yung mga family day, mga PTA meetings, school anniversaries, ’andun kami ni Ralph.

ANNE CURTIS. May mga nagkukumpara kay Ate Vi sa lakas ng loob daw ni Anne Curtis sa pagsayaw, lalo na sa pagkanta nito.

"Well, pareho naman kami. Kita naman ng ginagawa ko noon sa Vilma!" natatawang sabi ng actress-politician patungkol sa kanyang dating musical-variety show.

"Sa totoo lang, yung lakas ng loob ni Anne, e, yun din ang lakas ng loob ko noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumakanta rin naman ako noon sa Vilma!.

"Anong masasabi nila sa akin do’n? Hindi ko talaga sila aatrasan!

"At saka ’wag nilang apihin na kahit ganito ang boses namin, e, bayad kami! Kaya ’wag nila akong apihin.

"Parang si Anne din ngayon, di ba?

"Kaya ako nakasuporta sa kanya, kasi ganun din naman ako noon."

Dagdag pa ni Ate Vi, "Sabi nga nila sa akin noon, e, yung boses ko raw, parang pinupupunit na yero.

"Kumbaga, puro hininga raw na para ngang pinupunit na yero—yun ang tira nila sa akin noon.

"Pero sabi ko noon sa kanila na, ’Maaari nga akong may pinakapangit na boses, pero ang boses ko, e, bayad.’

"Ang dami ngang magagandang boses, e, hindi naman sila bayad!" natatawa pa ring banggit ni Ate Vi..

INDIE MOVIE FOR ATE VI? Kumusta naman ang napapabalitang paggawa rin daw ni Ate Vi ng isang indie film?

"Tumawag na naman sa akin si Adolf Alix [indie director] at ang sabi niya sa akin, ’Ate Vi, may dadalhin na naman akong script sa ’yo.’

"Si Adolf yung gumawa ng Isda na dapat sa akin. ’Tapos yung La Independencia.

"Last Friday lang, tumawag na may dadalhin daw siya sa akin na script. ’Tapos sabi ko, ipadala na lang niya.

"In fairness, talagang gustung-gusto ni Adolf na makagawa na kami ng indie movie.

"Kahit saan hinahagilap niya talaga ako. Ang sabi niya, e, basta mapabasa lang niya sa akin ang script na gusto niya na gawin ko.

"Ilang beses na yung pinuntahan niya ako sa Kapitolyo, pero nagkataon na nasa ibang bayan ako nag-iikot.

"So, talagang gumawa siya ng paraan para makapag-usap kami.

"Alam mo kung saan niya ako inabot noon? E, doon sa shooting ko dati ng Bear Brand sa Luneta. Doon kami nakapag-usap. Doon ko lang siya na-meet.

"Ang tiyaga talaga niya sa akin. Sana nga this time, matutuloy na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOREVER YOUNG. Isang sikreto raw ni Ate Vi kung bakit parang wala siyang kapaguran at malayong mukhang bata sa kanyang edad ay dahil sa ehersisyo.

"Almost every day. Pagkagaling sa Batangas at hindi gaanong pagod at kaya ko pang ma-exercise, kahit at least 20 minutes, e, okay lang.

"Basta kailangan lang you sweat and then stretching.

"Sa totoo lang, yung pag-iikot ko sa Batangas, nakikita n’yo naman kung saan ako nagpupunta... kung hindi lang siguro banat ang buto ko, e, mahihirapan ako to cope.

"Pero dahil medyo banat ang katawan ko dahil mula pa sa pagkabata trabaho na... yung sa Vilma! ko dati tuluy-tuloy kaya hindi ako basta-basta makadama ng pagod agad.

"Kumbaga, sa Vilma! show... sa rehearsals ng mga production [numbers] ko, after ko manganak kay Ryan, tuloy pa rin ang trabaho ko.

"Hanggang ngayon, e, trabaho pa rin. Tuluy-tuloy pa rin ang exercise ko.

"So, flexible pa rin tayo kahit papaano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN