(UPDATED) Ai-Ai delas Alas’s car denied entrance to ABS-CBN parking lot and compound twice

Ai-Ai delas Alas admits to feeling slighted after her vehicle was denied entrance to the parking lot and compound of ABS-CBN not just once...but twice. Her request: "Sana gawan nila paraan na may komportable kaming daanan sana, kaming mga artista."


May tampo nga ba ang komedyanang si Ai-Ai delas Alas sa ABS-CBN?

Napag-usapan ito kanina, Marso 20, ng ilang reporters na naimbitahan sa press conference ni Boy Abunda para sa proyektong Hope In a Bottle, na ginanap sa Kenny Rogers Roasters restaurant sa Katipunan, Quezon City.

Nagsimula ito nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Arniel Serato ang tungkol sa tampo diumano ni Ai-Ai sa kanyang home network.

Si Boy ang manager ng Comedy Queen at isa rin sa malapit na kaibigan ni "Aileen," ang tawag ng The Buzz host sa komedyana.

"Meron na akong alam," ang pag-amin ni Boy. "Pero hindi pa buo para i-discuss mo nang... for me to discuss these things."

Clueless ang ilang writers tungkol sa isyu kaya may mga nag-usisa kung tungkol saan nga ba ito.

Hindi nagbigay ng detalye si Boy, maliban sa "work related" ang dahilan ng tampo ni Ai-Ai.

Ang sabi pa niya: "Hayaan muna natin. I think in the next few days or in a week or so, ito’y lilinaw.

"Si Aileen, kahit anong mangyari, personal o propesyunal, tatawag at tatawag iyan.

"Pero yung detalye nitong pinag-uusapan natin, kailangan ko pa malaman."

Samantala, may follow-up question pa si Arniel: Ang "tampo" bang ito ang dahilan kung bakit hindi sa ABS-CBN ginanap ang press conference ng bagong show ni Ai-Ai na Wako Wako?

Sa 55 Events Place ito nangyari kahit pa ang 9501 restaurant ng ELJ Building ang madalas na venue ng Kapamilya network para sa mga press launches nito.

Natawa si Boy sa tanong, at saka nito idinugtong na hindi niya raw alam kung ano ang mga detalye ng isyu dahil "di ba, ang Backroom, binigay ko na sa mga senior partners?"

PARKING LOT INCIDENT. Samantala, ayon naman sa nakalap na datos ng PEP, nag-ugat daw ang tampong ito ni Ai-Ai sa isang insidente na naganap kamakailan sa parking lot ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ng show appearance ang komedyana, at dumating ito sa network lulan ng kanyang van.

Puno na ang parking lot kaya hindi na pinapasok ang sasakyan ni Ai-Ai, na naglakad na lamang mula sa lumang building ng naturang network papunta sa ELJ building.

Makalipas ang ilang oras, nagpasundo na ito sa kanyang driver. Pero kahit pa ipi-pick up lang siya, hindi pinapasok ng guwardiya ang kanyang van.

Ang ending: naglakad siya ulit mula sa harapan ng building hanggang sa labas ng gate kung saan naghihintay ang kanyang sasakyan.

AI-AI’S SIDE. Kaagad na hiningi ng PEP ang panig ni Ai-Ai tungkol sa isyu, at sa pamamagitan ng text message, kinumpirma nito sa PEP contributor na si Melba Llanera na naganap nga ang nasabing insidente.

Ngunit paglilinaw niya, humingi na ng tawad sa kanya ang head ng security ng ABS-CBN. Gayunman, umapela pa rin ang komedyana sa management.

Sabi ni Ai-Ai sa kanyang text, published as is:

"Pero nag sorry na head nila pinadalan nako bulaklak..and card.. but still sana gawan nila paraan na may komportable kaming daanan sana.kaming mga artista."

"APOLOGIES TO AI-AI." Samantala, nagpadala na ng official statement ang ABS-CBN sa pamamagitan ni Bong Osorio, ang head ng corporate communications department.

Narito ang text message na ipinadala sa PEP managing editor na si Karen A. Pagsolingan pasado alas onse ng gabi:

"Our head of security has apologized to Ai-Ai delas Alas for the incident. He has conducted an investigation and found out that the guards involved in the incident have indeed committed lapses in the performance of their duties. They have since been made to return to their security agency for reassignment. Again, we would like to reiterate our apologies to Ai-Ai. "


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN