Part 1. Venus Raj defends fellow beauty queen Gwendoline Ruais from criticisms

Venus Raj (left) on Gwendoline Ruais (right): "Super competitive talaga si Gwen. Siya ’yong klase ng tao na, ’Kapag gusto ko ’to, makukuha ko ’to.’ ’Yong gano’n na ’talagang lalaban ako para dito.’ And I think that’s a nice attitude, alam n’yo ’yon? Basta gagamitin lang natin sa tama."


Hiningan ng reaksiyon si Venus Venus tungkol sa kaibigan niyang si Miss World 2011 first runner-up Gwendoline Ruais.

Naiintriga kasing may attitude problem na raw at nagkakaroon ng ere si Gwendoline.

Ayon sa balita, feeling daw ng half-Pinay, half-French beauty queen, ang pananalo niya ng first runner-up sa Miss World makes her above other Filipina beauty queens—gaya halimbawa ni Venus na naging 4th runner-up sa Miss Universe 2010 at ni Shamcey Supsup na nanalong 3rd runner-up sa Miss Universe 2011.

"Hala!" natatawang sabi ni Venus nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng Mercator Model and Artist Management para sa kanilang talents kahapon, March 20, sa Dulicinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Pero dagdag niya, "Well, Gwen and I are very good friends. We started from Binibining Pilipinas, magkasama kami.

"We’re like sisters. I treat her as my sister.

"I don’t know... hindi ko alam kung totoo o hindi.

"Pero... well, lahat naman ng tao ay may opinyon sa kada isa. Alam mo ’yon?

"Kung ’yon ang opinyon niya, kung iyon ang sa tingin niya at nararamdaman niya, wala tayong magagawa do’n.

"Ang sa ’kin lang, kanya-kanyang tingin ’yan sa sarili, e.

"Kung ang tingin mo sa sarili mo ay mataas kesa sa ibang tao, okey lang. Alam mo ’yon?

"Parang ano lang ’yan, e, uhm... sabi nga, kung ikukumpara mo lagi ang sarili mo sa ibang tao, laging may mas mataas at laging may mas mababa.

"Pero kung makukuntento ka sa anumang meron ka, kung alam mo kung saan ka talaga tumatayo, iyon naman ang importante, di ba?"

So, hindi offending para sa kanya kung totoo nga na ang feeling ni Gwendoline ay mas nakaangat ito sa kanya o kay Shamcey?

Natawa ulit si Venus bago nakasagot sa tanong.

Aniya, "Kahit naman siguro sino... I mean, ako kasi ’yong tao na hindi ako nagpapapaniwala sa kung anu-anong sabi-sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not unless ’yong tao mismo na narinig kong nagsabi, na nasa harapan ko mismo. Alam mo ’yon?

"Kahit nga minsan, di ba, sa lovelife mo, may nasasabi tungkol sa boyfriend mo, ganyan, parang hindi ka naniniwala.

"Not unless do’n sa tao mo mismo maririnig."

"SANAY NA AKO." May communication pa rin ba sila ni Gwendoline hanggang ngayon?

"Yeah!" mabilis na tugon ni Venus.

"Kailan ba ’yong last time na communication namin? I think... a month ago, when I interviewed her for Mercator TV."

Wala naman siyang napansing pagbabago sa kilos at ugali nito?

Natawa ulit si Venus.

Sabi niya, "Well, si Gwen kasi, kilala ko kasi siya. Alam mo ’yon?

"Kung may ipakita man siya sa akin na sa tingin ng iba, e, medyo attitude na... sanay na rin ako. Alam mo ’yon?

"Nasanay na ako sa kanya. Parang... oo, may mga lumalabas na kung anu-ano sa bibig niya. May mga kung anu-ano siyang ginagawa. ’Yong mga kakengkoyan niya.

"Sanay na rin ako.

"Pero... alam mo ’yon? Hindi madali na maghusga ng ibang tao. At hindi tama na maghusga ng ibang tao.

"Not unless kilala mo talaga siya at alam mo kung ano ang itinatakbo ng isip niya."

PROUD OF GWEN. Base sa naging obserbasyon niya sa huling pagkikita at pag-uusap nila, at sa pagkakakilala niya rito, hindi nagka-ere o nagkaroon ng attitude problem si Gwendoline?

Sabi ni Venus, "Siguro dahil wala kaming constant communication din, wala ’yong...

"Unlike with other beauty queens na halos araw-araw pa rin kaming magkakasama at nagkikita, si Gwen, bihira ko na rin siyang makita.

"So, hindi ko masasabi kung may ipinagbago ba siya o wala."

Dagdag pa ni Venus, "Pero I am so proud of her. I’m super proud of her.

"Alam n’yo ’yon? Na from Bb. Pilipinas... maybe that was not her year. Alam naman natin siguro na hindi siya masyadong pinalad do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And the she joined Miss World-Philippines. And then, nanalo siya.

"I was so proud of her.

"And then, nanalo pa siya sa Miss World as First Princess.

"Uhm... alam mo ’yon, siguro may mga hinanakit kung minsan sa buhay ng isang tao.

"Minsan may mga pagkakataon na iniisip mo, ’Bakit kaya hindi ako nanalo noon? Bakit kaya sila ’yong mga nanalo? Bakit kaya ganito?’

"Pero ang lagi mo lang dapat na iisipin, siguro hindi iyon ’yong time mo.

"Na siguro, hindi pa iyon ang oras na ibinibigay sa ’yo ng Diyos. Na siguro may mas maganda siyang ibibigay.

"And I think that’s Ms. World for her nga."

Dagdag pa ni Venus, "Super competitive talaga si Gwen. Siya ’yong klase ng tao na, ’Kapag gusto ko ’to, makukuha ko ’to.’ ’Yong gano’n na ’talagang lalaban ako para dito.’

"And I think that’s a nice attitude, alam n’yo ’yon?

"Basta gagamitin lang natin sa tama."

Hindi kaya nagkakaroon lang si Gwendoline ng parang defense mechanism na naipagkakamali ng iba na lumalaki na ang ulo nito o nagkaka-ere na siya?

May mga nagdududa pa rin kasi sa pagkakapanalo ni Gwen bilang first runner-up sa Miss World last year. Sinasabi ng iba, hindi naman daw ito kagandahan, matalino lang.

"Hala!" natawang muli si Venus bago nakapagbigay ng reaksiyon.

"Well, ganito kasi ’yon... unang-una, di ba, for so long, after Ruffa [Gutierrez, who won Second Princess noong 1993], ngayon lang ulit tayo nagkaroon ng panalo sa Miss World.

"So, parang napakalaking karangalan no’n para sa bansa natin. At para kay Gwen na nag-represent ng bansa natin.

"Kaya siguro... kung ikaw ’yong nando’n sa sitwasyon niya, hindi mo rin naman maitatago ’yong kasiyahan mo.

"Hindi mo maitatago ’yong pagiging proud mo sa sarili mo, na ’nanalo ako!’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN