Part 2. Venus Raj admits to being "super inspired": "There’s someone special na... siguro ang masasabi ko, e, hanggang do’n na lang sa merong nagpapakilig sa akin ngayon."

"Well, ako ’yong klase kasi ng tao na kapag nasa relasyon ako, talagang seryoso ako. Hindi ako ’yong laru-laro lang. As much as possible, gusto ko, siniseryoso ang lahat ng relationship," says Venus Raj when asked how serious her current relationship is.


Kapansin-pansin ang kakaibang glow sa mga mata ni Venus Raj ngayon.

Hindi naman niya itinanggi na mayroon siyang "special someone" ngayon kaya mukha siyang sobrang happy at inspired.

"I am super inspired!" sabay tawa niya.

"Oo, there’s someone special na... siguro ang masasabi ko, e, hanggang do’n na lang sa merong nagpapakilig sa akin ngayon.

"Hanggang do’n na lang muna.

"Kasi kapag maraming info kang ibinibigay, masyado ka nang iniintriga.

"Ayoko lang dumating sa gano’ng point na parang happy ka sa relationship mo, ’tapos parang bigla na lang may intriga tungkol sa ’yo o may intriga tungkol do’n sa lalake.

"Hindi mo maiiwasan iyon, e."

Seryoso na ba ang relasyon ng sinasabing special someone sa buhay niya ngayon?

"Well, ako ’yong klase kasi ng tao na kapag nasa relasyon ako, talagang seryoso ako. Hindi ako ’yong laru-laro lang.

"As much as possible, gusto ko, siniseryoso ang lahat ng relationship," sagot ni Venus.

Matangkad ba itong guy na sinasabi niya?

"Unfortunately, hindi!" natawa na naman si Venus.

"Hindi kasing-tangkad ko! 5’ 8" ako, 5’ 7" naman siya.

"One inch lang naman ang tangkad ko sa kanya."

So, hindi siya naghi-heels kapag magkasama sila?

"Wala, walang heels. Wala muna ’yong heels.

"Pero kapag formal events, siyempre kailangan pa ring naka-heels."

ON SETTLING DOWN. Twenty-three years old na si Venus. Kung tutuusin, nasa tamang edad na rin siya sakaling gustuhin niyang mag-asawa na.

Napag-uusapan ba nila ng special someone niya ang tungkol dito?

"Uhm... kapag nag-boyfriend ka kasi, alam mo na do’n din pupunta iyon.

"But as early as now, hindi pa pinaplano.

"Pero alam mo na do’n din pupunta," sagot ni Venus.

When is the right time for her to settle down?

"Maybe... I don’t know... 27? Mga ganyan, I’m not sure yet."

LAUNCHING MOVIE. Tungkol naman sa kanyang career, bukod sa regular hosting job niya sa early morning show na Umagang Kay Ganda at Sunday musical-variey show na ASAP sa ABS-CBN, may launching movie na rin daw na inihahanda ang Regal Entertainment para kay Venus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala pa siyang detalyeng maikukuwento tungkol dito. Saka na lang daw kapag nagsimula na siyang mag-shooting.

Anong paghahanda ang ginagawa niya sa nalalapit na pagsabak niya sa pelikula?

"Sa tingin ko, I’ll go into acting workshops."

Okey ba sa kanya to do some sexy roles?

"No. Definitely not."

What about doing torrid kissing scenes and love scenes?

"A... tatanungiun ko muna ang nanay ko!" tawa ni Venus.

"Mukhang ayaw ni Nanay.

"Ang nanay ko ang unang-unang magsasabi na, ’Hindi, huwag muna!’" tawa na naman niya.

At siguro, tututol din ’yong guy na special someone niya ngayon?

"Siyempre! Oo, ayaw din niya."

Susubukan din daw ni Venus ang pagkanta.

"Why not, di ba?" tawa ulit niya.

"’Yong singing, iyon ang hindi ko pa alam kung talagang mapapangatawanan!

"Pero sa tingin ko, mag-i-enjoy ako kapag ginawa ko siya.

"’Yong singing, ina-arrange ngayon na kahit papa’no, parang magkakaroon ako ng mga small gigs, ’yong gano’n.

"Parang practice-practice lang muna. As long as nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo.

"’Yong sa pagiging recording artist naman, bakit hindi? Kung talagang magaling na magaling na akong kumanta," sabi ni Venus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN