New Kapuso contract star Benjamin Alves says comparison to uncle Piolo Pascual is "unavoidable"

Benjamin Alves on pressure of being Piolo Pascual’s nephew: "I think if I have pressure like that, I would be thinking or riding the whole Piolo bandwagon if I have pressure. I’ve always thought that I have something to offer and it’s really who I am, so that’s my pressure. To be able to tell who I am, but not to be able to build who I am because Piolo is my uncle... it’s totally separate kung sinuman po si Piolo sa a


Isa sa bagong contract stars ng Kapuso network ang model na si Benjamin Alves.

Si Benjamin ay lumaki sa Guam, U.S.A. Pero noong 2006 ay nagdesisyon niyang subukan ang kanyang kapalaran sa modelling dito sa Pilipinas.

Lumabas siya sa ilang TV commercials at maging sa ABS-CBN nang maging bahagi siya ng reality show na Close-Up 2 Fame.

Noong 2009, nagdesisyon si Benjamin na bumalik ng Guam at tapusin ang kanyang pag-aaral.

Sa May nga ay ga-graduate na siya pagkatapos niyang tapusin ang kursong English Literature sa loob lamang ng dalawang taon, kahit isa itong four-year course

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon na ipinatawag ng Mercator Model and Artist Management para sa mga talents nito noong Martes, March 20, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Benjamin, ngayon ay tuluy-tuloy na siya sa kanyang showbiz career.

"I recently signed a contract at GMA. Co-managed by Mercator and Artist Center.

"I have a network contract with them for three years. I’ve signed it already but my work will start in June.

"They are very understanding since I’ll be graduating on May.

"Ma’am Lilybeth [Rasonable, OIC of Entertainment group] was very understanding, as well as Ma’am Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films President].

"They want me to finish school. Sayang naman kasi ang two years ko," nakangiting sabi ni Benjamin.

Plano pa rin daw niyang mag-take ng Masters, pero baka sa Pilipinas na niya ito kunin.

Pero sa ngayon, ang showbiz career muna raw ang priority niya.

PIOLO PASCUAL’S NEPHEW. Si Benjamin ang na-blind item noon na pamangkin diumano ng isang sikat na Kapamilya actor, pero magiging isang Kapuso.

Si Benjamin ay pamangkin ni Piolo Pascual sa pinsang buo nito.

Kahit tito niya si Piolo, ayon kay Benjamin, ang aktor daw mismo ang nagsabing kuya na lang ang itawag nito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware din daw si Piolo sa pagpirma ni Benjamin ng kontrata sa GMA-7 at masaya raw ito para sa kanya.

Sabi ni Benjamin, "He’s happy... He’s excited and he said, as long as I’m happy and get the support that I want."

Tanggap naman ni Benjamin na bilang pamangkin ni Piolo, hindi maiiwasan na palagi siyang makukumpara sa kanyang tiyuhin.

"I think it’s unavoidable. He’s my uncle and I wouldn’t denounce him for being my uncle, di ba?

"Parang I don’t think it’s a problem, and if it’s a problem, it’s a happy problem.

"I think it’s really up to me, to GMA, and to my management to build... not naman completely different at all because I watched all his projects and I loved all that he’s done."

May pressure ba na uncle niya si Piolo?

"No, not really," sagot ni Benjamin.

"I think if I have pressure like that, I would be thinking or riding the whole Piolo bandwagon if I have pressure.

"I’ve always thought that I have something to offer and it’s really who I am, so that’s my pressure.

"To be able to tell who I am, but not to be able to build who I am because Piolo is my uncle... it’s totally separate kung sinuman po si Piolo sa akin."

Ano naman ang naging reaksiyon niya sa kinasangkutang intriga ni Piolo noong isang taon na may kaugnayan sa naging breakup nila ni KC Concepcion?

"Nothing. We don’t even talk about it.

"I think, with any family, you wouldn’t want like your parents coming home and bother them with problems. Ganoon sa amin, e.

"When I met him on his birthday, he already asked me how I’m doing, how’s Guam."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM LEADING LADIES. Dahil isa na siyang Kapuso, sino sa mga Kapuso actresses ang gusto niyang makasama o makapareha?

"Actually, kung sinuman po ang gusto nilang i-partner sa akin, okay naman po ako, e.

"Pero yung sa akin po, I think everyone naman wants to be partner with Marian [Rivera], Heart [Evangelista], Lovi [Poe].

"But for me, I’m just starting out. I’ll accept any.

"Kasi lahat naman sila, when I watch and I do watch when I’m in Guam, GMA produces quality actresses, e."

Patuloy pa niya, "I think the pressure is on me to be at their level. Yun po ang inaano ko po.

"Kahit sino po do’n, gusto ko pong sabayan as far as acting po."

WHO IS BENJAMIN? Paano ipapakilala ni Benjmain ang sarili sa mga hindi pa talaga siya kilala?

"I was told I was very quiet, very reserved.

"So, I think it takes a while for me to open up. I think I’m a really shy person.

"And that’s why I really like acting because it takes me out of my mold.

"So that’s where I hope to excel with proper training," sabi ni Benjamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN