JC Tiuseco still trying to get over "awkward stage" with ex-flame Maxene Magalona

JC Tiuseco on still being single: "Wala lang talaga akong makitang gustung-gusto ko. Actually, kapag lumalabas ako minsan na may makikita kong, ’Uy, maganda yun, a!’ Pero siyempre, hindi ko naman kilala yung tao. Mahina naman ang loob ko na lumapit at magsabing ’Hi, I’m JC.’ Yung hiya ko na yun, medyo mahirap talaga para sa akin na magka-girlfriend agad. Pero darating din ’yan. Sana this year."


Pagkatapos ng kanyang panghapong serye sa GMA-7, ang Kokak, dalawang pelikula ang hinihintay ni JC Tiuseco na posible niyang gawin.

Isa na rito ang Super Mao ng Regal Entertainment, kunsaan makakasama niya ang kapwa niya Mercator talent na si Venus Raj, at isang romantic-comedy mula sa GMA Films.

Ayon kay JC, "Baka sa movies muna ang pagkaabalahan kong gawin habang wala pang sinasabing follow-up sa Kokak.

"Anyway, kakatapos pa lang din naman ng Kokak. So, yung rest time na nakukuha ko ngayon, lahat ng hindi ko magawa noong taping, ginagawa ko ngayon."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa presscon ng Mercator Model and Artist Management para sa kanilang talents noong March 20.

GOING BACK TO SPORTS. Isa sa mga planong gawin ni JC, habang may oras pa raw siya at hindi pa masyadong busy ulit sa taping at shooting, ay ang sumubok naman ng ibang sports.

"Ngayon kasi, parang gusto kong i-try yung mga sports na hindi ko nagawa noong may knee injury pa ko.

"Na-try ko na rin mag-boxing at underwater hockey.

"If ever, first time kong i-try ang underwater hockey.

"Parang gusto ko namang mag-try ng bago. Kasi, normal na ang basketball.

"Ito, iba naman. Challenge ulit sa akin," sabi ng kauna-unahang Survivor Philippines winner.

Masaya naman si JC dahil noong Lunes, March 19, lang daw siya ulit nakapaglaro ng basketball.

Kuwento nga niya, "Six months ang recovery ko from surgery. But I played basketball two years pa.

"Kasi, may injury na ako before ’tapos hindi ako nagpa-surgery.

"Ganoon pa rin naman, pero siyempre, hindi ako sanay ngayon. Kailangan kong maglaro nang maglaro.

"Hopefully, after a month, okay na talaga."

NOT WORRIED. Habang wala pa siyang regular show, hindi ba siya yung tipo ng artista na nag-aalala kapag wala pang sinasabi sa kanyang kasunod na show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo yata, e. Hindi ako nag-aalala kapag ganoon.

"Kasi alam ko naman na hindi ako papabayaan ng GMA, ng Mercator. Sina Jonas [Gaffud, JC’s manager] palagi...

"Kapag ganyan na tapos na ang show, hindi ako nagwo-worry kasi alam ko naman na may darating."

Ano pa ang gusto niyang magawa?

Nangiting sabi naman ni JC, "Gusto ko ng romantic-comedy. Kasi, madalas na drama ang ginagawa ko.

"Kasi sa Kokak, yung character ko do’n, medyo light lang. Minsan nagpapatawa, nagpapakulit.

"Parang na-enjoy ko na, ’Okay, a normal lang.’ So, yun..."

Sino naman ang gusto niyang makapareha sa isang romantic-comedy project?

"Actually, pagdating naman kasi sa leading ladies o kasama sa soap, hindi naman ako namimili.

"Pero siguro, kung sinong artista man na comfortable na romantic-comedy ang gagawin.

"Konti pa lang din naman ang nakakatrabaho ko kaya para sa akin, kahit sino ang ibigay ng GMA."

Pero dugtong niya, "Siguro si Heart Evangelista.

"I admire her kasi nakasama ko na siya noon sa Langit Sa Piling Mo, hindi naman siya maarte.

"So, okay naman siyang kasama. Okay siyang katrabaho."

A SINGLE MAN. Ayon kay JC, totoo siya sa sinasabi niyang single pa rin siya at hindi pa rin nagkakaroon ng girlfriend simula nang mabalita ang breakup nila noon ni Maxene Magalona.

"Wala, e, wala pa talaga," nakangiti niyang sabi.

"Kung meron naman akong i-share, ise-share ko naman. Sana nga may makilala na ’ko this year."

Choice ba niya na maging single lang muna o dahil wala lang talaga siyang napupusuan?

"Wala lang talaga akong makitang gustung-gusto ko.

"Actually, kapag lumalabas ako minsan na may makikita kong, ’Uy, maganda yun, a!’

"Pero siyempre, hindi ko naman kilala yung tao. Mahina naman ang loob ko na lumapit at magsabing ’Hi, I’m JC.’

"Yung hiya ko na yun, medyo mahirap talaga para sa akin na magka-girlfriend agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero darating din ’yan. Sana this year," asam niya.

MAXENE MAGALONA. Humigit-kumulang dalawang taon na rin magmula nang mabalitang break na sila ni Maxene, bagamat hindi sila kailanman umamin na naging sila.

Kumusta na sila ngayon? Nagkita na ba sila?

"Well, I think the last time I saw her was last December [2011] yata, sa Rockwell.

"Nakasalubong ko... actually nakatalikod ako, tinawag niya ako. Nagulat ako kasi tinatawag niya ako.

"Hi lang, hi-hello. Tapos sabi niya, ’Uy, ’wag ka nang maging awkward.’

"Siyempre medyo awkward, pero okay naman."

Kung pagsamahin sila sa isang project, okay ba sa kanya?

"Ako naman, pagdating sa work, wala naman akong pinipili.

"Kung naging girlfriend ko man siya dati o kung may nangyari man na hindi maganda dati, past is past.

"’Eto, work, so mas maganda na professional ka.

"Kung sinuman ang ibigay na partner sa ’yo, trabaho lang," sabi ni JC.

May naramdaman ba siyang panghihinayang na hindi nag-work ang relasyon nila noon?

"Ako naman kasi, bihira naman akong manghinayang sa mga bagay.

"Halimbawa, may mangyaring masama sa akin, hindi ako nanghihinayang kasi iniisip ko palagi na there’s something better na mangyayari.

"Or it happened for a reason or baka may iba pang plans si God sa ’yo, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN