Part 1. A sexier Judy Ann Santos on her vital statistics: "Hindi po ako nagme-measure ng alindog ko!"

Judy Ann Santos on posing sexy for men’s magazines: "Well, nakaka-flatter, sa totoo lang. Kapag dalaga ka at may nag-offer sa ’yong editor to pose for a cover of a men’s magazine, nakaka-flatter kasi ibig sabihin, may nakikita sila sa ’yo. But at the same time, sa akin kasi, parang hindi ko kaya."


"Hindi po ako nagme-measure ng alindog ko!"

Ito ang natatawang sabi ni Judy Ann Santos nang tanungin ang vital statistics niya sa presscon ng bagong endorsement niya, ang Kraft Eden Cheese, sa 55 Events Place kahapon, March 21.

Kapansin-pansin kasi sa lahat ang tila lalong pagiging sexy ni Juday ngayon dahil sa liit ng beywang niya sa suot na blue dress.

Ayon sa aktres, ang fashion designer na si Paul Cabral lang daw siguro ang nakakaalam ng eksaktong measurement niya.

Pero sabi niya rin, "Ang alam ko, compared before, I’m smaller and leaner now."

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press kay Juday ay natanong ulit kung bakit tila mas lalo siyang sumeseksi.

Sabi niya, "Siguro naka-outfit lang ako, sanay kayo na maluwag ang damit ko.

"Nagkataon lang din siguro... kapag kasi nasa bahay lang ako, alam mo yun, paghabol-habol sa bagets kapag naglalaro kayong mag-iina, so nandoon na yung nae-exercise ka.

"Siguro lang, nasanay na rin ako sa small amount na kinakain ko. Kaya hindi ko rin napapansin na naglu-lose ako [ng weight].

"Pero happy naman ako ngayon."

FROM HOT SIOPAO TO HOT MOMMA. "Hot momma" na nga raw ang dating ni Judy Ann dahil kahit may anak na ay mas sumeksi pa siya.

Natatawang sabi naman niya, "Tunay ba ’yan? Nakaka-flatter!

"Kahit kailan naman, hindi ko naiisip na darating ako sa puntong tatawagin akong hot momma.

"Dati, ang tawag sa akin noon, hot siopao!"

Uso ngayon na kahit mommies na ay nagpu-pose pa rin as cover girl sa men’s magazines. Kung sakaling may mag-offer sa kanya na mag-pose nang sexy, papayag ba si Juday?

"Before, before may nag-offer sa akin, dalaga pa ’ko. Pero hindi ko kaya, e.

"Well, nakaka-flatter, sa totoo lang.

"Kapag dalaga ka at may nag-offer sa ’yong editor to pose for a cover of a men’s magazine, nakaka-flatter kasi ibig sabihin, may nakikita sila sa ’yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But at the same time, sa akin kasi, parang hindi ko kaya.

"Kasi yung kuya ko [Jeffrey Santos], nagbabasa ng men’s magazine.

"Hindi ko yata kayang binabasa ako ng kuya ko na naka-pose ako ng kung anu-ano diyan, di ba?"

Kung noong dalaga siya ay napa-flatter siya nang may mag-offer sa kanyang maging cover girl, di mas lalo na ngayong mommy na siya?

Kumbaga, papangatawanan na talaga niya ang bagong titulo niya kung sakali bilang "hot momma"?

"Baka naman ipagkanulo ako ng mga anak ko pagdating ng panahon!" natatawang sabi ni Juday.

"Kapag ginu-Google nila ’yan, makikita nila ang mommy nila.

"Ibigay na natin ’yan sa mga bata. Yung may mas karapatan. Yung may mas malalaking dibdib. Yung ganoon."

VINDICATED? Pakiramdam ba ni Juday ay vindicated siya sa mga tumatawag sa kanya noon ng "siopao" dahil sa seksing pangangatawan niya ngayon?

"Alam mo, hindi naman vindicated kundi nakaka-proud lang.

"Sabi ko naman sa inyo, kaya ko naman. Bigyan n’yo lang ako ng time.

"Wala naman akong hinahabol na edad para pumayat.

"At saka, lahat naman ng ito, ine-enjoy ko.

"Kahit naman noong nag-Muay Thai ako... Nag-Muay Thai ako kasi gusto kong matuto ng self-defense, hindi dahil gusto kong magpapayat.

"Tinuluy-tuloy ko na lang ang pagpapayat noon kasi masarap pala ang mag-sleeveless.

"Naisip ko, ’Aba’y presko sa kilikili, ha! Ituloy ko nga ’to.’

"Yun lang naman ang dahilan," saad niya.

Hindi ba siya nag-i-sleeveless noon? Di ba’t nagbi-bathing suit nga siya?

"Hindi! Matagal-tagal din yun.

"Naka-bathing suit, pero naka-long-sleeve na puti dahil hindi puwedeng makita ang braso!" natatawang pag-alala pa niya.

SUPPORT GROUP. Sabi pa ni Juday, malaking factor din ang mister niyang si Ryan Agoncillo sa patuloy niyang pagpayat.

From 165 lbs., nasa 113 lbs. na lang daw siguro ang timbang niya ngayon.

Aniya, "Malaking bagay na meron kang support group. Hindi ito yung support group na pinilit kang suportahan ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandiyan sila para sabihin na okay ang katawan mo ngayon kahit hindi pa naman masyado."

Ano ang palaging comment sa kanya ni Ryan ngayon?

"With Ryan kasi, in fairness naman sa asawa ko, walang halong pambobola ’no, hindi raw niya napansin kung gaano ako kalaki noong lumaki ako.

"Kasi, araw-araw rin kaming magkasama."

So, isa yun sa pinakamagandang form of compliment na rin?

"Yes, of course!" bulalas ng young superstar.

"Ibig sabihin, mahal na mahal niya ako.

"Hindi niya makitang ang asawa ko, pa-balyena factor na. Kasi, ang taba-taba ko talaga noon.

"Ngayon na lang namin napapansin kapag tumitingin kami ng pictures from last year.

"Si Rye naman, kapag nag-compliment naman yun, ang sarap naman pakinggan.

"Lalo pa’t English ang compliment. Like, ’You’re so beautiful!’" natatawa niyang sabi.

THREE CHILDREN. Samantala, kung sakali, tatlo raw ang talagang ideal na anak para kay Juday.

Sa ngayon ay may dalawa na silang anank ni Ryan—sina Yohan at Lucho.

Sabi ng aktres, "Gusto ko tatlo kasi. In reality sa akin, three is enough.

"Sa hirap ng buhay ngayon, di ba? Kapag iniisip mo pa lang na hanggang kolehiyo mo ito pag-aaralin, parang gusto mo nang himatayin, e.

"Kasi bawat taon, tumataas lahat. Tumataas ang gastusin. Tumataas ang gasolina.

"Sana pati talent fees namin tumataas. Parang unfair, kami lang ang hindi!" biro pa niya.

Hindi ba tumataas ang talent fee niya?

"Siguro sila, ako hindi!" tawa niya ulit.

HANDS-ON MOM. Hands-on at tutok talaga si Juday sa kanyang mga anak, lalo na sa panganay nilang si Yohan na Grade 2 na sa pasukan.

Pinapayagan na nina Juday at Ryan na lumabas sa TV commercials si Yohan, kaya ang kasunod na tanong ay kung papayagan din ba nilang mag-artista ito.

"Gusto niyang maging singer," sabi ni Juday.

"Hindi naman namin siya... well, kung gusto niyang mag-voice lesson, pinapipili naman namin siya kung ano ang gusto niyang gawin ngayong summer, so we’ll see.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahilig umawit, mahilig sumayaw si bagets."

Sabi pa ni Juday, "Parang okay na muna na may panaka-nakang commercial si bagets.

"Sa kanilang dalawa naman ni Lucho, si Lucho naman, hindi pa naman din masyadong nag-aaral ngayon.

"Si Yohan kasi, we just allow her to do commercial when it’s summer break or Christmas break or sem-break.

"Basta hindi siya pasukan, okay lang.

"Yun naman ang regulation namin. Parang sa studies niya.

"So, may mga ganoon lang kaming regulation sa ngayon."

Ngayong summer, papayagan ba nila ang anak na lumabas sa TV?

"This summer, puwede naman. Mataas naman ang grades ng bata, third honor.

"Kaya sabi namin, ’Okay, whatever you want to do this summer. Huwag ka lang magta-tango muna. Huwag munang ballroom dancing!’" natatawang sabi ni Juday.

Pahabol pa niya, "Sa ngayon, parang napupusuan niya voice lesson."

WEEKEND OFF. Nabalitaan namin na kapag weekend ay hindi raw tumatanggap ng trabaho si Juday. Totoo ba ito?

"Hangga’t maaari. Hangga’t maaari sana. Kasi, yun lang ang time na walang pasok si Yohan.

"So, kapag weekend, kung meron mang trabaho, siguro hanggang tanghali lang o hanggang alas-tres lang ng hapon.

"Kung hindi maiiwasan, at least Sunday, Monday, nasa bahay kami.

"Yung Sunday talaga ang hindi puwede," aniya.

Ano ang typical weekend nila?

"Ang typical Saturday is maglalaro kami sa Camp Yohan, magpapagulong-gulong kami do’n... trampoline.

"’Tapos ano... larong kalye. Gusto kasi naming i-introduce kay Yohan kung ano ang ginawa namin noong bata kami.

"Yung patintero, agawan-base, mga habulan.

"Kasi, kulang na lang maglagay ka ng patintero sa iPad, di ba? But we don’t discourage her naman in using iPad or anumang gadgets.

"Pero gusto rin namin na maging active siya physically. Hindi lang yung kamay niya ang maraming muscle.

"Kasi kami, doon kami lumaki [larong kalye] and I’m sure tayo, nagdaan tayo sa ganyaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yun ang ini-introduce namin sa kanya ngayon, larong kalye.

"Kapag nasugatan siya, okay lang ’yan, sugat lang ’yan. Malayo sa bituka ’yan.

"Para hindi masyadong guarded. Hindi masyadong sensitive.

"Hindi naman ako lumaking sensitive, so I guess tama ang pagpapalaki ng nanay namin sa amin kasi wala kaming keber kung anuman—madumihan man kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN