Part 2. Judy Ann Santos defends Sharon Cuneta against bashers on Twitter

Judy Ann Santos on why she doesn’t have a Twitter account: "Nagbabasa ako ng Twitter. Kasi naaaliw ako sa mga nababasa ko, sa mga topic, sa mga comments. Kasi iba rin kapag nakikita mo yung mga pinag-uusapan ka ng mga tao. For some reason, nakaka-feel good na nalalaman mo kung ano ang iniisip nila. Pero ako, personally, hindi ako sumali sa Twitter. Siguro kasi, alam ko, sa panahon ngayon, lahat ng tao may opinyon. Lahat ng tao may kapasidad na magsalita ng masasakit. At hi


Pagkatapos ng Junior MasterChef Pinoy Edition, ang reality show ng ABS-CBN, may mga nakaplano nang projects si Judy Ann Santos.

Isa na rito ang pagre-release at pagpu-produce ng video niya at ang mga pelikula niya katambal sina Coco Martin at John Lloyd Cruz.

Kuwento ni Juday sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yung movie with Coco, supposedly sisimulan namin early this year.

"Kaso, ang dami rin ginagawa ni bagets. ’Tapos, nag-finals din ako ng Junior MasterChef.

"Relax muna. Tingnan natin. Siguro bago mag-school year, magawa na namin.

"Ngayon, may isang araw pa ako kay Direk Joey [Reyes] sa Mga Mumunting Lihim [intended for Cinemalaya].

"May talks na movie with John Lloyd Cruz, pero hindi ko alam kung mangyayari lahat ’yan sa loob ng isang taon.

"But most definitely, Master Chef will push through.

"Kasi nga, ang hirap. Hindi na ako puwedeng kagaya noong dalaga ako na puwede akong sa kalsada na lang natutulog at sa set ako naliligo. Okay lang yun.

"Ngayon kasi, ibang istorya na.

"Ibang chapter na ito ng buhay ko na, siyempre, ite-take into consideration mo na rin yung kapag wala ka sa bahay ng isang araw, may mga bagay ka na hindi makikita o mababantayan sa mga bata.

"Hindi mo puwedeng ipa-rewind yun sa mga kasama mo sa bahay at paki-rewind nga.

"Ang sakit ng ganoong feeling, e," saad ng aktres na may dalawa nang anak.

BASHERS ON TWITTER. Hindi rin nakaligtas si Judy Ann na matanong tungkol sa Twitter issues. Dumadami kasi ngayon ang mga artista na nagiging kontrobersiyal dahil sa Twitter.

Isa na nga rito ang Megastar na si Sharon Cuneta, na kilalang malapit na kaibigan ni Juday.

Kamakailan kasi ay sinagot na ni Sharon ang ilan sa bashers niya at ng anak na si KC Concepcion sa Twitter.

Tila may ideya naman na si Juday kung saan patungo ang mga tanong nang kumustahin kung may Twitter account din ba siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Juday, wala siyang Twitter account.

Paliwanag niya, "Hindi naman sa ayaw. Pero hindi lang din kasi ako...

"Nagbabasa ako ng Twitter. Kasi naaaliw ako sa mga nababasa ko, sa mga topic, sa mga comments.

"Kasi iba rin kapag nakikita mo yung mga pinag-uusapan ka ng mga tao.

"For some reason, nakaka-feel good na nalalaman mo kung ano ang iniisip nila.

"Pero ako, personally, hindi ako sumali sa Twitter.

"Siguro kasi, alam ko, sa panahon ngayon, lahat ng tao may opinyon. Lahat ng tao may kapasidad na magsalita ng masasakit.

"At hindi naman ito nasasala. Hindi naman ito dumadaan sa MTRCB.

"So, might as well, gusto ko kasi ng payapa na araw. Ayoko ng nai-stress. Ayoko ng maiinis ka.

"Siguro sanay na rin naman ako sa alipusta. Parang okay na ako do’n. Quota na ako."

Umiiwas na lang din siya sa bashers?

"Meron naman na ako no’n mula’t sapul. Di ba, parang what you don’t know won’t hurt you?" sabi ng aktres.

DEFENDING SHARON. Dinepensahan din ni Juday ang sinasabing pagpatol ni Sharon sa mga bashers nito sa Twitter.

Aniya, "Ang masasabi ko lang, siyempre may pagkakataon na bilang ina, kung ikaw lang naman ang aalipustahin, okay lang.

"Ako, kaya ko. Pero kapag anak mo na ang kinanti, kahit naman siguro sinong santa, lalabas at lalabas ang sungay.

"Kasi anak mo yun. Dinala mo ng siyam na buwan sa sinapupunan mo. Niluwal mo.

"Pinalaki mo ’tapos nandiyan lang ang mga tao para alipustahin at husgahan agad-agad.

"So, in general, bilang isang ina, yun talaga ang nature ng isang nanay—yung protektahan mo yung... inakay mo ’yan, e, di ba?

"Inalagaan mo ’yan buong buhay mo. Walang sinuman ang may karapatan na saktan at alipustahin ang anak mo. "

Patuloy ni Juday, "In defense kay Ate Sharon, nanay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana maintindihan din na... kasi parang kagabi ko lang yata nabasa ang mga nagaganap kasi nasa trabaho rin ako kagabi.

"Sa akin din sabihin yung mga yun, masasaktan din ako nang bonggang-bongga.

"Parang hindi na yata makatao yung mga sinasabi rin.

"Siguro they have their own reason, pero siguro darating ang panahon na kapag magulang na sila—kung mga bata man ito o mga dalaga at binata ang gumagawa ng ganitong salita—kapag naging magulang sila, mararamdaman nila ang pinanggagalingan ng mga magulang ngayon na kapag sinaktan ang anak mo, automatic, lalaban ka."

PERSONALAN. Umabot na raw sa personal ang mga tira ng ilang bashers kina Sharon at KC. Ang sinasabi o naituturong dahilan ay kaugnay ng naging relasyon ni KC kay Piolo Pascual.

Si Piolo ay matagal ding naging ka-loveteam ni Judy Ann noon.

Ano ang masasabi ni Juday rito?

"Sa totoo lang, feeling ko naman lahat ng ito, nanggaling mula doon sa naganap na hiwalayan, di ba?

"It’s a personal thing. Ito yung isang bagay na hindi naman natin kailangan pakialaman.

"Kasi, dalawang tao lang naman ang involved dito, hindi tayo kasama riyan.

"Naiintindihan ko na may mga taong gustong protektahan ang mga idolo nila.

"Pero sa ginagawa nilang pagpuproteksiyon, napapasama rin pati iniidolo nila.

"So, kung anuman ang naging isyu with KC and Piolo, wala namang hindi nadadaan sa matagal na panahon na pagpapahinga.

"Lahat naman ’yan, bigyan natin ng time, bigyan natin ng espasyo silang dalawa. Relax lang, hayaan na lang natin.

"I think silang dalawa was trying to move on. Pero may mga tao sa paligid nila na hindi maka-let go.

"So, hayaan na lang natin silang maging masaya."

Natatawang hirit din niya, "Naku, pambihira! Pagkatapos ng interview na ito, I’m sure ako naman ang may mga bashers!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN