Bea Alonzo on proposed movie with Angel Locsin, Angelica Panganiban, and Toni Gonzaga: "Siguro makakatulong ito kasi it will push me beyond my limits."

Bea Alonzo on doing a movie with Angel, Angelica, and Toni: "Feeling ko naman, lahat kami mahal ng Star Cinema para gawin sa amin... parang nag-serve na kami ng ilang taon sa Star Cinema. Technically, halos sila ang nagpalaki sa aming apat. Halos lahat ng hit movies namin, sila ang gumawa. So, feeling ko, they will not let anyone suffer doing this movie. Siguro instead of having someone suffer, makakatulong pa para sa aming apat."


Kamakailan ay sama-samang nagpa-interview sina Bea Alonzo, Angel Locsin, at Angelica Panganiban para sa isang proyekto na pagsasamahan nila kasama rin si Toni Gonzaga.

Wala pa mang detalye ang naturang pelikula, pero balitang tuwang-tuwa ang mga tagahanga ng apat na Kapamilya actresses.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa rehearsal ng Star Magic Tour noong Linggo, March 18, sa Studio 8 ng ABS-CBN.

Sinabi niya wala pa siyang alam na detalye sa sinasabing pagsasamahan nilang pelikula.

Ayon kay Bea, kinakailangan muna niyang mabasa ang script bago siya bumuo ng desisyon.

"Diumano, mayroon nga. Nagulat din ako.

"Nandun kami sa Star Cinema then nagpatawag na sila ng crew para talagang i-formalize na mayroon talaga kaming pelikula.

"Although I heard about it nung nasa shooting kami the night before, parang I can’t believe it can really happen.

"Kasi siyempre sa schedule palang, parang imposible talaga. Tuloy daw.

"Wala pang script, wala pa yatang director... hindi ko pa alam.

"Excited, but I have to see first the script. Ayoko naman na baka malay mo hindi ko naman pala kayang gawin, di ba?" saad ni Bea.

BIG STARS, BIG PROBLEM? Ngayon pa lang ay may nag-aalala na ang ilan na hindi kaya magkaproblema pagdating sa kung sino ang dapat may pinakamalaking role at mauna sa billing ’pag natapos na ang pelikula? Apat kasing malalaking stars ang magsasama-sama kung saka-sakali.

Ayon naman kay Bea, "Feeling ko naman, lahat kami mahal ng Star Cinema para gawin sa amin... parang nag-serve na kami ng ilang taon sa Star Cinema.

"Technically, halos sila ang nagpalaki sa aming apat. Halos lahat ng hit movies namin, sila ang gumawa.

"So, feeling ko, they will not let anyone suffer doing this movie.

"Siguro instead of having someone suffer, makakatulong pa para sa aming apat.

"Billing? Malayo pa dun. Sigurado namang hindi kami pababayaan ng Star [Cinema].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat kami pantay-pantay.

"Sabi nga namin, ganito kalaki ang poster namin kasi lahat ng pangalan namin, nasa iisang linya lang!" pabiro pa niyang pagmuwestra sa magiging laki at lapad dapat ng movie poster nila.

COMPETITION? Aminado si Bea na mayroon siyang kumpetisyon sa mga artistang makakasama niya sa pelikula kung saka-sakali.

Aniya, "Alam mo, hindi ako magiging ipokrita na sasabihin kong hindi ako nakikipag-compete.

"Siyempre, sa lahat sa showbiz, in any other businesses, mayroong competition.

"But I’d like to take it as healthy competition kaysa naman mai-insecure or ano.

"Siguro makakatulong ito kasi it will push me beyond my limits.

"Itong pagpayat ko, pasabog sa Hawaii, para naman makapag-swimming ako dun at hindi makapag-bathtub lang."

Sa tatlong makakasama—sina Angel, Toni at, Angelica—ang huli raw ang pinakamalapit kay Bea.

"I am closer to Angelica kasi taga-Star Magic din siya," sabi niya.

MOVIE WITH DEREK. Samantala, nasimulan na raw ni Bea ang shooting ng balik-tambalan nila ng boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay, ang I’ll Never Go. Ito ay mula sa Star Cinema at direksiyon ni Olivia Lamasan.

Unang nagsama sina Bea at Derek sa teleseryeng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik (2008) at sa pelikulang And I Love You So (2009)

Kuwento ni Bea, "Naka-three days na kami. Naka-three days na ako, si Derek nakaka-isa pa lang.

"Siyempre we’re more comfortable with each other. Ganun pa rin, asaran.

"Kay Direk [Olive] naman, para bang you can’t say no to everything what she says, what she tells me to do.

"So, parang nakakawala ng inhibitions."

JOHN LLOYD CRUZ. Kinumpirma rin ni Bea sa PEP ang pagsasama nilang muli ni John Lloyd Cruz sa isang teleserye na matagal nang inaabangan ng kanilang mga tagahanga.

"Yes, mag-i-start na kami this April, pero pupunta kami ng Vienna, Austria sa May.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited ako kasi parang may apat na taon na yata kaming hindi nagsasama sa isang TV project.

"Gusto ko uli siyang makaeksena. Na-miss ko siyang kaeksena."

Patuloy ni Bea, "Ano kaya ang ikinaiba ngayon ni John Lloyd sa noon?

"Si Lloydie, balita ko nagse-sexy role na rin siya. So heto, ibang-iba na talaga si John Lloyd, ano?"

STAR MAGIC TOUR. Aalis si Bea sa March 27 para sa Star Magic Tour in Honolulu, Hawaii, na gaganapin sa March 30.

Ang naturang show nila ay kaugnay ng 20th anniversary ng Star Magic.

Sabi ni Bea, "Isa na namang Star Magic Tour ang magaganap.

"Sa Hawaii naman this time, it’s our 20th year in showbiz itong Star Magic.

"Twenty-plus stars ang dadalhin ng Star Magic sa 22 stars na pupunta ng Hawaii. So don’t miss it.

"If I’m not mistaken, sa Waikiki Shell ito magaganap sa March 30.

"Sa nakikita ninyo sa background ko, maraming hot guys ang nakikita ngayon, magsasayaw sila.

"Ako naman, may prod [production number] din ako.

"Ang nakakatawa lang, diumano, mayroon pala akong spiel na kasama ko sina Pokwang and Angelica.

"For sure, pagtitripan na naman ako nung mga yun!

"Parang it’s so not me, pero gagawin ko for Star Magic."

ZANJOE MARUDO. Kasama rin sa nasabing tour ang boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo.

"We just celebrated our first year anniversary two days ago," banggit ni Bea.

"Nag-dinner kami sa Tagaytay, sa isang restaurant dun na gustung-gusto namin.

"Oo, may gift siya sa akin, pero siyempre hindi ko ire-reveal ’yan, ha. Sa amin na yun."

Sa Hawaii naman, ayon kay Bea, "May kaibigan si Zanjoe dun. So, ang mangyayari, maggo-golf kami in Hawaii.

"Kasi balita namin marami raw magagandang golf courses dun.

"Ie-explore din namin ang Hawaii before Holy Week. Kasi yung trabaho namin, three days lang yata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, aabutin kami ng Holy Week, so most probably mag-i-stay na kami dun for the week."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN