Robin Padilla appeals to fans who bash Sharon Cuneta on Twitter: "Marami na rin naman siyang naitanim sa ating mga puso, respetuhin na lang natin siya."

Robin Padilla says he might lose his own temper if he has his own Twitter account and sees what the bashers are tweeting against Sharon Cuneta. He says. “Kaya nga ayoko ring mag-Twitter, kasi ayoko ring makita [yung mga pang-aasar], kasi baka mawala ako sa hulog. Mahirap na.”


Nung una’y ayaw sanang magkomento ni Robin Padilla tungkol sa pagpatol ni Sharon Cuneta sa mga fans na gumagamit ng Twitter para i-bash o asarin ang Megastar.

Pero kalaunan ay nagbigay na rin ng kanyang pakiusap ang action star sa bashers ni Mega.

“Mabait na tao si Ma’am [Sharon]. Kung sinuman yung mga umaaway sa kanya, e, respetuhin na lang natin si Ma’am,” sabi ni Robin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa launching niya bilang bagong Moneygram International ambassador, kahapon, Marso 21, sa Crowne Plaza Hotel, Pasig City.

“Unang-una, si Ma’am ay hindi na rin naman bago sa ating lahat.

“Asawa ng senador, marami na rin naman siyang naitanim sa ating mga puso, respetuhin na lang natin siya,” pag-ulit ng pakiusap ni Binoe.

Dagdag pa niya. “Sa ngayon, dapat ay nagsusumbong tayo sa kanya kung ano sa palagay natin ang puwede niyang gawin bilang si Sharon Cuneta, at bilang asawa ng senador.

"Sa kanya tayo magsumbong.

“Gamitin natin yung Twitter kung ano ang puwede niyang gawin.

“Sayang ang oras. Sayang ang social networking kung puro away lang."

NO TWITTER FOR ROBIN. Isa nga raw ang mga nangungutya at nang-aasar na Twitter users sa mga dahilan kung bakit hindi siya gumagawa ng Twitter account.

“Nakakatakot mag-Twitter. Ang daming KJ [killjoy], e!” natatawang sabi ni Robin.

“Stress yun, e. Stress yun.

“Sa edad nating ito, ayoko nang ma-stress,” dagdag pa ni Robin.

Kung kay Sharon na palaban daw talaga ay bagay ang Twitter, sa kanya raw ay hindi.

Kaya nga humihingi rin siya ng pasensiya sa Megastar kung hindi siya makasali sa mga nagtatanggol dito.

“Pasensiya na Ma’am at hindi ako makapag-Twitter dahil ayokong makita yung mga banat sa iyo.

“Dahil ako ang unang-unang maaapektuhan.

“Siguro ang magagawa ko na lang, sabihan ko si Mariel, katulad ng sinabi ko na, ‘Suportahan mo naman si Ma’am. Kapagka, ano, sumagot ka din. Ipangtanggol mo din,’” aniya raw sa kanyang asawang si Mariel Rodriguez na Twitter user din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipagtanggol. ’Wag nang makipag-away,” pagdidiin ni Robin.

“Aba’y ambassador of peace tayo, mahirap namang makipag-away diyan,” pagbanggit pa ni Robin sa titulo niya ngayon bilang ambassador ng iniendorso niyang payment services company na dadalhin pa siya sa iba’t ibang panig ng mundo na may mga Pilipino para magpaliwanag tungkol sa magandang serbisyo nito.

Sabi pa niya, “Kaya nga ayoko ring mag-Twitter, kasi ayoko ring makita [yung mga pang-aasar], kasi baka mawala ako sa hulog. Mahirap na.

“Kasi si Sharon yun, e.

“Bukod sa siya’y si Megastar, idol ko yun, e.

“Nag-artista ako dahil sa kanya. Dahil idol ko siya. Ayokong nasasaktan siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN