Teejay Marquez dedicates second Seal of Excellence award to his lola; looks forward to more projects in the future

Teejay Marquez was conferred his 2nd People’s Choice Award recently. The National Consumers Foundation confers these awards to individuals in various fields which include politics, sports, and entertainment. Other celebreties who were conferred similar awards were Robin Padilla, Jovit Baldivino, Jake Vargas, Upgrade, Raph Salazar, Glennette Gaddi, DJ Joph, G Force Dancers, and German Moreno.


Pangalawang People’s Choice award for Young Performing Artist and Outstanding Young Commercial Model na ang natanggap ni Teejay Marquez mula sa National Consumer Affairs Foundation (NCAF) sa 32nd Seal of Excellence awarding ceremonies na ginanap noong March 20 sa Metro Concert Bar, West Avenue, Quezon City

DANGAL AWARDEE. Masayang-masaya at excited si Teejay nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil sa napanalunang award.

Hindi raw niya kasi inaasahang isa siya mabibigyan ng parangal.

Ang iba pang ginawaran ng parangal ay sina Robin Padilla, Jovit Baldivino, Jake Vargas, Upgrade, Raph Salazar, Glennette Gaddi, DJ Joph, G Force Dancers, at German Moreno.

Ayon kay Teejay, "Kahit second time ko na ito, feeling ko first time ko pa ring tatanggap ng award.

“Ganun pala ’pag nasa awards night ka at tatanggap ka ng award!

“At nung nasa stage na ako, katulad ng dati, medyo nablangko ako, hindi ko na naman alam kung ano ang sasabihin ko.

“Basta kung ano na lang ang lumabas sa bibig ko, yun na yung nasabi at hindi ko na naalala.

“Basta ang alam ko, ang dami kong pinasalamatan!"

Papaano siya napasama sa mga awardee ng People’s Choice Award?

“Actually, hindi ko talaga alam," sagot ng Kapuso teen actor.

“Ang sabi lang sa akin ng manager ko, may mga taga-People’s Choice Award daw na pumunta ng GMA-7 at nagbigay sa kanya ng letter na isa nga daw ako sa bibigyan ng award ng People’s Choice at humingi ng profile ko.

“’Tapos sinabi nga sa amin na tatawagan na lang kami kung kailan magaganap yung awarding hanggang lumipas na nga yung three months.

“Nag-text na March 20 na magaganap at, yun nga, March 20 ginanap yung awarding.

“Kaya nga nagpapasalamat ako, unang-una sa Diyos, kay Tatay Germs [Moreno], sa pamilya ko, sa mga fans ko, at lalung-lalo na sa pinakamamahal kong lola na laging nandiyan para sumuporta sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At sa bumubuo ng 32nd Seal of Excellence Dangal ng BayanPeople’s Choice Awards.

“Thankful din ako sa mga fans ko, kasi kung wala sila, wala rin naman ako sa kinalalagyan ko.

“Sila yung nandyan parati at sumusuporta sa akin at sa manager ko rin."

INSPIRATION. Kung ano man daw mga tagumpay na nakukuha ni Teejay ngayon ay inaalay niya ito sa kanyang lola.

“Katulad ng sinabi ko nung una akong nanalo, at lagi kong uulitin, na ang lola ko ang aking inspirasyon kaya ako nagsisikap ng ganito.

“Gusto kong ibigay sa kanya ang magagandang bagay na puwede kong ibigay sa kanya kasi mahal na mahal ko siya.

“Gusto ko nga laging may raket para makaipon ako… dahil marami pa akong pangarap para sa lola ko, marami pa akong gustong ibigay sa kanya.

“Isa pang gusto ko ay makasamang mag-abroad ang lola ko at pumunta kami at magbakasyon sa Hong Kong o Thailand."

Nagpapasalamat din si Teejay sa mga endorsement na dumarating sa kanya.

“Nagpapasalamat din ako sa tiwala ng mga taong kumukuha sa akinpara mag-endorso ng kani-kanilang produkto.

“At may bago pa akong endorsement na inaayos… ’pag okey na, sasabihin ko kung ano."

MORE PROJECTS. Ano ang mga next projects niya?

“Sabi sa GMA, meron akong gagawing bagong soap, pero hindi ko pa alam kung ano.

“Hinihintay ko na lang, basta abangan na lang nila.

“Pero regular pa rin akong mapapanood sa Tween Hearts bilang si Nathan, yung nerd, at teen co-host sa Master Showman.

“May gagawin din akong indie film. Yung isa intended for international viewing na mapapanood din sa Pilipinas, pero more on sa ibang bansa.

“At isa, ang istorya naman ay tungkol sa buhay ng mga bagets.

“’Pag nag-start na akong mag-shooting, tsaka ko na lang ikukuwento ang detalye," sabi ni Teejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN