PART 1 Rocco Nacino considers acting award, hit teleserye and upcoming movie as his best birthday gifts

Happy Birthday, Rocco Nacino! “Yes, this is my best birthday so far. It’s my 25th birthday, so parang silver birthday ko, di ba? Mas naging special pa, kasi nanalo ako ng first acting award ko. Tapos may big movie project pa ako, yung Lam-Ang. Tapos consistent na mataas ang ratings ng The Good Daughter [ang afternoon soap niya sa GMA-7]. Kumbaga sobra-sobrang regalo yung ibinigay ni God sa akin,"


Itinuturing ni Rocco Nacino na the best daw ang birthday niya ngayong taon dahil sa dami ng blessings na natanggap niya sa kanyang career at personal life. Rocco turned 25 last March 21.

“Yes, this is my best birthday so far. It’s my 25th birthday, so parang silver birthday ko, di ba? Mas naging special pa, kasi nanalo ako ng first acting award ko. Tapos may big movie project pa ako, yung Lam-Ang.

"Tapos consistent na mataas ang ratings ng The Good Daughter [ang afternoon soap niya sa GMA-7]. Kumbaga sobra-sobrang regalo yung ibinigay ni God sa akin.

"Kaya puro pasasalamat na lang ako kay God, sa GMA, sa Artist Center, sa family ko, sa mga fans at sa lahat ng sumusuporta sa akin,” sabi ni Rocco.

Ang tinutukoy na award ni Rocco ay ang pagkapanalo niya bilang New Movie Actor of the Year sa nakaraang Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Nominated din si Rocco sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress) sa Breakthrough Artist of the Year. Marami naman ang naniniwala na makukuha rin ni Rocco ang parangal na ito sa awards night na gaganapin mamayang gabi, Marso 24.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa birthday presscon na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya at kay Bianca King na nag-birthday naman noong Marso 18. Ginanap ito sa Forque restaurant sa Pasay Road, Makati City kahapon, Marso 23.

Ano ang pakiramdam niya na kasama siya sa top priorities ng GMA Artist Center na i-build up ngayong taon?

“Very flattering. Excited na ako sa projects na nakaplano para sa akin.”

Hindi raw nakalabas si Rocco noong mismong kaarawan niya dahil nagte-taping daw siya para sa The Good Daughter with Kylie Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa taping ako noon e. Kaya nagpakain na lang ako sa set namin. Pumunta si Mommy ko.

"Tapos pumunta rin si Kuya Cris [handler niya sa Artist Center] at saka si Sir Arsi [Baltazar, head ng talent management department ng GMA], may dala silang regalo. Si Sheena [Halili, ang rumored girlfriend niya] dumaan din, galing siya sa taping ng Alice Bungisngis.”

CHARITY EVENT. Taun-taon ay naging ugali na ni Rocco na magpasaya ng maraming bata sa kanyang birthday. Nitong nakaraang birthday niya ay mga batang may sakit naman mula sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City ang kanyang binisita at pinasaya.

“Last Sunday [March 18] pagkatapos ng birthday prod [production number] ko sa Party Pilipinas, pumunta kami sa PCMC. Doon kami dumiretso sa cancer ward.

"Nakakaawa yung mga bata. Kaya masarap sa pakiramdam yung kahit paano napasaya ko sila kahit saglit, di ba?”

May pitak sa puso ni Rocco ang mga batang may cancer sa PCMC dahil isang bata raw doon ang naging malapit sa kanya noon.

Kuwento niya, “Kaya kami naging interesado sa kanya, pinuntahan namin siya during her chemotherapy sa PCMC. Tapos naging malapit kami sa kanya. But namatay e, that year din.

"Tapos sa tuwing may show ako sa Bataan dumadaan kami lagi sa bahay nila sa Limay, Bataan.”

BIAG NI LAM-ANG. Samantala, excited na nga si Rocco para sa aniya’y isa pang birthday gift sa kanya ni God, ang kanyang first solo movie project na Biag ni Lam-Ang, na kuwento ng isang Ilocano epic hero.

Sa susunod na buwan daw ay sisimulan na nila ang shooting nito sa Tagudin, Ilocos Sur. Sampu hanggang labindalawang araw daw silang mananatili roon.

Hindi pa man sila nagsisimula ng shooting ay marami ng publicity na lumalabas para sa Lam-Ang. Bagama’t natutuwa si Rocco dito ay mas lalo naman daw siyang nakakaramdam ng pressure dahil ito nga ang kanyang debut movie bilang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga po, kaya lalo akong kinakabahan e. Pero yun pinipilit ko na maaral lahat.

"Si Rochelle [Pangilinan, leading lady niya] has to learn a few fight scenes. Ako, I have to learn all the fight scenes.

"Laking pressure para a akin. Pero at least it’s good pressure kasi mas nagiging motivated ako, mas nagiging challenge para sa akin.”

Isa pa raw sa pinaghahandaan ni Rocco ay ang mas palakihin ang kanyang katawan na kasama sa requirements ng kanyang role.

“Medyo napapayatan pa nga sila sa akin kaya kailangan ko pang palakihin ang katawan ko. Pero sabi ko, kaya ako nagpapapayat kasi para lumabas yung abs, tapos saka ako magpapalaki ng katawan.”

Wala rin daw isyu kay Rocco kung tanging bahag lamang ang kanyang suot.

“Okay lang po sa akin yun. Kasi yun po talaga ang requirement sa role. Kaya po pinagaganda ko ang katawan ko para mas maging credible lalo na at kitang-kita talaga ang katawan ko dahil nga bahag lamang ang suot ko.

"Wala naman pong problema sa akin ang pagsusuot ng bahag kasi nagawa ko na rin po yun nung mag-guest ako sa Amaya ni Marian Rivera.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN