PART 2 Rocco Nacino prefers not to put a label on relationship with Sheena Halili: "Ang hirap pa ring mag-assume e, kung ano kami."

Rocco Nacino on why he and rumored girlfriend Sheena Halili do not want to put a label on their relationship: "Kasi kung iri-risk namin yung pag-take sa next level, nandun yung factors na pareho kaming busy sa taping ng shows namin, busy sa trabaho. Baka kasi maging sanhi pa ng away yan, e," he says.


Isa rin sa mga taong nagpasaya sa birthday ni Rocco Nacino noong Marso 21 ay si Sheena Halili, ang babaeng matagal nang nauugnay sa kanya.

Dumalaw nga si Sheena sa set ng taping ng The Good Daughter, ang afternoon soap ng GMA-7 na kinabibilangan ni Rocco.

Ano naman ang birthday gift sa kanya ni Sheena?

“Yung pagpunta niya, yung pagbati niya. Siyempre may gift din pero kung ano, sa akin na lang yun. Basta simple but meaningful.”

Kumusta na ba sila ni Sheena?

“Happy at maganda pa rin ang relationship namin.”

Pero may label na ba ang relationship nila ngayon? Sila na ba?

“We’re not putting any label yet. Ang hirap pa ring mag-assume e, kung ano kami.

"Kasi kung iri-risk namin yung pag-take sa next level, nandun yung factors na pareho kaming busy sa taping ng shows namin, busy sa trabaho. Baka kasi maging sanhi pa ng away yan, e.”

Okay din daw kay Sheena na wala pang label ang relationship nila.

“Okay kasi siguro nakikita niya na maganda yung intensyon ko sa kanya. Ako, willing naman akong maghintay.”

Paano niya ilalarawan si Sheena bilang importanteng babae sa buhay niya?

“Christ-centered, unang-una. She loves her family.

"One thing we have in common—parehas kami na mahal na mahal ang pamilya namin. That’s why we get along.

"Tapos parehas kaming panganay. Parehas kaming 25 years old. So, nagki-click talaga yung personality namin.”

STALKER OR SECRET ADMIRER? Kamakailan ay napabalitang may stalker umano si Sheena na nagpapadala raw ng bulaklak sa aktres. Ano ang reaksyon ni Rocco dito?

“Hinahayaan ko na lang po. Okay lang yun. Basta ang sabi ko lang kay Sheena, ingat lang din siya. Hindi ko naman po binibigyan ng malisya.”

Hindi kaya siya talaga ang pasikretong nagpapadala ng bulaklak kay Sheena?

“E, di ako na mismo ang nagbigay kung ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya ba stalker talaga ang nagpapadala ng bulaklak?

“Siguro pwede rin nating sabihing secret admirer. Kaya lang kasi naging stalker kasi nabigyan ng malisya ng ibang tao.

"Sabi ko kay Sheena, i-appreciate na lang niya. Magpasalamat na lang siya.

"Kasi so far wala namang ginagawang masama kung sinuman yun.

"Siyempre ibang usapan na pag nagkakaroon na ng threat sa safety ni Sheena, di ba?

"Hindi na ako papayag nun. Siyempre kailangan gawan na ng paraan o umaksyon na, di ba, like i-report sa pulis.

"At saka tinuruan ko rin naman po si Sheena ng konting self-defense.”

KYLIE PADILLA. Samantala, tinanong din ng PEP kay Rocco kung hindi ba nagseselos si Sheena kay Kylie Padilla, na leading lady niya sa The Good Daughter?

“Ay, hindi, walang ganun selosan. Alam naman ni Sheen na trabaho lang yung sa amin ni Kylie.

"At saka magkakilala po sina Sheena at Kylie kaya wala pong isyu, wala pong intriga sa kanila.”

Ang tanging meron lang daw si Rocco para kay Kylie ay ang paghanga bilang katrabaho.

“Bilib na bilib ako kay Kylie. Nakita ko yung development niya from Blusang Itim to The Good Daughter.

"Pag nag-uusap kami nina Direk, lagi niyang pinupuri si Kylie kasi very deep talaga yung character niya at kuhang-kuha niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN