Bianca King describes secret birthday gift from rumored boyfriend Dennis Trillo: "Every day ko siya nagagamit, every day siya tumatakbo sa bahay."

Bianca King would rather not talk about her rumored relationship with Dennis Trillo: “I think hindi na kailangan sabihin pa. Kasi, matagal na rin naman kaming bahagi ng buhay ng isa’t isa. Plus nakikita naman kami ng mga tao sa labas. Open kami sa kung ano talaga ang meron kami," she says.



Hindi na umiiwas si Bianca King kapag tungkol sa kanila ni Dennis Trillo ang tinatanong.

Matagal bago siya nag-isip kung paano niya ma-describe ang relasyon nila ng aktor.

“I think hindi na kailangan sabihin pa. Kasi, matagal na rin naman kaming bahagi ng buhay ng isa’t isa.

“Plus nakikita naman kami ng mga tao sa labas. Open kami sa kung ano talaga ang meron kami,” sagot nito.

Tingin daw niya kaya maganda ang kung ano mang relasyon nila ni Dennis ay dahil parehong gusto nila ng tahimik lang at hindi na kailangang pag-usapan ito sa publiko.

“Ganun talaga ang pagkatao niya. Ganun din ang gusto ko. Kaya blessed kami pareho dahil pareho kami ng pag-uugali.

“Kasi hindi naman talaga kami maintriga na tao. Hindi kami ang gumagawa ng mga ganun,” dagdag pa niya.

“Basta kami po ang mga tao sa showbiz, mga public figures kami.

"So, kung ano man yung nakikita sa amin ng mga tao, open na open to interpretation yun.”

Naging malapit na rin daw si Dennis sa pamilya niya. Nagkasama raw sila sa Boracay at doon daw nag-bonding sila nang husto.

“Alam mo, para silang nakabuo ng panibagong pamilya,” bulalas nito.

Naipakilala na rin daw sa kanya ni Dennis ang anak nitong si Calix at close naman daw ito sa kanya.

“Mahilig kasi ako sa bata, kahit na sinong bata. Kapag nandiyan tutok na tutok talaga ako,” saad ni Bianca.

Natutuwa nga raw ang Mommy niya kay Calix kaya panay daw ang padala nito ng mga laruan galing Amerika.

Naikuwento rin ni Bianca na si Dennis daw ang masasabi niyang pinaka-thoughtful na gift-giver.

Nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan nung nakaraang linggo at nagbigay nga raw si Dennis ng birthday gift sa kanya na gustung-gusto niya.

Ayaw niyang sabihin kung ano ito, pero araw-araw daw niya itong nagagamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Special yung gift niya kasi alam niyang kailangan ko. Every day ko siya nagagamit, every day siya tumatakbo sa bahay,” natatawa niyang kuwento.

Iyun lang daw ang puwede niyang sabihin tungkol sa birthday gift na iyun.

Natutuwa lang daw siya kay Dennis dahil talagang pinag-iisipan daw ng aktor ang lahat na mga inireregalo nito.

“Everytime kasi na nagbibigay siya ng regalo, pinag-iisipan niya talaga. Hindi siya basta-bastang regalo.

“Ayoko naman sabihing galante siya, pero iyun nga, thoughtful gift-giver siya,” dagdag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN