Aljur Abrenica to celebrate his birthday at family-owned beach resort

A few days before his birthday, Aljur Abrenica received a special gift but refuses to divulge the name of the giver.

“May natanggap na po akong advance na regalo. Na… napaka-espesyal. Pero… hindi ko pa po siya binuksan. Gusto ko, sa mismong birthday ko buksan ‘yong gift na iyon," he says.



Ngayong araw na ito, Sabado, March 24, ang birthday ni Aljur Abrenica.

Pinili niyang ganapin ang selebrasyon sa Patio Alfonso, ang naipatayong resort ng kanyang pamilya sa Batangas.

“Kasi ‘yong resort na ‘yon, produkto ng dugo at pawis hindi lang po sa akin, kundi sa pamilya ko,” sabi ni Aljur nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lamang.

‘Lalung-lalo na po sa tatay ko. Pinaghirapan po talaga niya ‘yong business namin na ito.

"Pinag-ipunan naming dalawa para magkaroon kami ng ganito kagandang lugar sa Batangas.

“’Yong Ichiban [bar and restaurant nila sa Batangas din], older sa akin iyon, e. Family business na po namin talaga iyon dati pa. Na-develop lang po namin iyon.”

THREE LADIES. Sa gaganaping birthday celebration niya sa Batangas, wish ni Aljur na maging guest niya ang tatlong babaeng espesyal para sa kanya.

Una ay ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla, tapos ang dating ka-loveteam niya na hanggang ngayon ay close friend na si Kris Bernal, at ikatlo ay ang kaibigan din niya at naging kapareha na si Rhian Ramos sa My Kontrabida Girl, ang latest offering ng GMA Films.

“Hindi lang naman silang tatlo ang naimbitahan kong maging special guests. Marami sila.

“Uhm… basta in-invite ko lang silang lahat.

“E, lahat sila [Kylie, Kris, and Rhian] hindi sigurado, kasi Party Pilipinas kinabukasan.

“Tapos ‘pag Saturday, technical rehearsal. Tapos sobrang aga pa ng call time kinabukasan para sa airing nga ng Party Pilipinas.

“Kung makakarating sila, sobrang matutuwa ako. Kasi talagang… sakripisyo iyon, e.

“Isasakripisyo nila ‘yong tulog nila. Kasi siguradong mapupuyat ka kapag pumunta ka roon. Dahil malayo ang Batangas. Two hours drive.

“Kung hindi naman sila makapunta, okey lang. Hindi naman sasama ang loob ko,” nangiting sabi ni Aljur.

“Hindi po sasama ang loob ko dahil naiintindihan ko po.”

May birthday celebration din naman yata siyang gagawin sa Manila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkakaroon po ako ng celebration dito sa Manila . Pinaplano namin ‘yon ni Mr. Tim Yap who is a very good friend of mine. Nagkausap na kami tungkol do’n.

“Actually si Tim, very supportive ‘yan, e.

“And… ayon, pinag-uusapan nga namin kung saang place.”

BIRTHDAY GIFT. Ilang araw bago ang kanyang birthday, meron na raw siyang natanggap na gift.

“Yes. Meron na po.

“May natanggap na po akong advance na regalo. Na… napaka-espesyal.”

Kanino galing?

“Sa akin na lang po iyon,” muling nangiti si Aljur.

“Pero… hindi ko pa po siya binuksan.

“Gusto ko, sa mismong birthday ko buksan ‘yong gift na iyon.

“A… ang nagbigay nito, itinuturing ko talagang espesyal sa buhay ko. Napaka-espesyal talaga nitong tao na ito sa buhay ko.”

Hindi talaga niyang puwede i-reveal kung sino ‘yong sinasabi niyang napaka-espesyal na taong iyon na nagbigay ng espesyal ding birthday gift sa kanya?

“Pa-birthday na lang po ninyo sa akin iyo,” muling nangiting sabi niya.

BIRTHDAY WISHES. Ano naman ang birthday wish niya?

“ Sana ano lang… para na lang sa family ko.

“A… good health. Good healthy talaga.

“And, uhm…. ‘yong unity sa family namin, sana ma-sustain forever.

“At sana walang magbago.

“Wish ko rin na magkaroon ng more time with them.

“More family bonding. Kasi lahat kami, iyon ang hinihiling.”

Tungkol naman sa kanyang career, after My Kontrabida Girl, what’s next?

“Uhm… may pinaplano sila. Pinag-uusapan pa lang. Inaayos pa lang.

“Ang sinasabi sa akin na sana matuloy… meron daw another movie akong gagawin.”

Sino naman kaya ang makakapareha o makakasama niya sa bagong pelikulang pinaplano para sa kanya?

“Hindi ko pa alam, e.

“At… meron pa pong isang project. May bagong soap na rin daw po ako. Pero wala pa rin po akong idea kung sino ang makakasama ko.

“Wala pa ring sinasabi sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung sino man ‘yong ipapartner sa akin, I’ll be very excited na makatrabaho siya.”

Among Kapuso actresses, sino pa ang pinapangarap niyang makasama na hindi pa niya nakakatrabaho?

“Marami. Marami akong gustong makapareha.

“Siyempre gusto kong ma-experience na makapareha sina Sam Pinto… sina Marian Rivera, Carla Abellana, Heart Evangelista, at si Kylie Padilla.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN