Fabio Ide says he finally got used to wearing a skimpy outfit in teleserye where he plays an angel of death

Besides the teleserye, My Beloved, Fabio Ide is scheduled to do two movies for Regal Entertainment—Ride To Love and a still untitled project.


Hindi raw totoong ipinagsaya o ikinatuwa ni Fabio Ide ang pag-alis ni Akihiro Sato sa Pilipinas.

Si Fabio rin ang naglinaw sa napabalitang hindi na babalik si Akihiro dito sa bansa.

“Babalik siya this April, babalik na siya dito sa Pilipinas, kausap ko siya sa phone the other day,” umpisang pahayag ni Fabio nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa Dulcinea Restaurant sa Morato.

Wala raw rason para maging masaya siya if ever hindi na babalik si Akihiro sa Pilipinas; kaibigan raw niya ang kapwa Brazilian/Japanese model at mas gusto raw niya na nandito sa bansa si Akihiro.

Si Fabio pa nga ang nagkumbinsi noon kay Akihiro na subukan ang kapalaran bilang modelo sa Pilipinas.

“I was the first Brazilian/Japanese na nag-try ng modelling dito sa Pilipinas, and ako yung nag-convince kina Akihiro and Daniel [Matsunaga] para pumunta dito.

"Mas nauna nga lang sila na mag-try sa showbiz as artista, pero mas nauna ako sa modeling dito sa kanila.

“Walang intriga sa amin, walang rivalry, walang inggitan kaya hindi totoo na natuwa ako na umalis siya. And the truth is babalik siya.”

Si Fabio rin ang nag-reveal na hindi totoo ang unang napabalita na may sakit na kanser ang ama ni Akihiro.

“Wala, wala siyang cancer. Yeah, totoo na nagkasakit ang father niya, pero hindi cancer.

"Umuwi si Akihiro sa Brazil para alagaan muna ang father niya. May sakit ang father niya pero hindi cancer.

“Another thing is tumulong muna si Akihiro sa pagma-manage ng business nila doon sa Brazil, they have a restaurant business in Brazil and tumulong siya sa pag-aasikaso doon kaya rin siya pumunta doon.

“Pero hindi totoong hindi na siya babalik, he loves his work here, he loves the country, kaya babalik siya,” sinabi pa ni Fabio.

SHOPPING FOR HIS SISTER. Samantala, ikinuwento ni Fabio na ang kapatid niyang babae ay nanakawan kamakailan sa Brazil. Uuwi kasi si Fabio doon this May at ang request raw sa kanya ng kanyang kapatid ay pasalubungan niya ito ng mga bagay na nawala dito tulad ng mga electronic gadgets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, kotse ng boyfriend niya ang nanakawan, and nandoon ang mga gamit ng sister ko, kaya nanakaw rin ang mga gamit niya.

“Ang alam nga nila uuwi ako doon sa May sa Brazil para magbakasyon, and she requested na I buy her the things na nanakaw sa kanya.

“Pero sabi ko sa kanya, yeah I will buy her the things that she lost but she will have to send me money,” sabay-tawa ni Fabio.

Marami na raw naman siyang naibigay sa kapatid niya in the past, and this time, gusto raw niya na pagtrabahuhan ang kapatid niya para sa mga gamit na nawala nito.

“Before, I already bought her a lot of things, and this time, she should work for what she lost,” at muling tumawa si Fabio.

Sinabi ni Fabio na tulad sa kahit na saang bansa, may mga masasamang loob rin sa Brazil. In fact, noon ay na-carnap doon ang kanyang kotse.

“Kaya I always tell people who plan to go to Brazil na mag-ingat din kasi there are also bad people there, so mag-ingat sila.”

Nilinaw rin ni Fabio ang tungkol sa balitang may kanser ang isa pa niyang kapwa Brapanese hunk na si Daniel Matsunaga.

“No, he doesn’t have cancer. There is just something wrong with his nose, with his breathing. He will undergo an operation in Brazil, but no, wala siyang cancer,” paglilinaw ni Fabio.

ON MY BELOVED. Sa ngayon, nag-e-enjoy si Fabio sa Pilipinas…

“I love the country, I love the people, I love my work here, I love doing My Beloved.”

Gumaganap bilang isang sundo or angel of death si Fabio sa GMA primetime show na ito na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Laging hubad si Fabio sa lahat ng kanyang eksena. Sanay na ba siya na lagi siyang half-naked at tila bahag lamang ang suot sa harapan ng camera?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong una, naiilang pa ako, hindi pa ako masyadong sanay kasi nga maliit lang yung cloth na suot ko.

"Pero ngayon sanay na ako, I got used to it, hindi na ako nahihiya na humarap sa kamera kahit halos wala akong suot,” ang natatawang sinabi ni Fabio.

Bukod sa My Beloved, nakatakda ring gumawa ng dalawang pelikula para sa Regal Entertainment Inc. si Fabio, ang Ride To Love at isang untitled project.

Kasama niya dito si Venus Raj na tulad ni Fabio (at ni Akihiro at Daniel) ay talent ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN