Venus Raj on why she agreed to judge a gay beauty contest in the U.S.: "Malaki ang role na ginampanan ng mga gay people sa buhay ko."

Venus Raj talks about her unforgettable experience as judge in a gay beauty pageant in the U.S.

“Pero ‘yong cause nila is… isa lang naman talaga. That is… to show na kahit anong klaseng tao ka, kahit anong kasarian mo, tanggap ka sa lipunan."



March 13 pa nakabalik ng Pilipinas si Venus Raj galing sa U.S., pero hindi raw niya malilimutan ang three-day stay niya ruon.

Naimbitahan kasi siya ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, and Tansexuals) community ruon para mag-judge sa isang pageant. Isang kakaibang experience iyon na na-enjoy naman niya nang husto.

“Every year meron silang pageant for gays na Filipino, mga Fil-Am o kahit sino na may dugong Pinoy,” kuwento ng dating Bb. Pilipinas-Universe nang makakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Nakakatuwa ‘yong pageant na ‘yon kasi open to all gays nga. Hindi lang sa mga gays na pa-girl ang hitsura o sa mga transsexuals kundi pati sa mga gays na mukhang lalake.

“Pero ‘yong cause nila is… isa lang naman talaga. That is… to show na kahit anong klaseng tao ka, kahit anong kasarian mo, tanggap ka sa lipunan," ang sabi ni Venus.

“Ang saya!

“Sobrang saya kasi… ibang iba ito sa usual na pageant natin. Kasi ito, aside from the fact na mga gays ‘yong kasali, ang gagaling nila.

“May iba na kapag sumagot sa tanong, bibilib ka talaga.

“And ‘yon nga, sinusuportahan mo ‘yong cause nila sa event na gano’n. Na… equal lang dapat lahat ng gender sa lipunan.”

CLOSE TO HER HEART. Malapit nga raw sa puso ni Venus ang mga gays.

“Sabi ko nga, malaki ang role na ginampanan ng mga gay people sa buhay ko. Kasi hindi ako magiging beauty queen.

“Hindi ako matututong rumampa. Hindi ako matututong mag-makeup.

“At hindi ako magiging ako ngayon if not for them.

“Sila mismo ‘yong nagsali sa akin sa mga beauty pageants from the very beginning.”

Ano nga ba ang nararamdaman niya na maraming bading ang nag-i--impersonate sa kanya kapag sumasali ang mga ito sa mga gay beauty pageants?

“Nakakatuwa,” sabay tawa niya.

“May isa ngang sumali roon sa pageant ng LGBT sa States kung saan ako nag-judge nga… ‘yong Miss Philippines na ang ginamit niyang pangalan… Shamcey Raj. Ha-ha-ha! Pinaghalo kami ni Shamcey Supsup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa kasi alam n’yo ‘yon? Aside form the fact na ina-idolize ka ng tao, you also serve as inspiration.

“I don’t know. Kahit sa anong paraan. Kahit sa anong aspeto ng buhay nila, ng pagkatao nila… kahit papano, natutuwa sila sa ‘yo.

“Iyon naman ang mahalaga.”

Kung malapit sa mga puso niya ang mga gays, paano naman ang mga lesbians?

“Oh! Pare-parehas lang ‘yan.

“Marami rin akong mga kaibigan na tomboy. At nakakatuwa sila.

“Sila ang mga tao na walang malisya sa buhay nila! Ha-ha-ha!

“For example, nilalandi sila ng mga lalake, parang wala lang sa kanila. ‘Yong gano’n?”

Wala namang tomboy na nanligaw sa kanya?

“Oh! Ha-ha-ha!

“Wala! Wala.

“Uhm… kung friends, marami.”

Ma-shock kaya siya kung sakaling may lesbian na maglakas-loob na manligaw sa kanya?

“Ah… I’m a Christian. And talagang… straight ako,” tumatawang pahayag ni Venus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN