Ang Babae sa Septic Tank wins big at the 9th Golden Screen Awards; Eugene Domingo, Aga Muhlach, Jean Garcia bag top acting honors

The 9th Golden Screen Awards winners: (L-R) Atty. Joji Alonso (Best Motion Picture-Musical or Comedy for Ang Babae Sa Septic Tank); Marlon Rivera (Best Director for Ang Babae Sa Septic Tank); Chris Martinez (Best Original Screenplay for Ang Babae Sa Septic Tank); Shamaine Buencamino (Best Supporting Actress for Niño); Angeli Sanoy (Breakthrough Performance by An Actress for Patikul&l


Muli na namang namayagpag ang indie films—partikular na ang mga kalahok noong isang taon sa Cinemalaya Independent Film Festival—sa katatapos lamang na 9th Golden Screen Awards.

Ang film awards na ito ng Entertainment Press Society (EnPress) ay ginanap ngayong gabi, March 24, sa Teatrino Greenhills sa San Juan City.

Nanalo ang Ang Babae Sa Septic Tank ng anim na awards; kabilang na ang Best Motion Picture-Musical or Comedy, Best Director para sa baguhang direktor na si Marlon Rivera, at Best Screenplay para kay Chris Martinez.

Ang bida ng pelikula na si Eugene Domingo ang itinanghal na Best Actress in a Leading Role-Musical or Comedy.

Ito na ang ika-apat na award ni Eugene para sa pagganap niya bilang kanyang sarili sa Ang Babae Sa Septic Tank. Una sa Cinemalaya, pangalawa sa Gawad Tanglaw, at pangatlo sa Asian Film Awards (People’s Choice for Favorite Actress).

Ito rin ang ikalawa niyang tropeyo mula sa Golden Screen Awards para sa parehong kategorya. Una siyang nanalo noong 2010 para sa Kimmy Dora.

Nag-tie naman bilang Best Actor in a Leading Role-Musical or Comedy ang Kapatid talents na sina Martin Escudero para sa Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington at Edgar Allan Guzman para sa Ligo Na U, Lapit Na Me.

Ang mga pelikulang ipinanalo nila ay una ring ipinalabas sa Cinemalaya noong nakaraang taon, kung saan si Edgar ang nagwaging Best Actor (New Breed category.)

Sa kanyang acceptance speech ay nag-apologize si Edgar sa kanyang manager na si Noel Ferrer dahil sa naging alitan nila kamakailan.

Sa Drama category, itinanghal na Best Motion Picture ang Niño, na entry rin sa Cinemalaya noong nakaraang taon.

Nagwagi rin ng dalawang acting awards ang Niño: Best Supporting Actor para kay Art Acuña at Best Supporting Actress para kay Shamaine Buencamino.

Sina Art at Shamaine din ang nagwagi noon bilang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress sa Cinemalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Shamaine ay nagwagi rin sa katatapos lang na Asian Film Awards na ginanap sa Hong Kong.

Ang nagwagi namang Best Actress in a Leading Role-Drama ay si Jean Garcia para sa pagganap niya bilang guro at ballet instructor sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, na unang ipinalabas sa Cinemalaya noong isang taon.

Si Aga Muhlach naman ang itinanghal na Best Actor in a Leading Role-Drama para sa pagganap niya sa mainstream movie na In The Name of Love.

Noong nakaraang linggo ay nagwagi rin si Aga bilang Best Actor sa Star Awards for Movies.

Naka-tie ni Aga sa Star Awards si Governor ER Ejericto (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story) na hindi naman nominado sa Golden Screen Awards.

Samantala, nakuha rin ng StarStruck alumnus na si Rocco Nacino ang kanyang ikalawang tropeyo para sa debut film niyang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Si Rocco ang nagwagi sa kategoryang Breakthrough Performance by An Actor, na kapareho ng napanalunan niyang award mula sa Star Awards for Movies noong nakaraang linggo.

Ang child actress na si Angeli Sanoy naman ang nanalong Breakthrough Performance by An Actress para sa pagganap niya sa Patikul, na naging entry rin sa Cinemalaya (Directors’ Showcase) noong isang taon.

Ang Superstar na si Nora Aunor ang ginawaran ng Lino Brocka Achievement Award.

CONTROVERSIAL SPEECH AND SPIELS. Sa opening remarks ni EnPress president Jun Nardo, muli niyang sinabi na "maaaring may hindi sumasang-ayon sa amin but we stand by our decision."

Patungkol ito sa naging isyu sa hindi pagkakasama ni Governor ER Ejercito sa listahan ng nominado para sa Best Actor award.

Matatandaang umalma ang kampo ng actor-politician nang hindi ito makasama sa mga nominado, at kinuwestiyon nila ang pagkaka-nominate ng Metro Manila Film Festival 2011 Best Actor na si Dingdong Dantes para sa Segunda Mano.

Dumalo si Dingdong sa Golden Screen Awards at nag-present ng Best Picture awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa opening spiels naman ng host na si John "Sweet" Lapus, tila nagpasaring rin ang komedyante na ang Golden Screen Awards lang ang award-giving body na "may integridad" at "nakakaloka dahil nagbabalik ng tseke!"

Ang tinutukoy ni Sweet ay ang pagsosoli ng EnPress ng P100,000 donation/sponsorship ni Governor ER para sa Golden Screen Awards TV noong isang taon.

Nanalo ng dalawang technical awards ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story—Best Cinematography at Best Production Design—ngunit walang dumalo mula sa produksiyon upang tanggapin ang kanilang mga tropeyo.

Ang Protégé runner-up na si Lovely Embuscado ang nagbukas ng Golden Screen Awards sa pamamagitan ng pag-awit niya ng Whitney Houston classic na "I Will Always Love You."

THE WINNERS. Narito ang listahan ng mga nagsipagwagi sa 9th Golden Screen Awards:

Best Performance by an Actress in a Leading Role-Drama - Jean Garcia (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)

Best Performance by an Actor in a Leading Role-Drama - Aga Muhlach (In The Name of Love)

Best Performance by an Actress in a Leading Role-Musical or Comedy - Eugene Domingo (Ang Babae Sa Septic Tank)

Best Performance by an Actor in a Leading Role-Musical or Comedy - (tie) Martin Escudero (Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington) and Edgar Allan Guzman (Ligo Na U, Lapit Na Me)

Best Motion Picture-Drama - Niño

Best Motion Picture-Musical or Comedy - Ang Babae Sa Septic Tank

Best Director - Marlon Rivera (Ang Babae Sa Septic Tank)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role-Drama, Musical or Comedy - Shamaine Buencamino (Niño)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role-Drama, Musical or Comedy - Art Acuña (Niño)

Breakthrough Performance by An Actress - Angeline Sanoy (Patikul)

Breakthrough Performance by An Actor - Rocco Nacino (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Original Screenplay - Chris Martinez (Ang Babae Sa Septic Tank)

Best Screenplay Adaptation - Gerry Gracio (Ligo Na U, Lapit Na Me)

Best Story - Kristoffer Brugada (Patikul)

Best Cinematography - Carlo Mendoza (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Editing - Ike Veneracion (Ang Babae Sa Septic Tank)

Best Production Design - Fritz Silorio, Mona Soriano, Ronaldo Cadapan (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story)

Best Sound - Albert Michael Idioma (The Road)

Best Musical Score - Vincent de Jesus (Ang Babae Sa Septic Tank)

Best Original Song - "Sa Muling Pagtatagpo"; music, lyrics by Jude Gitamondoc and interpreted by Daryl Leong (Ligo Na U Lapit Na Me)

Best Visual/Special Effects - Frano Garcia, Rico Tecson, Rico Fernandez, JeromeMarco, Alexis Leobrera (Pintakasi)

Lino Brocka Lifetime Achievement Award - Nora Aunor


With a report from Demai Sunio-Granali


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN