Prince Stefan hopes to re-start showbiz career: "Gusto ko munang bumawi ulit sa trabaho, gusto ko munang bawiin ulit o linisin ang pangalan ko para makabangon ulit.”

Prince Stefan clarified rumors in a taped interview on StarTalk TX: “Kung anumang tsismis na lumalabas tungkol sa akin, hindi totoo yun. Hindi po ako nagpakasal sa New York, single po ako, wala po akong balak magpakasal.” He stressed that he likes girls and hopes to start a family in ten years’s time.


Halos pitong buwan ding nanatili sa Amerika ang young actor na si Prince Stefan. August 2011 nang umalis ito ng Pilipinas upang magbakasyon. Last week, nagpasyang bumalik ng bansa ang batang aktor.

“Lahat ng mga cities sa Amerika na pinapangarap mapuntahan ng mga Pilipino ay napuntahan ko naman so iyon, dream come true. Bakasyon talaga ang ginawa ko doon with my family and my cousins.

“Pumupunta ako sa mga events, may mga nakikilala akong mga bagong friends, sabi nila ‘Prince kilala ka namin, artista ka ng GMA, kumakanta ka, nakikita ka namin sa mga shows kumakanta ka,’ so pinakanta nila ako sa mga events,” umpisang pahayag ni Prince sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX, Sabado, March 24.

Ilang araw bago umalis ng Pilipinas, nasangkot ang pangalan ng 23-year old hunk sa kontrobersiya. Isang anonymous blog ang naglabas ng mapanirang mga artikulo tungkol sa kanya, kabilang na rito ang pagkuwestiyon sa kanyang seksuwalidad.

“Oo, sasabihin kong umiwas ako kasi iyon yung mga oras na sobra akong down, marami akong problema at marami akong pinagdadaanan.

“[Sa] career at mga taong nag-trust ako na dapat hindi naman, mga taong akala ko mga kaibigan ko, pero hindi naman, yun pa pala ang magbabagsak sa akin.

“I felt like hindi na ako magugustuhan ng mga tao, I felt like mawawalan na ako ng projects kasi marami ng tsismis, kailangan ko munang umalis, i-regain yung sarili ko.”

Isa sa ikinadismaya ni Prince ay ang pilit na pag-uugnay sa kanya sa bawat lalaking makitang kasama niya.

“Hindi naman masama ang makipagkaibigan sa mga bading.

“Dahil ba bading sila hindi ko na sila puwedeng maging kaibigan? Hindi dapat ganun, kasi tao din naman sila.

“Iyon, kinaklaro ko po sa lahat ng mga Kapuso natin, sa StarTalk, na hindi po totoong lahat ng mga ibinintang sa akin.

“Yung mga lalaking na-i-involve sa akin ay mga kaibigan ko lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLARIFYING RUMORS. Muli ring pinabulaanan ni Prince ang tsismis ng pagpapakasal niya diumano sa Amerika sa isang mayamang bading.

“Hindi porke tumira ako sa kanya ay live-in na kami.

"Friend ko siya; minsan doon ako natutulog but it doesn’t mean na live-in kami o boyfriend ko siya o asawa ko siya.

“Kung anumang tsismis na lumalabas tungkol sa akin, hindi totoo yun.

“Hindi po ako nagpakasal sa New York, single po ako, wala po akong balak magpakasal.”

Dahil sa patung-patong na mga intriga’t mga problema, aminado si Prince na may pagkakataong maging siya ay tinatanong na rin ang sarili.

“Wala pa ako dun sa stage na parang kilalang-kilala ko na ang sarili ko. I’m still young, kumbaga andun pa ako sa stage na parang… akala ko nga nag-e-enjoy pa lang din ako.”

Sa kabila ng mga pagdududa, tiniyak ng aktor na alam niya kung ano at sino ang gusto niyang makasama sa buhay.

“Girl siyempre! Gusto ko rin namang magkapamilya soon… I mean in the future, not soon—in the future.

“Ten years from now gusto kong magka-anak, gusto kong magkapamilya.”

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, umaasa si Prince na mabibigyan siya ng isa pang pagkakataon sa showbiz.

“Ready na ako ulit, gusto ko ulit mag-strive hard.

"Na-miss ko yung nagbabasa ng script, na-miss ko ang umarte, na-miss kong kumanta, na-miss kong mag-gig, na-miss kong mag-mall show, lahat nami-miss ko.

“Ayoko muna ng lovelife, gusto ko munang bumawi ulit sa trabaho, gusto ko munang bawiin ulit o linisin ang pangalan ko para makabangon ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN