Aljur Abrenica wants to meet Kylie Padilla’s aunt, BB Gandanghari

Of the three special ladies Aljur Abrenica (in photo) invited to his birthday celebration at the family-owned beach resort on Saturday (March 24), only Rhian Ramos, his co-star in Ilumina and My Kontrabida Girl, was able to attend. Kris Bernal and Kylie Padilla were not able to make it to Batangas, but had earlier sent gifts.



Hindi na-spoil ng biglang pag-ulan ang 22nd birthday celebration ni Aljur Abrenica na ginanap Sabado, March 24, sa kanilang resort and restaurant, ang Patio Alfonso sa Batangas City, Batangas.

Noong una ay medyo na-bother ang StarStruck Ultimate Hunk dahil biglang umulan nang malakas ng bandang alas-dos ng hapon. Pero inisip na lang ni Aljur na blessing iyon para sa kanyang kaarawan.

Pagkatapos naman ng higit na isang oras na pag-ulan, tumigil rin ito at sumikat na ang araw na ikinangiti naman ng birthday celebrant.

“Bata pa lang po ako, sinasabi sa aming magkakapatid ng parents namin na kapag umulan sa birthday namin, ibig sabihin no’n ay blessing iyon mula sa Panginoon.

“Kasi nga, summer na pero may ulan pang dumating. So gawa lang ni God ‘yan. Kasi kanina nga masyadong mainit, pinalamig lang Niya siguro.

“Kaya heto natapos na ang ulan kaya tuloy po ang celebration natin,” ngiti pa ni Aljur.

Noong kinagabihan ng birthday party ni Aljur, bukod tanging si Rhian Ramos lang ang naabutan naming dumating. Yung ibang espesyal na kanyang inimbitahan tulad nila Kylie Padilla at Kris Bernal ay hindi nakarating sa kanyang celebration.

“Marami naman akong inimbitahan. Alam ko na malayo itong resort namin pero yung thought na ako ang personal na nang-imbita sa kanila, ginawa ko talaga iyon kasi gusto ko silang makasama sa importanteng gabing ito.

“Pero naiintindihan ko naman po kung hindi rin sila makapunta. May mga valid reasons naman sila siguro at maiintindihan ko iyon,” sabi ni Aljur.

THREE SPECIAL GIFTS. Mula sa tatlong babaeng close sa kanya ngayon, nabanggit ni Aljur na may natanggap na siyang mga regalo mula rito. Ayaw na lang sabihin ni Aljur kung ano ang mga iyon.

“Mula kay Kris, dahil sa sobrang thoughtful siya, marami na siyang naireregalo sa akin tuwing birthday ko. Hindi po ako nakakalimutan ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabigay na niya yung gift niya sa akin pero secret na lang kung ano iyon.

“From Rhian naman, isosorpresa na lang daw niya ako. Pero may idea na raw siya kung ano ang ibibigay niya sa akin.

“Naging very close kami ni Rhian noong gawin namin ang Ilumina at My Kontrabida Girl kaya alam na niya ang gusto ko.

“From Kylie naman, yung binigay niya ay isang bagay na magagamit ko pang-araw-araw.

"Kami naman po kasi ni Kylie, pareho ang mga hilig namin. Pareho kaming mahilig sa mga extreme sports. Kaya yung regalo niya, magagamit ko talaga.”

WANTS TO MEET KYLIE’S AUNT. And speaking of Kylie, naikuwento rin ni Aljur na gusto niyang ma-meet nang personal ang tiyahin ni Kylie na si BB Gandanghari.

Nakilala na raw kasi ni Aljur ang ibang mga kamag-anak ni Kylie at tanging si BB na lang ang hindi pa niya nakikilala nang personal.

“Siyempre, gusto ko po na makilala lahat ng mga malalapit sa puso ni Kylie. Halos lahat sila nakilala ko na, except po kay Ms. BB Gandanghari.

“Kung may pagkakataon na makilala ko siya, lalo na at nandito siya, bakit naman po hindi? It will be an honor to meet her,” sabi niya.

Okey lang ba kay Aljur kung sakaling hilingin ni BB Gandanghari na maging leading man siya sa isang pelikula?

“Wala pong problema sa akin iyon,” mabilis na sagot ni Aljur.

“Basta po maganda ang project at magkakasundo ang lahat, hindi ako tatanggi na makapareha si Ms. BB Gandanghari.

“Tulad nang sinabi ko, it will be an honor for me to meet and work with her.”

Anyway, wala pa raw nabibili si Aljur na regalo para sa kanyang sarili. Meron daw siyang binabalak na bilhin noon pa at iyon ang iniisip niyang birthday gift para sa sarili niya.

“Pinag-iisipan ko pa kung worth it ba o baka pag-ipunan ko pa ulit!” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa itong bagay na matagal ko nang gusto pero napipigilan kong bilhin kasi mas inuuna ko pa itong pagkumpleto sa mga kailangan ng resort namin.

“Pinakita ko na nga kay daddy yung gusto kong bilhin sana for my birthday. Kailangan ko rin kasi ang approval niya.

“So far, wala pa naman pong sagot si daddy. Mukhang pinag-iisipan din niya!” tawa pa niya.

Kung hindi rin lang material things ang gusto ni Aljur, magandang regalo ang good health ng kanyang mga mahal sa buhay at magkakasunod na blessings sa kanyang career.

Bukod sa mga projects na gagawin ni Aljur sa GMA-7, nagkasunod-sunod din ang mga endorsements na pinagkatiwala sa kanya.

“Iyon ang pinapasalamat ko talaga. Yung mabigyan ako ng pansin kahit papa’no at ipagkatiwala sa akin ang mga products na ito.

“Pinagdarasal ko po na maging mahusay akong endorser at hindi sila magsisi sa pagkuha sa akin.

“Matagal kong hinintay ang magkaroon ako ng ganitong kalaking endorsement kaya pangangalagaan ko po ito,” pagtapos pa ni Aljur Abrenica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN