Aljur Abrenica visits fellow StarStruck alumnus Marky Cielo’s grave in Mountain Province

Aljur Abrenica went to Baguio and Sagada recently. The actor visited the grave of Marky Cielo, a StarStruck graduate, who died in his sleep in 2008. Aljur and Marky were co-stars in the action-fantasy series Zaido.



Nagdaos ng kanyang ika-22nd birthday si Aljur Abrenica sa mismong resort na pag-aari niya at ng kanyang pamilya, ang Patio Alfonso sa Barangay Tinga, Batangas City kahapon, March 24. (CLICK HERE to view gallery)

Kahapon din ang aktuwal na birthday ng aktor.

Masasabing umaga pa lang ay abala na si Aljur sa pag-eestima ng kanyang mga bisita—ilang entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). (CLICK HERE to view another gallery)

Inimbita niya rin ang mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz.

Ang unang naging tanong nga kay Aljur ay kung ano ang birthday wish nito.

“Ang birthday wish ko for my family, good health at saka unity. Yung pagsasama nila, sana maging ganyan pa rin.”

Ang sumunod na tanong sa aktor ay kung inimbita ba nito sa kanyang birthday party ang nali-link sa kanyang si Kylie Padilla.

Sabi naman ni Aljur, “Yes, inimbita ko. Hindi ko lang alam kung makakarating siya.”

Bukod kay Kylie, marami pa raw siyang inimbita.

“Niyaya ko na si Kris [Bernal], si Sam [Pinto], si Rhian [Ramos], magti-text daw siya kung sure na.

"Halos karamihan nga hindi makapag-confirm. Siyempre, busy rin ang mga yun at saka, malayo, e. Malayo ang place.

“Yung family naman ng StarStruck, alam natin na halos lahat nasa Party Pilipinas kaya hindi rin sila sigurado.”

Ang resort nilang Patio Alfonso ay nabili ng tatay ng aktor na si Alfonzo Abrenica noong 1996. Ang Ichiban restaurant naman nila na nasa harapan ay matagal na raw nilang pinapatakbo bago pa nila nilipat sa Tinga.

Taong 2010 nang ipagawa nina Aljur sa pamamahala ng kanyang tatay ang resort na may swimming pool, room accommodation, billiards, at events area na kunsaan, idinaos nga ang birthday party ni Aljur.

Weekdays ay nandito ang tatay ng aktor para asikasuhin ang resort. Kapag Linggo naman at walang showbiz commitments, si Aljur naman daw ang nagpupunta sa resort, kasama ang mga kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May naiisip pa ba siyng susunod na investment after ng resort nila?

“Non-stop na naming dine-develop ito. So, siguro, pahinga lang muna then, bibili na ako ng bahay sa Manila.

“After that, itutuloy naming ide-develop ‘to. Ibinebenta na rin kasi sa amin ang likod.”

BAGUIO VACATION. Kakagaling rin daw ni Aljur sa bakasyon sa Baguio.

“Actually, three days lang kami. Kasama ko ang brother ko at ang girlfriend niya at saka yung bunso namin at ibang friends.

"Pare-pareho kaming walang alam sa Baguio. Hindi namin plinano. Kung ano lang ang makita namin.

"Ini-explore namin dahil pare-pareho kaming walang alam sa Baguio.”

Nakapagpahinga naman daw siya sa Baguio at nag-horseback riding sila na request ng kapatid niya. Pero bukod sa Baguio, umakyat din daw sila ng Sagada.

“First time kong makapunta ng Sagada. One night kaming natulog ro’n pero pag-gising, uwi na.

"Ang daming tourist spots na ro’n. Pero ang kagandahan ro’n, ang daming tao, kilala ka, pero, may respeto.”

REMEMBERING MARKY CIELO. Hindi rin daw nakaligtaan ni Aljur na dalawin ang puntod ng dating kasamahan sa StarStruck na si Marky Cielo. Nagkasama sila sa Zaido:Pulis Pangkalawakan.

“Isang dahilan kung bakit ako napapunta sa Sagada ay kay Marky talaga.

"Pumunta ako sa bahay niya mismo, nandoon ang puntod niya. Nandoon ang lolo niya at saka, yung tiyahin niya yata.

“First time ko lang din makarating doon sa puntod niya.”

Nakalibing si Marky sa likod ng bahay nila sa Bauko, Mountain Province.

Ayon kay Aljur, nami-miss niya si Marky at kinumusta lang daw niya ang pumanaw nang kaibigan.

Nang may magbiro na baka dalawin siya, nakangiting sabi naman ni Aljur, “Okay lang, okay lang sa akin.”

Ayon sa aktor, napapanaginipan daw niya ito.

“Ang weird kasi, noong mga nakaraan kasi, siguro last year ‘to, napapanaginipan ko siya. Marami siyang sinasabi sa akin pero paggising ko, nakakalimutan ko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan pa raw ang panaginip niya ng kuwento sa kanya ng isang fan.

“Tapos may fan na lumapit sa akin, si Camille. Galing daw siya sa puntod ni Marky.

"Ang weird ng nangyari. Meron lang daw biglaang bus na tumigil tapos, kinausap siya.

"Sabi, ’Uy, si Zaido Green namimiss na si Zaido Red.’ Tapos umalis yung lalaki.”

Ano ang naging dating sa kanya ng kuwentong yun bukod pa sa panaginip niya?

"Ano yun, e, nagpaparamdam. Baka ang dating sa akin, kailangan ko nang pumunta ro’n.

"Kasi, matagal ko nang gustong pumunta ro’n. Tapos bigla ko siyang napapanaginipan.”

Pagkatapos ng My Kontrabida Girl na pinagsamahan nila ni Rhian Ramos, balitang ang susunod niyang project sa Kapuso network ay ang Conio Problem.

Kung kahapon ang birthday ni Aljur, naalala naman nito na ngayong araw na ito, March 25, ang kanyang ika-limang taong anibersaryo sa showbiz.

Nang tanungin ito kung ano pa ang gusto niyang ma-achieve, ang sabi niya: “Award. Gusto kong magkaroon ng award.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN