Edgar Allan Guzman on his second win as Best Actor: "Nakaka-proud and mas lalo akong na-inspire para mas pagbutihan ko pa yung pag-arte.”

“Ang sarap ng feeling ng pagkapanalo ko ulit ng award for best actor. Nakaka-proud and mas lalo akong na-inspire para mas pagbutihan ko pa yung pag-arte,” says Edgar Allan Guzman on his second acting win for his role in the movie, Ligo Na U, Lapit Na Me at the 9th Golden Screen Awards last night.



Mas pulido na ‘ika nga, ang pagiging best actor ni Edgar Allan Guzman dahil dalawang beses na siyang ginawaran ng award sa kanyang magaling na performance sa Cinemalaya entry niya last year na Ligo Na U, Lapit Na Me.

Una na nga riyan ang kanyang parangal bilang best actor sa 2011 Cinemalaya, New Breed Category at ang pangalawa ay sa katatapos lamang na 9th Golden Screen Awards kung saan ginawaran naman siya ng Best Actor in a Leading Role, Musical or Comedy. Naka-tie niya ang isa pa ring Kapatid star na si Martin Escudero para naman sa Zombadings1: Patayin sa Shokot si Remington.

Nakaugnayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar sa pamamagitan ng text messaging ngayong tanghali, Marso 25, at nagpaabot kami ng pagbati sa kanyang pagkapanalo.

Isang mabilis na sagot ng pasasalamat naman agad ang itinugon ni Edgar sa text ng PEP.

Una namin siyang tinanong kung ano ang naramdaman niya ngayong dalawang beses nang na-recognize ang acting niya sa Ligo Na U, Lapit Na Me.

Sagot ni Edgar, “Ang sarap ng feeling ng pagkapanalo ko ulit ng award for best actor.

"Nakaka-proud and mas lalo akong na-inspire para mas pagbutihan ko pa yung pag-arte.”

Dagdag pa niya, “Nagpasalamat ako sa daddy ko, sa family ko, dahil sila ang naging inspirasyon ko. Kay Sir Noel [Ferrer, his manager], dahil nagtiwala siya sa akin and sa walang sawa niyang suporta.”

Sa speech nga ni Edgar ay nagpaabot rin ito ng pasensiya sa kanyang manager dahil siguro sa kanilang tampuhan noong nakaraang taon, na ayon pa sa kanya, “Wala naman kaming tampuhan. Kinuha ko lang yung opportunity na yun para mag-sorry ulit sa kanya.”

Hindi naman daw magiging dahilan ang kanyang pagkapanalo upang magiging mapili na siya sa mga proyektong tatanggapin.

Aniya, “Ay, hindi po, sabi ko nga before, kahit anong ibigay sa akin na role basta maipakita ko yung talent ko sa pag-arte, go ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nangako naman si Edgar na lalo pa siyang magiging focused sa mga trabahong ipinagkakatiwala sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN