Rocco Nacino on winning second acting award: “Ang unang-unang magpapabagsak sa akin, e, kung hahayaan ko siyang pumasok sa ulo ko."

Rocco Nacino was named Breakthrough Performance by An Actor at the 9th Golden Screen Awards for his performance in Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. He also won at the 28th Star Awards for Movies last week.


“Speechless” daw ang aktor na si Rocco Nacino dahil sa parangal na kanyang napanalunan sa 9thGolden Screen Awards na ginanap noong Sabado, March 24, sa Teatrino, Greenhills, San Juan.

Nasungkit kasi ng Kapuso actor ang Breakthrough Performance by an Actor award para sa debut film niyang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa; kung saan nakasama niya si Paulo Avelino at ang nagwaging Best Actress-Drama ng gabing iyon na si Jean Garcia.

(CLICK HERE for related article.)

“I feel very humbled and motivated to excel in my craft,” sagot ni Rocco nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang reaksiyon niya sa kanyang pagkapanalo.

“Lalo ko na-appreciate ‘yong thought na mahilig talaga ako umarte, at talagang gagalingan ko pa, lalo para sa mga viewers, sa mga gagawin natin movies at sa mga gagawin natin shows in the future.

“I want to be a better actor, and I want to give what the audience want.”

TWO IN A ROW. Ang parangal na ito ang pangalawang acting award ni Rocco sa loob lamang ng isang buwan.

Nauna dito’y nanalo bilang New Movie Actor of the Year si Rocco sa 28th Star Awards for Movie, para pa rin sa pelikulang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa. Ginanap ang awards night noong March 14 sa Meralco Theater.

(CLICK HERE to read related story.)

Hanggang nagyon nga raw ay hindi pa rin siya lubos na makapaniwala sa tagumpay na natanggap.

“Ito, pinapawisan ako ngayon, nare-realize ko na nangyayari itong lahat!” natatawang sabi ni Rocco.

“Nagsi-sink in na, at kanina po... aaminin ko nabubulol ako kanina dahil at a loss for words talaga ako.

“It’s really good to know na you’re in the second year in the business, and natanggap mo ‘yong ganitong klase ng awards.

“It makes me want to work again... kung puwede ngayon magtrabaho na, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rocco ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck, kunsaan ay naging Second Prince siya ng Batch 5.

PICKY IN ROLES? Samantala, aminado ang Kapuso actor na malaking pressure ang kaakibat ng pagkapanalo niya ng dalawang acting awards na ito.

Gayunman, mas nais niya raw tingnan ito na isang inspirasyon.

Ani Rocco, “Siyempre ‘yong pagtanggap ng mga ganitong award, may consequences, which I gladly accept.

“This comes as a challenge to maintain ‘yong nagagawa ko.

“Ang unang-unang magpapabagsak sa akin, e, kung hahayaan ko siyang pumasok sa ulo ko.

“Ang kailangan, i-maintain ‘yong attitude ko and maging grounded, and to accomplish my goal, to excel in my craft.”

Hindi rin daw magiging basehan ang mga parangal na ito para maging “picky” siya sa pagtanggap ng mga roles na gagawin niya.

Wika ni Rocco, “As much as possible, kahit gaano kaliit ‘yan, gagawin ko pa rin.

“I want to give back to the people who made this happened for me.

"At, of course, I want to give back sa lahat ng taong naniwala sa akin.

“Kahit gaano kaliit ‘yan, gusto ko pa rin gawin ‘yan, hindi maiiwasan ‘yan na mangyayari pa rin ‘yon.

“Pero ‘yon nga, as much as possible, gusto ko pa rin gawin ito para sa mga tao.”

Regular na napapanood si Rocco sa afternoon soap na The Good Daughter at sisimulan na rin niya ang shooting para sa pagbibidahan niyang epic movie, ang Lam-ang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN