Sarah Geronimo and Gerald Anderson talk to each other more often now

Sarah Geronimo and Gerald Anderson both admit that their friendship has grown deeper. The young actor says, "Mas close kami ngayon kasi mas madalas ang naging communication naming dalawa."


Parami na nang parami ang mga nagiging tagasuporta ng tambalang Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Karamihan sa kanila ay dumalo sa kauna-unahang fans’ day na inihanda ng Jollibee para sa kanilang celebrity endorsers sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City, kahapon, Marso 25.

Subalit tila hindi lamang pang-onscreen ang pagsasama nina Sarah at Gerald, na naging magkapareha sa mga palikulang Catch Me I’m In Love at Won’t Last A Day Without You noong nakaraang taon.

Matapos ang meet and greet with the fans, sabay na nagpaunlak ng panayam sina Sarah at Gerald.

Dito ay inamin ng dalawa na mas madalas na ngayon ang pakikipag-usap nila sa isa’t isa.

Sabi ni Gerald, "Kaya siguro mas naging mas close kami ngayon kasi mas madalas ang naging communication naming dalawa."

Dagdag pa ng young actor, kahit tapos na ang mga proyektong magkasama sila, hindi naman nawawala ang pagkakaibigang nabuo noong mga panahong iyon.

Aniya, "Siguro ’yon din ang maganda sa amin kasi minsan kung ano ’yong nakikita nila sa stage, totoo rin.

"Mas bonded kami ngayon, mas madalas ang communication namin ngayon [kaya] mas nakilala ko po siya.

"Siguro gano’n din sa kanya."

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Sarah.

Sabi ng Pop Princess, "Bina-value ko po talaga ’yong nabuong friendship sa amin kahit tapos na po ang pelikula namin.

"Ako, sabi ko naman po sa kanya, kung saan siya magiging happy talaga, nandito lang ako para sa kanya."

MORE TIME FOR SARAH? Samantala, dahil kasalukuyang bakasyon si Gerald pagdating sa trabaho, pagkatapos ng Budoy, mas marami na raw siyang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

Isa na marahil dito si Sarah, na inamin niyang nililigawan niya.

(CLICK HERE to read related article.)

"Mas maluwag ang schedule ko [ngayon]," sabi ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang trabaho na nakaharang sa akin. Yeah, sabi ko nga kanina, mas madalas po ang communication naming dalawa."

Gayunman, hindi pa rin diretsang mailarawan ni Gerald kung paano na ang relasyon nila ni Sarah.

Sabi ng young actor, "Hindi naman po kailangan lagyan ng label.

"As me, kumbaga, ine-enjoy ko po ’yong inspiration na ibinibigay sa akin ni Sarah.

"Dahan-dahan lang. Ine-enjoy ko lang ’yong moment.

"Siguro kaming dalawa, ine-enjoy lang namin kung ano ang meron kami ngayon.

"So, hindi po kami nagmamadali, hindi namin pine-pressure ang isa’t isa."

Sa kabilang banda, nang tanungin si Sarah tungkol sa naging pag-amin ni Gerald kamakailan sa The Buzz, napangiti lamang ang singer-actress.

Pagkatapos ay sinabi niyang, "Masaya po ako kung ano ang meron kami, ’yong friendship namin.

"At totoo ’yon po na mas naging mas close po kami.

"Talagang iniingatan ko po ’yong closeness na meron kami ngayon, ’yong friendship namin."

WHAT WILL HAPPEN NEXT? Sa kabuuan ng panayam, kapansin-pansin na madalas ay si Gerald ang sumasagot sa mga tanong ng media samantalang si Sarah ay panay ngisi lamang.

Kaya naman tinanong si Sarah kung napapakilig ba siya ni Gerald.

Sumagot naman ang host ng weekend show na Sarah G Live, "Opo naman. Napapasaya po talaga ako ni Gerald."

Nang usisain si Sarah kung paano siya napapakilig ni Gerald, ang young actor na ang sumagot para sa dalaga.

Sabi ni Gerald, "Baka kasi kung paano niya ako nakilala ng mas malalim pa.

"Kumbaga, habang tumatagal, mas malalim po ’yong naging friendship namin.

"Kung friendship lang po ang makukuha ko sa kanya, panalo pa rin ako.

"No turning back, really."

Sa ngayon, hindi pa masabi ng dalawa kung saan hahantong ang pagkakamabutihan nila Sarah at Gerald bilang magkaibigan.

Gayunman, sabi ni Gerald, tulad ng kanilang mga masugid na tagahanga, "Excited din po ako sa kung anong growth na puwedeng mangyari sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang matapos ang interview, narinig ng media si Sarah na nagpasalamat kay Gerald: "Thank you for doing all the talking."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN