Rayver Cruz denies breaking up with Cristine Reyes

Short of getting more mad, Rayver Cruz denies rumors and issues about break-up with girlfriend Cristine Reyes. He even emphasizes that it’s just normal for any one to have a crush on Piolo Pascual, he asks: “Eto lang yun, sino’ng babae ang hindi magkaka-crush kay Piolo?


Sa kabila ng pagpapadala ng text message ni Cristine Reyes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para linawin na walang katotohanan ang lumabas na balita na break na sila ni Rayver Cruz, hindi pa rin mamatay-matay ang balitang nauwi na rsa hiwalayan ang mahigit isang taon na rin relasyon ng dalawa.

NOT TRUE AT ALL. Sa panayam ng PEP kay Rayver kahapon, March 25, sa ASAP 2012, sinabi ng young actor na sila pa rin hanggang ngayon ni Cristine, taliwas sa bali-balitang wala na sila.

“Dun nga ako nagtataka.

"Alam ninyo, hindi naman natin kailangang palakihin ang issue.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yan.

"Basta ang masasabi ko, straight to the point, na kami pa rin ni AA [palayaw Cristine], we’re still the same.

“Busy siya sa work niya, so siguro, naninibago ang mga tao na bihira na kami magkasama.

"Pero same pa rin naman," diin niya.

Ayon pa kay Rayver, hindi sila nagpapaapketo ni Cristine sa lumabas na balita.

“’Pag alam kasi naming hindi totoo, hindi na lang kami nagpapaapekto.

“Papa-stress pa ba kami sa issue na hindi tototo?” sabi ng young actor.

JEALOUS? Hindi kaya nagkaroon sila ng tampuhan ni Cristine recently na siyang napagbasehan kaya kumalat ang balitang break na sila?

“Normal naman na minsan nagkakatampuhan, pero hindi naman aabot sa breakup.

“Hindi namin alam talaga kung saan nanggaling yun, basta ang masasaabi ko lang, okay kami ni AA, same pa rin at happy ako sa takbo ng career niya.”

PIOLO PASCUAL. Klinaro rin ni Rayver na hindi niya pinagseselosan si Piolo Pascual kahit bukas si Cristine sa pagsasabing crush niya ang matinee idol.

Magkatambal sina Cristine at Piolo sa primetime series ng ABS-CBN na Dahil Sa Pag-ibig.

Buo raw ang tiwala ni Rayver sa kasintahan.

“Eto lang yun, sinong babae ang hindi magkaka-crush kay Piolo?

“Ang sa akin, paghanga ’yan! Ako, may mga crushes din ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since naman nung maging kami ni AA, wala akong pinagselosan na naging katambal niya.

“Alam niya na hindi ako seloso lalo na sa work.

“Yung pagiging vocal niya sa paghanga kay Piolo? Bakit ko naman kailangan siyang pakialaman dun?

“Very open-minded ako na kahit may mga taong nagtatanong, hindi raw ba ako nagseselos?

“Nandun yung trust ko sa kanya, bakit ko sisirain yung inspired siyang magtrabaho?

“Alam ko mas nakakatulong yun sa proyekto, so bakit ko sisirain yung vibes niya na ganun?”

QUALITY TIME. Sa isang relasyon ay importante ang quality time.

Ngayong sobrang busy si Cristine, paano kaya nag-i-spend pa ng quality time together ang dalawa?

“Okay lang naman, nasanay kasi yung mga tao na lagi kaming magkasama, and sa work niya na sobrang ganda ng takbo ng career niya.

“Ayoko rin namang istorbohin siya palagi and happy ako sa magagandang nangyayari sa kanya ngayon.

“’Pag may oras, we still go out, pero ’pag wala, hindi kailangang ipilit kaya nga may cell phone," sabi ni Rayver.

RAYVER VS. CRISTINE? Marami ang nakakapansin na kung kailan namamayagpag ang career ni Cristine ay parang lie-low naman daw si Rayver pagkatapos ng Reputasyon.

Hindi kaya matapakan ang ego ni Rayver sa kasikatan ngayon ni Cistine?

“E, kailangan parehas lagi? Hindi naman ako nagmamadali.

“Bibigyan din naman ako ng opportunity.

"I know hindi naman ako pababayaan ng ABS-CBN management, ng Star Magic.

“Hindi naman kailangang madaliin, hindi naman dapat lagi akong pumantay kay AA.

“Alam ko naman na magakakaron din ako ng break, salitan lang ’yan!

"Hindi naman matatapakan ang pride ko kasi alam kong may pinaghahawakan akong talent.

"Hindi naman kailangang madaliin ang lahat ng bagay.

“Saka alam naman natin kung sino ang mas mataas sa relasyon namin, di ba?

“Alam naman natin sa umpisa pa lang.

"Pero never naman naging issue sa amin na Cristine Reyes siya… hindi naging issue yun sa amin," sabi ni Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN