Enchong Dee on new friendship with Xian Lim, Enrique Gil, and Kean Cipriano: “Slowly by slowly, we get to trust each other.”

Enchong Dee on working with Xian, Enrique, and Kean: “Ang maganda kasi when you’re at your age of being a young adult, parang iisa lang yung gusto namin. We have these commonality towards music, food… siyempre girls.”


Matapos ang teleseryeng pinagbidahan nina Enchong Dee at Erich Gonzales, ang Maria La del Barrio, magiging sobrang busy pa rin ang young actor dahil kasama siya sa Star Magic Tour sa ilang bahagi ng Amerika.

Kailan ang alis niya for the Star Magic Tour?

“I’ll be leaving Tuesday afternoon for Hawaii first.

“[Pagkatapos ng] Hawaii? We’ll be flying to San Francisco, then to L.A. [Los Angeles], then to Chicago, then to Alaska, then to New York,” pag-e-enumerate ni Enchong ng kanilang itinerary.

Gaano katagal ang Star Magic Tour?

“Star Magic tour will be until the 10th [of April]. Pero we’ll be extending until… we’ll be arriving at the 17th.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa presscon at autograph signing na inihanda para sa kanya ng Men’s Health magazine kahapon, March 25, sa Glorietta 5.

Ito na ang pangalawang beses ni Enchong na mag-cover para sa men’s magazine.

THE REUNION. Isa pang pinagkakaabalahan ni Enchong ay ang pelikula niya kasama sina Xian Lim, Enrique Gil, at Kean Cipriano—ang The Reunion.

Kumusta ang shooting nila?

“I’ll be gone for three weeks [for Star Magic tour]. Parang it [movie] will be put on hold.

"So, hindi ko alam kung we’ll be airing... we’ll be showing the original time that it was announced,” sabi ng Star Magic actor.

Kailan nga ba ulit ang tentative playdate nila?

“It was supposedly second week of May.

“Pero hindi ko alam kung matatapos namin by that time,” sabi niya.

Pinag-uusapan na ang The Reunion dahil pinagsama-sama raw rito ang ilan sa mga pinakaguwapong artista sa bakuran ng ABS-CBN.

Ano ang reaksiyon dito ni Enchong?

“Wow! Thank you!” tila namumulang sambit ng young actor.

“Makukulit... pinakamakukulit na bata sa showbiz. Bata talaga?” natatawang dagdag pa ni Enchong tungkol sa kanyang mga kasamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol saan ba ang The Reunion?

“Siguro I can say it’s about friendship.

“It’s about… yeah, the friendship… friendship and relationship,” paglalarawan ng binata.

THE BOND. Masasabing isang pambihirang pagkakataon ang pagsasama sa isang pelikula nina Xian Lim, Enrique Gil, Kean Cipriano, at Enchong Dee—o tinatawag ng karamihan sa Twitter at iba pang social networking sites na ang grupong “X. E. K. E.”

Kumustang katrabaho sina Xian, Kean, at Enrique?

Sabi ni Enchong, “Ang maganda kasi when you’re at your age of being a young adult, parang iisa lang yung gusto namin.

“We have these commonality towards music, food… siyempre girls!” sabay bungisngis niya.

Dagdag pa ni Enchong, “And yung work namin, of course.

“Parang we have this commonality with the environment that we’re into—which is show business nga.”

Kumusta naman ang bonding nilang apat?

“We, we get… ang pinakamaganda kasi do’n, when we’re shooting together, kaming apat, hindi naman nawawala yung bonding.

“And then after bonding, asaran na, kasi nakapag-share na yung bawat isa, so asaran na ‘yan after.

“But it doesn’t stop there, parang dire-diretso pa rin yung pagse-share namin, eventhough may asaran na nangyari.

“‘Yon yung pinakamaganda because slowly by slowly we get to trust each other,” sabi ni Enchong.

Ano kaya ang pinaka mami-miss niya kapag natapos na ang shooting ng kanilang pelikula?

“Siguro mami-miss ko siyempre yung... bihira kasi magkaroon ng isang programa or isang show na puro lalake—yung umiikot sa lalake yung kuwento.

“Yung gano’ng environment is different from a love story,” aniya.

“X. E. K. E.’S” LOVE INTERESTS. Kinumpirma rin ni Enchong sa PEP ang mga makakapareha nila sa pelikula.

“I’m going to be with Cristine [Reyes] and Jessy [Mendiola].

“Cristine Reyes, which is I’m super-super blessed na tinanggap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And Xian would be with Megan [Young]; and Kean will be with Bangs [Garcia], Enrique will be with Julia [Montes]," sabi ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN