Pauleen Luna chooses to ignore "gold digger" tag; says she respects everybody’s opinion

Pauleen Luna also likes to establish a day care school for kids: “Kasi I have a very big heart for kids. And I love waking up with children’s laugther and cries... Doon ko talaga na prove na mahilig talaga ako sa mga bata kasi kahit yun ang gumigising sa akin, okey lang.”


"Gold digger" ang paratang ng ilan sa young actress na si Pauleen Luna dahil sa pagkakaugnay niya sa ilang prominenteng personalidad sa pulitika at showbiz.

Sa kabila ng paratang na ito, nananatiling tahimik ang young actress at hindi sumasagot upang ipagtanggol ang sarili.

Rason ng young actress, "You know, sometimes when you know something, you don’t have to prove it to the world or whatever.

“So I just like to keep my privacy this time for myself.”

Palaban at very opinionated ang pagkakakilala kay Pauleen, pero sa pambabatikos at sa diumano’y pagiging malapit niya kay Vic Sotto, hindi pumalag ang Eat Bulaga! mainstay.

“Wala. Yun nga, I’d like to keep this part of my life private for now.

“I mean, I hope people will understand," maikli niyang tugon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Meron ba siyang taong pinuprotektahan, ’tulad ni Bossing Vic, sa kanyang hindi pagsasalita?

“Wala... wala... wala!” sunud-sunod na tanggi niya.

“Ako lang, this is my decision.

"Nobody pushed me to do this or what."

Pero aminado naman si Pauleen na nasasaktan siya sa mga ibinabatong isyu sa kanya.

“I guess it’s but normal. But you know, I respect everybody’s opinion," sabi niya.

Hindi lang okey kundi masaya naman si Pauleen ngayon. Inspirado ba siya?

“Ay, I’m always inspired!" bulalas niya.

"Alam mo naman ako, very jolly person.

“I find inspiration in a lot of things.

“So, it doesn’t necessarily mean that I get it from one thing or one person.”

Natawa naman si Pauleen sa tanong namin na baka in love siya ngayon kaya siya masaya.

“I’m always in love… I’m always… always in love!” nakangiti niyang sabi.

Naiisip na ba niyang magpakasal?

“Hindi! I’m 23 years old!” tawa niya.

“Hindi ko alam! ’Pag meron na sigurong gustong magpakasal sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa ba?

“Wala… wala pa!” tugon niya.

YOUNG ENTREPRENEUR. Nasa “build and sell” pala ang negosyo ni Pauleen ngayon.

Bumibili sila ng lupa ng kanyang inang si Mommy Chat at saka nila patatayuan ng townhouse units. Kapag natapos na ay saka nila ito ibinebenta.

Ito nga raw ang pinagkakagastusan ni Pauleen bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan kung sakaling gusto na niyang talikuran ang mundo ng showbiz.

Ayon kay Pauleen, isang magandang investment ang negosyong pinasok nila ng kanyang ina.

“Kaysa naman the money is sitting in the bank, di ba?

“It’s a good investment din naman, basta may nakatutok—which is my mom,” sabi niya.

Hindi raw siya hands-on sa pagpapatakbo ng negosyo kundi ang kanyang ina. Siya lang daw ang financier.

Pero ang talaga raw gusto niya ay magtayo ng isang pre-school dahil ito lang muna ang kaya niyang gawin.

“I don’t have anything yet in mind na alam kong magagawa ko ngayon.

“But I want to have a pre-school when I get older.

“Pero right now, ito muna yung maa-afford with time and effort.

“Yung pre-school, matagal pa ’yan ’pag may time.

“Kasi I have a very big heart for kids.

"Yung likod ng bahay namin ngayon is parang day care, para siyang toodler school.

“And I love waking up with children’s laugther and cries.

“Doon ko talaga na prove na mahilig talaga ako sa mga bata kasi kahit yun ang gumigising sa akin, okey lang," saad ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN