Gab Valenciano admits to "exclusively dating" Coleen Garcia; denies initiating breakups with former girlfriends

Gab Valenciano is now concentrating on his music career as he is seen often doing gigs with his dad Gary V and guestings in music shows like ASAP and Sarah G. Live. He says it has nothing to do with his love relationships: “Music talaga ako, e. Music and sayaw lang talaga ang hilig ko, e.”


Dumaan na sa maraming lovelife controversies si Gab Valenciano dahil sa pakikipagkalas niya sa mga dating kasintahang sina Rachelle Ann Go at Isabel Oli.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gab, inalam namin kung may kinalaman ito sa hindi niya pag-push ng acting career niya gayong puwede naman siyang maging artista.

“Music talaga ako, e. Music and sayaw lang talaga ang hilig ko, e,” tugon niya.

“I tried, di ba, sa Banana Split, pero hindi ko lang talaga… kumbaga, I really couldn’t get into it.

“Not because ayoko siya, hindi lang talaga ako… acting is not me lang.

“I like to produce music. I like to perform. That’s me talaga.

"Maybe when I get older.

"Ang ginagawa ko ngayon is taking advantage of my youth.

“Bata pa naman ako. Once in a lifetime lang naman tayo magiging bata.

“We might as well, taking advantage of the moment na as a performer.”

SHOWBIZ INTRIGUES. Posible bang natakot na siyang mas lalong ma-expose sa intriga kaya ayaw niyang mag-artista?

“Yeah, just a little more prone to issues and stuff. Pero hindi naman sa gano’n.

“We’re always surrounded naman by intriga no matter what. Pero wala, e.

“Intriga naman is always there, pero it’s something naman that doesn’t bother me," saad ng anak ni Gary Valenciano.

NOT SINGLE. Pero hindi raw matatawag na "single" si Gab sa panahong ito.

“I’m not single,” pag-amin niya.

“Let’s put it that way na I’m in an understanding where… manliligaw!

"Yes, I can say na nanliligaw ako!”

Ang TV commercial model at showbiz newbie na si Coleen Garcia ang nililigawan daw ngayon ni Gab.

Biniro namin na nakita sila noon sa isang gimik club sa Resorts World kasama si Coleen pagkagaling nila sa panonood ng PBA games.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero no’ng time na yun, wala pa... wala pa talaga!” bulalas ni Gab.

“I can honestly say na yung time na yun, wala pa.

“Friends lang talaga kami!

“Siguro because of time, because you know, sobrang nag-jive lang kami.

“I just realized na she’s more special than other people.”

Sa paniniwala niya, unti-unti na lang na umusbong ang interes niya sa commercial model.

“Actually, you know what, it wasn’t actually ligaw, e.

“It’s more of we’re just really good friends. Alam mo yun?

“There’s something na hindi muna namin pinapansin kasi it’s too early… it’s too early to tell.

“Pero I don’t consider myself single.

“I don’t consider myself out in the market talaga.”

ECLUSIVELYU DATING. Exclusively dating ba ang tawag ni Gab sa paglabas-labas nila ni Coleen?

“Yeah, I can put I that way.

"Kasi ang hirap na rin if you’re interviewed.

“Nakikita naman kayo sa labas. Ang hirap namang magsabi na ‘Hindi naman kami, hindi naman kami.’

“So, that’s pretty much it," sabi ni Gab.

BREAKUPS. Tatlong babae na sa showbiz ang naging kasintahan ni Gab. Ang dalawa sa pinakahuli ay nag-iwan ng heartache sa breakup na ito.

Siya ba ang palaging nang-iiwan sa mga babae?

“Well, ’eto lang palagi ang sinasabi ko na there’s two sides of the story. There are two different books.

“But for me, hindi ko na sasabihin kung ano yun.

“I’ll just accept it na lang if that’s how people see me.

"I will accept it, I’ll embrace it.

“All I know is happy ako and nobody can stop that," sabi ng dancer.

Ipinagtanggol naman si Gab ng mga kaibigan at mahal niya sa buhay na alam ang tunay niyang pagkatao–hindi raw niya intensiyong manakit ng damdamin ng mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, hindi talaga," diin ni Gab.

“When I get into a relationship, nakikita naman ng mga tao how sincere I am and how I talk about them.

“I’m really open about it.

"It’s just happens na somewhere down the road, hindi na siya nagwo-work.

“And it’s not… I don’t wanna say the details about it.

“Pero all I do na lang is wish them the best.

“Kung may magsabi naman na masama sa akin, okey lang.

“Kasi lalake ako. No matter what you do, lalake palagi ang bad boy.”

Mula raw nang mag-break sila ni Isabel Oli, hindi na raw nakausap pa ni Gab ang Kapuso actress.

“Which for me is okay. I mean, it will take time naman the friendship to come back.

“Pero right now, alam kong masaya siya and I’m happy for her.”

SPECIAL COLEEN. Ano bang meron kay Coleen at nabihag nito ang puso niya?

"With Coleen, all I can say is she’s special. She’s special.

“I don’t know kung saan siya papunta.

“All I know is I’m happy, and yun nga, she’s one very special person," buong pagmamalaki niyang pagsasalarawan sa dalaga

Naipakilala na raw ni Gab sa kanyang buong pamilya si Coleen sa mga get-together dinners nila.

Masasabi ba niyang magtatagal ang pakikipagrelasyon niya kay Coleen?

“Let’s just say this is different amongst all.”

Paanong different?

“I don’t know, it just feels different.

"It’s exciting. It’s actually very exciting.”

Bakit exciting?

“Kasi nga, iba e. Parang naiiba siya—may kakaiba siya!” sagot ni Gab.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN