PEP EXCLUSIVE: Enchong Dee believes his road to fame began when he started doing “panata”

Enchong Dee discloses his usual panata: “Minsan ‘yong kailangan mo lang ‘yong faith sa sarili for it to happen.”


Sa isang meet-and-greet at autograph-signing session ng Men’s Health magazine para kay Enchong Dee, nagkuwentuhan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ang binata tungkol sa Holy Week.

Dahil nga sa Star Magic tour, hindi rito sa Pilipinas magho-Holy Week ang young actor, kundi sa ilang lugar sa Amerika—una ang Hawaii, na first stop nila.

Kung kaya’t tinanong ng PEP kung ano ba ang madalas na ginagawa niya at ng kanyang pamilya kapag Holy Week, at kung may panata din ba sila.

“Ahm… the usual panata that I do is I go back to Naga.

“And we have this place called ahm… ano nga ‘yon?” pag-iisip ni Enchong.

Nang maalala, “It’s a place in Calabanga that we walk from... cathedral of Naga to Calabanga, Hinulid ang tawag.”

“And [then] Stations of the Cross.

“Then after that we have to walk for three hours.

“Sometimes puwedeng may slippers, puwedeng wala,” kuwento ng binata.

ROAD TO FAME. Naikuwento rin ni Enchong kung gaano ka-importante sa kanya ang panatang nagawa niya apat na taon na ang nakalilipas.

“I remember may winish ako sa Kanya na sabi ko, ‘Ahm… ready na po ako Lord mag-seryoso sa showbiz.’

“And then binigay ni God, kaya sabi ko…. Ano, minsan ang daming nagsasabing hindi totoo ‘yan, ganyan, ganyan.

“[Pero] minsan ‘yong kailangan mo lang ‘yong faith sa sarili for it to happen,” masayang pagbabahagi niya.

Naniniwala ba siyang nagsimula lahat ng kanyang tagumpay sa showbiz simula nang ginawa niya ang hiling niyang ‘yon?

“Oo,” mabilis na tugon niya.

Paliwanag ni Enchong, “Parang kasi ‘yon ‘yong start ng… after no’ng Holy Week na ‘yon nagsimula ‘yong My Girl and people started recognizing me na after.

“It was 2007? 2008! Kasama [ko] sila Kim [Chiu] at Gerald [Anderson].

After ba no’n sunud-sunod na ang projects niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes. Kaya nga sabi ko ‘I’m ready!’” masayang sagot ni Enchong Dee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN