Matteo Guidicelli reacts to talk that his movie with girlfriend Maja Salvador was so-so at the box office

When asked if he gets jealous with girlfriend Maja Salvador’s reel partners, Matteo Guidicelli says, “Kaibigan ko naman talaga ang mga leading men niya dati pa, magkakaibigan naman kami. Yung pinagselosan, ibang rason naman yun. Kung may mga isyu, ibig sabihin, may rason.”


Pinagtambal ang reel- and real-life couple na sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli sa pelikulang My Cactus Heart, pero balitang hindi raw ito ganun kainit na tinanggap ng publiko.

Marami ang nagsasabi na maaaring tanggap ng publiko ang kanilang relasyon, pero mukhang mas suportado raw ang dalawa kung iba ang kanilang mga kapareha.

Bagay na agad tinutulan ni Matteo nang makausap ng siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP noong Linggo, March 25.

“Hindi totoo ‘yan!" sambit ni Matteo.

"May mga projects na gusto nila magkasama kami, pero we’ll see what’s gonna happen.

“Maraming mga offers, but we’ll see, magde-decide kami kasi, di ba, kapag you’re in a relationship, it’s hard to work?

“In My Cactus Heart, a lot of supporters liked it, and it was an indie movie and hindi naman expected na malaki yung kikitain.

“But it went above the budget.

"Star Cinema was very, very happy. Okay naman ang lahat.”

STRONGER AND BETTER. Ngayong binuksan na nina Matteo at Maja ang kanilang relasyon sa publiko, aminado naman ang young actor-TV host na mas gumaganda ang takbo ng relasyon nila ngayon.

“Good! Stronger, better, happier... masaya naman.

“I guess every relationship, after time passes, you get to know the person better and everything keeps better.

“You learn more about each other, you trust each other more, so as time goes, you learn more and you learn to love more.”

WORK RELATED. Naging isyu ang nangyaring away nina Matteo at Coco Martin sa nakaraang Star Magic Ball. Ang pinag-ugatan daw ay ang pagseselos ni Matteo sa sweetness nina Maja at Coco off-cam.

Tinanong ng PEP si Matteo kung wala na ba siyang nararamdamang selos ngayon sa mga bagong kapareha ng girlfriend.

“Wala, trabaho lang yun.

“Magkaibigan naman talaga kami ng mga partners niya, like si Patrick [Garcia], si Jason [Abalos], so there’s no problem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaibigan ko naman talaga ang mga leading men niya dati pa, magkakaibigan naman kami.

“Yung pinagselosan, ibang rason naman yun.

"Kung may mga isyu, ibig sabihin, may rason.”

MISSING HAPPY YIPEE YEHEY! Isa si Matteo sa regular host ng defunct noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!.

Sinabi ni Matteo na nami-miss niya ang show pati ang mga kasamahan niya programa.

“Siyempre na-miss ko talaga, na-miss ko talaga ang pamilya namin dun, but we always see each other.

“Si Pratty [John Prats], si Biancs [Bianca Gonzalez], si Toni [Gonzaga], Si Mamang [Pokwang], Kuya Randy [Santiago]...

"Si Kuya John [Estrada] lang, Kuya Rico [Puno], hindi kami nagkikita, pero nagte-text kami lagi."

Dagdag pa ni Matteo, “I learned so much from them.

“Each one of them is a big inspiration to me in such parang mentors, talagang nilu-look up ko silang lahat."

ANDI EIGENMANN. Naging kapareha ni Andi Eigenmann si Matteo sa dating primetime series na Agua Bendita.

Ngayong nagbabalik sa showbiz ang young actress pagkatapos niyang manganak, open ba si Matteo na magkatrabaho silang muli?

“I spoke to Andy, I spoke to her, she’s doing a project soon.

“Sana in the future we’ll work together again," sabi ni Matteo.

NEW ROLES. Pero ibinalita ng young actor na may mga bago siyang proyekto na kakaiba sa dati niyang roles na dapat abangan ng publiko.

“Sobra! Thank God, alam mo na yun?

"I’m always praying that everything go well... most importantly, work is going well.

“We have new things I’m going to do soon so exciting.

“May teleserye din, primetime yata, I think so.

“I’m very, very much excited and I think this next one will be exciting.

“Iba e, iba siya. Ibang istorya, ibang ako, ibang lahat—so exciting talaga!

“Sobrang iba sa role ko sa My Binondo Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every project, I’m thankful naman, especially Agua Bendita, My Binondo Girl.

“Lahat iba’t iba ang roles, most especially sa My cCctus Heart.

“The management was happy, pinakita ko iba.

“Pero I wanna show different sides of me so the next project would be very, very different.”

BIRTHDAY PLANS. Birthday ni Matteo kahapon, March 26, how will he celebrate his birthday?

“We ‘re going to Hawaii for Star Magic tour 20th Anniversary on March 27.

“Bukas mag-iimpake na ako.

“Dinner-dinner lang sa bahay, pamilya, mga kaunting kaibigan.”

TRIATHLON SPORT. Bukod sa mga commitments, abala si Matteo sa triathlon na hindi raw biro-birong sports talaga.

“I’m concentrating on my sports in the meantime habang libre pa ako—triathlon.

“I had my race last weekend in Cebu, it’s Xterra Philippines.

“They do it all around the world. It’s an all off-road trialthon—so bike, swim, bike, run—and thank God nag-second ako dun!

“Kung sasali ka sa trialthon, ang goal mo lang is to finish.

“Tatlong pinagsama-samang sports.

"For example, one kilometer yung langoy, 30 kilometers yung bike, ‘tapos ten kilometer yung takbo.

"It’s three hours and 30 minutes.

“It takes a lot of discipline and mind game talaga.

“Basta matapos mo lang, it feels so good ’pag natapos mo.

“Talagang masaya, masarap yung feeling na I accomplished this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN