Angeline Quinto still “courting” Coco Martin

While growing up, Angeline Quinto admits that she has dreamed of being successful in her singing career. She says, “Kahit ako na yung kusang magbigay ng boses ko rito sa ABS, papayag po talaga ‘ko."


Live na nag-guest si Angeline Quinto sa "True Story" segment ni Charlene Gonzalez sa The Buzz noong Linggo, March 25, para i-promote ang second album.

Bago ang interview, ipinakita muna ang VTR ang ama ni Angeline na si Pop Quintos.

Ipinahiwatig ng ama ni Angeline kung gaano niya ipinagmamalaki ang anak ngayon.

Ipinagmalaki rin ng ama ang mga plano ni Angeline para sa kanila, ’tulad ng pagkakaroon ng bahay at mabigyan sila ng account sa bangko.

FAMILY’S SUPPORT. Tanong ni Charlene kay Angeline: Ano ang pakiramdam niya ngayong ipinagmamalaki na siya ng ama na dati’y hindi ganoon kasuportado sa hilig at pangarap niya sa pagkanta?

“Siyempre po, unang-una, nagpapasalamat po ako sa Panginoon kasi maayos na po kaming lahat ngayon—lalung-lalo na po kami ng tatay ko.

“Ipinapakita naman po niya sa akin at ng mga kapatid ko ang suporta nila sa akin ngayon.

“Ramdam na ramdam ko na pamilya ko sila," sabi ng singer.

Growing up, naisip niya ba na matutupad ang mga pangarap niya?

“Sa totoo lang po, Miss Charlene, siyempre ako po, nag-umpisa lang ako, nangarap ako.

“Pero hindi ko po inasahan na mangyayari lahat yun.

“Pinagdarasal ko lang na sana minsan, marinig yung boses ko sa TV.

“Kahit nga po walang bayad, okay lang.

“Kahit ako na yung kusang magbigay ng boses ko rito sa ABS, papayag po talaga ‘ko.

“Yun nga po, nagsimula rin ako sa mga singing contest.

“Pero para sa akin, hindi ko po talaga inakala na aabot ako rito.

“Yun nga po, nagsimula lang po ako sa pangarap, e.”

DARING IN FIRST MOVIE. Napag-usapan din ang first movie ni Angeline, ang You Light Up My Life, kunsaan kapareha niya ang kanyang crush na si Coco Martin.

Totoo bang may pagka-daring si Angeline sa movie at pumayag siyang mag-bikini?

Paglilinaw ng singer, “Hindi naman po bikini. Kumbaga, may konting pagpapa-sexy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi nga po nila, ang laki nga raw po ng ipinayat ko simula noong nasa Star Power ako.

“Basta ako, hindi ko pinagyayabang na sexy ako.

“Basta, abangan nila sa Mayo para makita nila.”

DATE WITH COCO. After months of filming together, mas close o nag-date na ba sila ni Coco ngayon?

“Nag-date? Nasubukan na po naming magsimba sa Quiapo.

“Pareho kami ni Coco ng religion. Alam ko po na devotee din siya ng Nazareno sa Quiapo.

“’Tapos noong nalaman po niya yun, sabi ko, ‘Sana Cocs, makapagsimba rin tayo sa Quiapo.’

“So, nagpunta po kami ng madaling-araw," kuwento niya.

COURTING COCO. Feeling ba ni Angeline na nagpapahiwatig si Coco sa kanya?

“Feeling niya po—nagpapahiwatig ako!” sagot naman ni Angeline.

May kissing scene ba sila sa pelikula?

“Secret! Abangan n’yo na lang po sa movie namin.

“Kasi, medyo may konting comedy ‘to.

“Hindi naman po siya sobrang drama.”

Nagseselos ba siya sa team-up ni Coco kay Julia Montes sa Walang Hanggan?

“Nagseselos? Hindi naman po.

"Kapag nagkikita naman kami ni Coco, nag-aasaran lang kami.

“Sinasabi ko sa kanya, ‘Ikaw ha, hindi mo na ako kinukamusta. Masyado ka nang busy sa Walang Hanggan.’

“Pero hanggang doon lang po yun.

“Naiintindihan ko naman po si Coco kasi alam ko na mahal na mahal niya rin ang trabaho niya po.”

ADMIRERS. Iisa ang make-up artist nina Angeline at Charlene. Ayon sa make-up artist, marami raw boys na nagpapahiwatig kay Angeline ngayon. Sinu-sino ang mga boys na ito?

“Ganda ko naman!” natatawang sabi ni Angeline.

“Kasi may mga kaibigan po ako dati na parang hindi naman ako pinapansin—na ngayon nagme-message sa akin sa Facebook.”

Paano si Bryan Termulo na nagdala raw ng sinigang sa kanya sa ASAP noong hapon na yun?

“Naku, nag-text nga po sa akin, wala raw siya sa ASAP kaya wala ang sinigang ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Naku, paulit-ulit, palaging wala!’

“Sabi niya next week daw.

“Sabi ko, ‘Baka naman sa susunod niyan, nilaga na ang dala mo, hindi na sinigang!’” natatawang sabi ng singer.

THANKS TO DRA. BELO. Mula sa pakiramdam at tingin niya sa sarili noon na mataba at ugly duckling, ngayon ay mas gumanda na at maraming nagkakagusto kay Angeline. Ano ang pakiramdam ng singer?

“Ngayon po, talagang proud po ako kasi kung anuman po ang nakikita ng mga tao sa akin ngayon—yung hitsura ko—talagang pinaghirapan ko po.

“Sabi ko nga po noong nasa Star Power ako, wala akong ginawa kung hindi mag-sit up gabi-gabi!

"Siyempre kung ano naman ang gusto mo, gawin mo lang yun at mangyayari po.

"At saka siyempre, dahil kay Dra. Vicki Belo po," pahabol pa niya.

DUET WITH REGINE. Sa bagong album ni Angeline, may collaboration sila ng idol niyang si Regine Velasquez kunsaan nag-duet sila. Ano ang pakiramdam?

“Siyempre po, nagpapasalamat po ako kay Miss Regine kasi pumayag po siya na maka-duet ko nga po sa second album ko.

“At isang karangalan po sa akin na makasama ko si Ms. Regine ulit sa isang kanta sa album ko po," sabi ni Angeline.

COURTING COCO. May kanta din siya sa album tungkol sa pag-ibig na naudlot. Si Coco ba yun?

“Sa tingin ninyo po?

“Basta ako po, hanggang ngayon, alam naman ng mga tao na nanliligaw pa rin ako [kay Coco].

“Sana po ngayong taon, e, maayos naman na.

“Kasi ilalabas na ang pelikula," sabi ni Angeline na hindi malaman kung seryoso o nagbibiro lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN