Vice Ganda reveals details about one-year relationship with his "dyowa"

Vice Ganda considers his career as a challenge. While it took a while before his craft was recognized, he is always faced with uncertainty about being accepted as he is. He says, “Kaya kailangan, tuwing nakaharap ako sa TV, tuwing lalabas ako, tuwing magpe-perform ako, I’ll make sure na fresh ang ibibigay ko."


Inamin ni Vice Gandan sa taped interview sa kanya ni Boy Abunda para sa The Buzz noong Linggo, March 25, na tulad ng ibang sumasapit ng kanilang kaarawan, may emotional blues pa rin daw siyang nararamdaman.

Sa March 31 ang 37th birthday ni Vice.

PURE HARDWORK. Kung ano siya ngayon, ilang percent ang luck at ilang percent naman ang hardwork para kay Vice?

“Siguro 70 percent hardwork at 30 percent luck.

“Kasi ever since, kilala ko ang sarili ko—nagtrabaho talaga ako. Kaya ibibigay ko sa sarili ko yun.

"Mas malaki ang hardwork than luck.”

Gaano kalaking hardwork ang inilagay ni Vice sa kanyang career?

“Hundred percent!” sagot niya.

Sa mga struggles na pinagdaanan niya bago marating ang kinaroroonan niya ngayon, ano ang hindi niya malilimutan?

“Marami… yung hirap na hirap akong maabot ang mainstream kasi pa-girl ako na bakla.

“Yung baklang-bakla akong talaga.

"Alam ko na sa sarili ko na meron akong kakayahan.

“Galing na galing nga ako sa sarili ko, di ba?

“Pero nagtataka ako dahil parang palaging nauungusan ako ng ibang… yung mga kasabayan ko.

“Palaging sagot, ’Kasi sobra kang pa-girl. Hindi tanggap sa TV.’”

CHALLENGES. Tinanggap na lang ba ni Vice yun o na-challenge siya?

“Na-challenge… Ayokong tanggapin. Ayokong baguhin ang sarili ko para sa sistema kasi hindi ako yun.

“Kaya kapag may pagkakataon, kapag may mga guesting ako ’tulad ng sa ABS-CBN, I made sure na mapapansin ang husay ko.

“Ayokong sayangin ang chance. Kaya nga I always made myself available.

“Kasi sayang yung exposure. Baka yun ang moment, e," sabi ni Vice.

Ayon kay Boy, ang trabaho nila ay napaka-uncertain. Sikat siya ngayon, bukas ay hindi na siya kilala ng mga tao.

Ano ang fears at doubts ni Vice?

“Maraming doubts. Isa sa mga doubt ko, e, hanggang kailan kaya ‘to? Panahon lang lagi.

"Ako, go nga lang ako nang go, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kung masyado kong ie-entertain ang takot... puwedeng marami ngang change, kaso paano kung ang change, eh positive?

"So, go lang.”

RELEVANCE. As a performer, how does he stay relevant?

“As a performer, palagi kong sinasabi sa kanila na nothing old is current.

“Kaya kailangan, tuwing nakaharap ako sa TV, tuwing lalabas ako, tuwing magpe-perform ako, I’ll make sure na fresh ang ibibigay ko.

“Hindi pa nila napanood, hindi pa nila narinig.

“Yung style ko, hindi pa nila nakikita sa iba. Kailangan fresh.

“Pati sa hitsura ko, no offense sa iba, ayokong magmukhang matanda.”

May gut feel ba si Vice kung ano ang magwo–work sa audience at hindi?

At kung may punchline na hindi kinagat, ano ang ginagawa niya?

“Nakatulong sa akin ang training ko sa comedy bar kaya alam ko na kung magwu-work ito o hindi.

“Sa comedy bar, instant yung reaction kasi kaharap mo na.

“Sa comedy bar, sanay na sanay kami kasi maririnig mo na agad kung may tumawa.

“Maririnig mo na agad kung may pumalakpak.

“Kapag walang tumawa, walang pumalpak, alam mo nang flop.

“So, dapat mabilis. Para yung waley mo, matatabunan mo na ulit ng bago.”

Ayon kay Vice, siya mismo ang nag-i-style ng sarili niya.

“I style myself pero meron akong stylist na mag-help me out.

“Pero yung styling, ako pa rin ang nagde-decide na, ’Ay, ayoko niyan. Gusto ko ganito.’”

BEING ON TOP. How it is to be on top?

“Masaya. Ang saya.

"Pero, di ba, ang baduy na noong sinasabi na malungkot sa itaas?

“Pero ayoko kasing sabihin sa sarili ko na malungkot kasi nasa itaas ako.

“Malungkot kasi talaga naman sa kabila ng saya, merong malungkot.

“Yun lang talaga ang normal na buhay.

“Kasi kung hindi ka malulungkot, hindi mo lalong mararamdaman ang tamis.”

Paano nagre-relax si Vice?

“Pinipilit kong maging normal ang buhay ko. Lalabas ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makikipagharutan ako sa mga kaibigan ko. Magbabaliw-baliwan ako.

"Maglalandi ako. Magpapa-sweet-an ako sa dyowa ko. Yung ganoon.”

VICE’S DYOWA. Gaano na sila katagal ng "dyowa" niya?

“Matagal na rin po. Isang taon na.”

Paano naapektuhan ng pagiging celebrity niya ang kanilang relasyon?

“Malaki po. Noong isang araw nga, nag-uusap kami.

“Sabi ko, ‘Ang saya nating dalawa, ‘no? Kapag magkasama, naghaharutan tayo. Pero ang tagal na nating nakakulong dito sa kuwarto sa bahay.’”

Nakakulong sa anong dahilan?

“Nakakulong... like, sabi niya, ‘Hindi natin ma-experience yung magmu-mall tayo. Manonood tayo ng sine. Maghaharutan tayo ’tapos magkaakbay tayo.’

“Hindi ko magawa yun kasi pagpipiyestahan kaming dalawa.

“Kung ako lang ang pagpiyestahan, okay lang, kasi nasa showbiz ako, e.

“Pero siya na pangkaraniwang tao, hindi ko maa-afford na pagpiyestahan siya at maapektuhan siya pati ang mga mahal ko sa buhay.

“Kaya okay lang, ‘Magkulong na lang tayong dalawa.’”

Wala bang pagkakataon na sila ay hindi nagkakaintindihan dahil siya ay nasa trabahong napakahirap intindihin?

“Naaapektuhan minsan. Minsan may mga hindi napagkakasunduan.

“Kapag naghaharot na ’ko masyado... ang dami ko namang hinaharot.

“Para rin sa audience, para may kilig factor, nakakatawa.

“Pero alam niya kapag hindi na biro, nararamdaman niya yun.

“Naloloka ako isang beses, bigla na lang siyang nasa Showtime!

“’Anong ginagawa mo sa baba? Bakit ka nanonood?’

“Feeling niya raw, hindi na biruan daw ang ginagawa ko sa Showtime.

“Tiningnan niya ang lalaki. Tiningnan niya sa personal.

“’Tapos sabi niya, ‘Totoo nga, meron kayong something na dalawa!’”

Then, what happened?

“’Hindi totoo!’

"Sabi niya, ‘Siyempre, puwede mong sabihin ‘yan, pero iba pa rin ang nararamdaman ko.

“’Iba yung sa tagal ng pagkakakilala ko, yung mata mo talaga, ang saya-saya kapag nakikita mo siya.

“’Excited kang pumasok sa Showtime dahil guest siya.’

“Yung ganoon. Totoo din naman kasi.”

"I DON’T CARE." Up there, maraming batikos sa kanya. Merong gusto siya. Merong ayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho ang mga akusasyon sa kanya—yumabang siya, lumaki ang ulo.

Does he care?

“No! I don’t care!” natatawang sabi ni Vice.

TWITTER FANS. Hiningan din ni Boy ng opinyon si Vice tungkol sa paggamit ng celebrities ng Twitter at pagpatol sa ilang followers na nangba-bash sa kanila.

Aniya, “I still believe that Twitter is fun. And I still love my followers so much.

“Iba-iba kasi talaga ng pananaw ang mga tao.

“Kaya hindi ko puwedeng sabihin na mali yung ginawa niya na pinatulan niya yung nag-tweet sa kanya.

“Kasi, iba-iba ang tao. Iba-iba ang pinagmulan ng tao.”

Kailan niya nalalaman kung sino ang dapat patulan at hindi dapat patulan?

“General po kasi talaga yung ano… kunwari meron na akong nababasa na marami na, sinadyang bina-bash na ako, talagang hindi ko pinapangalanan.

"Kasi, yun talaga ang gusto nila, e.

“Mapangalanan mo sila, awayin mo sila para sumikat din sila.

“Nagpo-provoke. Why would you give in to that provocation?

“Talong-talo ka agad dun, di ba? Kasi, bumigay ka sa kanila.”

MOVIE WITH ANGEL LOCSIN. Si Angel Locsin, hindi raw nahihiyang sabihin na gusto siyang makatrabaho as "leading man"? Ano ang reaksiyon ni Vice dito?

“Masaya. Kasi, gusto ko rin siyang makatrabaho—si Angel.

“Kasi, dalawa yung ultimate crushes ko sa showbiz.

“Siya talaga at saka si Kaye Abad.”

Papayag siya na lalaki ang gagampanan niyang role?

“Opo. Basta masaya ang project.

"Kahit anong role ko. Basta masaya, nakakatawa.”

BIRTHDAY WISH. Birthday prayer?

“Ang wish ko, gusto kong makita ang lola ko ulit. Yun lang ang wish ko.

“Gusto kong multuhin niya ’ko. Magpakita siya sa akin kahit sandali lang.

“Kahit sandaling-sandali lang. Yun lang ang birthday wish ko.

“Gusto kong magpakita lang siya sa akin at sandaling-sandali lang.”

Ang mommy raw ni Vice ay bumalik na ng States.

“Yes, pero gusto niyang umuwi. Kasi, wala raw siyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal siyang nawala dahil nag-alaga siya sa lola ko. Gusto raw niyang umuwi.

“Kaya sabi ko, ‘Sino ba nagsabi sa ‘yo na bumalik ka riyan? Umuwi ka na rito!’

“’O sige, pero bigyan mo ko ng tindahan, ha?’

“Napakasimple ng gusto ng nanay ko. Tindahan lang pala. Okay lang.

"’Magtayo ka na ng tindahan para diyan na lang din ako mamimili ng mga groceries na binibigay ko sa dyowa ko!’”

QUESTION AND ANSWER PORTION. Sa huli, tinapos ni Boy sa isang mabilisang fast talk ang kanyang interview kay Vice.

Boy: Love is?

Vice: Fun

Boy: Moreno o mestizo?

Vice: Moreno

Boy: Lights on or lights off?

Vice: Lights off kasi ang pangit ng kutis ko, e.

Boy: Basketball o football?

Vice: Ngayon? Ha-ha-ha! Basketball.

Boy: Most beautiful name of a man?

Vice: Shakespeare

Boy: Comedy bar o TV?

Vice: Comedy bar

Boy: Pera o pag-ibig?

Vice: Pera

Boy: Praybeyt Benjamin o Petrang Kabayo?

Vice: Praybeyt Benjamin

Boy: Most beautiful actress in this country?

Vice: Kaye Abad

Boy: Pinakaguwapong artista sa Pilipinas?

Vice: Derek Ramsay

Boy: What is your biggest vice?

Vice: My biggest vice is love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN