Cesar Montano denies turning down OMB chairmanship; gives himself three to four months before transferring to either ABS-CBN or TV5

Cesar Montano politely turned down the government offer of chairmanship of the Optical Media Board (OMB). Aside from being offered another government post, he says that another person would ably fit, not necessarily from the industry. When Ronnie Ricketts offered the OMB post to Cesar, he told Ronnie: "Hindi ko cup of tea ‘yan at saka mas effective ako sa ibang parte. Like arts and culture–gano’n. Pero para manghuli ng mga pirata... kanya-kanyang skil


Mukhang wala nang pag-asang maging susunod na chairman ng Optical Media Board (OMB) si Cesar Montano kapag binakante na ng kasalukuyang Chairman na si Ronnie Ricketts ang posisyon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cesar, ipinaliwanag nito ang tunay niyang saloobin sa trabahong inaalok sa kanya ng gobyerno sa OMB.

Nilinaw muna ni Cesar na hindi niya tinanggihan totally ang pagiging opisyal ng anti-piracy office.

Aniya, “Hindi, inaayos namin, pero hindi ako uupo muna... hindi muna.

“Nagkaroon lang ng misunderstanding.

“Actually, kinausap na ako ni Ronnie bago pa lumabas yun.

“Sabi niya, ‘Pare, puwede ba mo ba kaming…?’

“’Naku,’ sabi ko, ‘kahit gustuhin ko man, pare... it’s really a great honor for me.’

“Pero sabi ko, ‘Hindi ko cup of tea ‘yan at saka mas effective ako sa ibang parte.’ Sabi kong ganyan.

“’Like arts and culture, gano’n. Pero para manghuli ng mga pirata...’ di ba?

“Kanya-kanyang skills ’yan, e.

“Pero no’ng lumabas ’yan, para sa akin, thank you, thank you sa ating Presidente.

“Ang aking pasasalamat sa kanya… It’s a great honor para sa aking pamilya,” sabi niya.

Tinanggihan na ba ni Cesar ang alok?

“Inaayos lang siya... inaayos lang namin.

“Kasi may ibang pinag-uusapang appointment.”

GOVERNMENT POSITION. Wala namang pinipiling opisina na gusto niyang hawakan kung sakaling bibigyan si Cesar ng pagkakataong makapamili.

“Wala naman… kung ano lang ang ibigay ng presidente, wala naman akong hinihiling sa kanya.

“Pero no’ng lumabas yun… si Ronnie nga lang ang kausap ko, e.

“Sabi niya nga, ‘Pare, gusto mo bang sumama dito?’

"Sabi ko, ‘Maraming salamat.’

“Noon nga, ibinigay sa akin yung chairmanship niyan nung past president [Gloria Macapagal-Arroyo]. Hindi ko rin tinanggap.

“Hindi naman sa nagmamalaki ako. Hindi ko cup of tea ’yan.

“Baka hindi ko rin magampanan, nakakahiya lang.”

Sa paniniwala ni Cesar, maraming mas karapat-dapat sa posisyon kaysa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming mas bagay sa trabahong ‘yan. Hindi na lang ako magsasabi ng pangalan, pero kaya nila.

“It doesn’t have to be an actor.

"In the first place, hindi naman kailangang artista diyan,” pahayag niya.

MOVIE PROJECTS. Tungkol naman sa kanyang movie career, ibinalita ni Cesar na may upcoming movies siyang gagawin.

“Ngayon, meron na kaming naka-lineup ng Viva Films, mga tatlong pelikula this year.

“Dalawang drama at isang action lang ang gagawin ko—action-comedy.

“May posibilidad na sumama ako sa film festival [Metro Manila Film Festival 2012].

“Yung pagdidirek ng movie, isa lang ang gagawin ko sa tatlo, yung drama lang.”

Isa rin sa mga gustong gawin ni Cesar ay ang horror-suspense movie.

“Bakit hindi? Gusto ko nga, yung dati kong movie na Ligalig, suspense yun!

“I love suspense movies. Malaking challenge ’yan… para makapanakot ka nang husto!

“Kaya inggit na inggit ako kapag nakakapanood ako ng Paranormal [Activity], e.

“’Di ba? Napaka-simple, napakamura ng pelikula, pero ang laki ng kinikita nila.

"You cannot deny their success, e.”

Hindi kasama sa tatlong gagawin niyang pelikula sa Viva ang nais niyang gawing suspense-horror film.

“Ang naka-lineup kasi sa akin, action-drama, action-comedy, at isang action.

“Pero wala kaming casting kasi nasa proseso pa lang kami ng pagdi-develop ng script.

“Pero immediately, this May, gusto ko ngang magsimula.

“Ito yung drama na ako ang magdidirehe nun.”

Tumangging magbigay ng detalye si Cesar kung sinu-sino ang makakasama niya sa project at baka raw may pagbabago pa.

NETWORK TRANSFER. Freelancer ngayon si Cesar at ang ibig sabihin, wala siyang kontrata sa kahit na anong TV network.

Aniya, “Tapos na ang contract ko sa GMA-7 pero may mga offers ako ngayon.

“Ngayon kasi, ang nagma-manage sa akin ay si Boss Vic [del Rosario].”

Ibinalita rin niya na kung hindi man sa ABS-CBN, malamang ay sa TV5 siya pumirma ng kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede, bakit hindi? I’d love to work with Aga [Muhlach] again!” bulalas niya.

“Lalo na kung noontime show, comedy, o sitcom.

“Wala, kasi si Aga kahit ano naman... barkada, e.

“Sarap makatrabaho yung ganyan, walang masyadong problema—effortless.”

Aminado si Cesar na nami-miss niya ang paghu-host, tulad sa nasibak na The Singing Bee game show sa ABS-CBN.

“Ako, nami-miss ko talaga. Nakaka-miss yung type of show na gaya ng Singing Bee.

“Ang dami ngang nagtatanong sa akin kung kailan daw babalik yun.

“I hope someday maibalik yun. Pero meron kaming plano.”

FORMER KAPUSO. Dating contract star ng GMA-7 si Cesar. Wala ba siyang naging reklamo o hinaing sa Kapuso network?

“No, no... I have finished my contract with GMA-7.

“I’m happy with the way they treated me.

“Wala akong masasabi but thank you very much to GMA-7, Atty. [Felipe] Gozon, to Jimmy Duavit.

“And to all of them na sumuporta at nag-alaga sa akin dun.

“And to Shirley Pizarro, my manager na nag-alaga sa akin nung nandoon pa ako.

“Maraming salamat sa GMA-7 sa pagtitiwala nila sa akin.”

May mga project pa si Cesar na hindi natuloy sa GMA-7.

“A, well, dapat meron kaming gagawin, pero hindi na muna natuloy.

“May offer naman sila, e. But right now, gusto kong mag-focus sa pelikula.

“Pero may inaayos kaming TV.

"Hindi naman magiging problema yung TV ko, habang ginagawa ko yung pelikula. Kaya okey lang.”

Tatlo hanggang apat na buwan ang inilalaang panahon ni Cesar para mag-decide kung saang TV network siya pipirma ng kontrata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN