Alessandra de Rossi enjoys playing “lovable kontrabida” role in Legacy; dreams of doing a romantic movie

“Gusto ko yung nakakakilig. Ang cute ko kaya ’pag kinikilig!” says Alessandra de Rossi about herself. The Legacy actress dreams of doing a romantic movie where she says, she can show her soft side. “Kaya lang hindi naman nakikita yun, dahil laging Fatal Attraction ang peg ko dito. Yung tipong pagkakita ko [sa lalaki], mahal ko na siya’t kukunin ko siya!”


Sabi ni Alessandra de Rossi sa kanyang Legacy character na si Bernadette, hindi na niya kailangang umarte pa nang husto para gampanan ito.

“Sa totoo lang, itong character na ‘to yung pinakamalapit sa pagkatao ko,” sabi ng aktres na gumaganap sa isa sa mga pangunahing tauhan sa GMA-7 “glossy drama series.”

Kakuwentuhan ni Alex (palayaw ni Alessandra) ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press na inimbitahang dumalaw sa taping ng Legacy sa matayog na Timberland Sports and Nature Club sa San Mateo, Rizal nung Biyernes, Marso 23.

“Minus lang the side na masama siyang tao,” pagpapatuloy ni Alex.

“Pero kung paano siya pumanch-line, kung paano siya…

“’Tsaka yung boses, pansinin n’yo yung boses ni Bernadette, iba, parang ipit, parang ‘Nge-nge-nge-nge!’

“Pero ‘pag sa totoong buhay, hindi. Ganito lang, mababa lang yung boses ko, ganyan.

“Pero yung kung paano siya sa buhay, yung kulit niya, yung ganun…ako yun!

“Puwera lang yung mapaghiganti siya, ’tsaka gumagawa ng masama sa kapwa,” aniya pa.

Pinakamadali na raw siguro niyang naging role ang character na ito.

“E, dyusko naman, ang character ko kasi walang ginawa kundi pumanch-line lang. Ano pa bang magagawa ko?

“’Pag hindi ko pa ginawa yun nang tama, e, nakakahiya naman sa akin!” natatawa pa niyang banggit.

LOVABLE KONTRABIDA. Kuwento pa ng nakababatang kapatid ng aktres ding si Assunta de Rossi, marami raw ang natutuwa sa kontrabidang si Bernadette.

“Sabi nila, ‘lovable kontrabida.’

“First time daw na may kontrabida na parang, yun nga, kikay na lovable,” ani Alex.

Ni wala nga raw siyang effort para magpaganda sa show.

“Parang hit and miss si Bernadette, e.

“Si Natasha [Lovi Poe] at si Heart [Evangelista, sa papel na Diana], palaging maganda.

“Si Bernadette, minsan… maganda pa rin. Pero, ‘Sino na naman kayang [cover ng] magasin ang ginaya nito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ganun ang dating?

“Wala siyang identity. Kung ano lang yung nakita niyang maganda, gagawin niya lang,” nakangiti pang kuwento ng 27-year-old actress.

Kahit na may stylist sila sa show, pinaglalaruan daw nila ang paraan ng pagdadamit ni Bernadette, para magmukhang cheap na babae talaga ito.

“Kunyari maganda yung damit, ‘O, lagyan natin ng something.’

“’Tapos meron akong suot na isa na... di ba, may uso ngayon yung parang may cape?

“O, suot ko, biglang... ‘Pakuha natin yung boots ko!’

“Para mukha ‘kong superhero!” tumatawang kuwento pa ni Alex.

Tuloy ang madalas na komento ng mga tagasubaybay ng show tungkol kay Bernadette, “Naaaliw sila.

“Aliw na aliw sila.

“’I love your role,’ ‘Naaaliw ako.’

“Wala pa akong naririnig na, ‘Nabibilib ako.’ Yun ang gusto kong marinig.

“Kaya lang, wala namang bilib factor dahil nakakaaliw lang talaga siya. So…

“E, di aliw! Next time na yung bilib,” nangingiting sabi na lang ni Alex.

Hindi rin naman matatawaran ang galing sa pag-arte ni Alessandra.

Sa murang edad nga nito na 17, nagkaroon na agad ito ng FAMAS award for Best Supporting Actress para sa ginampanan niyang role sa pelikulang Azucena nung 2000.

Madalas din siyang nano-nominate sa iba’t ibang award-giving bodies, at kamakailan nga ay nakatanggap pa ng pagkilala mula sa bansang pinanggalingan ng kanyang ama—sa Puglia, Italy.

(CLICK HERE to read related story.)

HER DREAM MOVIE. Pero ang gusto raw talagang gawin sana ni Alessandra, kung mabibigyan ng pagkakataon, ay ang makagawa ng isang pelikulang “nakaka-in love.”

“Wala pa ‘kong ganun. Kahit nga Pretty Woman lang.

“Kaya lang, ‘Freaky Woman’ ‘pag ako!” biro ng aktres.

“Basta something lang na makita yung soft side ko. Kasi hindi pa yun nakikita, e. Sa totoo lang.”

Suggestion ng mga kausap niyang showbiz reporters, gumawa siya ng pelikula kasama ang crush niyang Alden Richards—sang May-December affair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naikuwento ni Alex na sinabihan niya ang binata na crush niya ito nung isang beses na magkasalubong sila. (CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi gusto ni Alessandra ang suggestion ng reporters.

“Ang pangit naman nung kuwento… Ano ‘ko, teacher niya?” biro ni Alex.

Nag-suggest pa ng ilang konsepto para sa pelikula sana nila ni Alden ang reporters. Puwede raw tipong sexy movie katulad ng 1985 Rated R American movie na Private Teacher.

“Wit! Ayoko, ayaw, ayaw!” nakangiting tanggi ni Alex.

“Sabi ko nga gusto ko yung nakaka-in love ang kuwento, okey?”

“Basta ang gusto ko, something na nakaka-inspire.

“Gusto ko yung nakakakilig. Ang cute ko kaya ’pag kinikilig!

“Kaya lang hindi naman nakikita yun, dahil laging Fatal Attraction ang peg ko dito.

“Yung tipong, pagkakita ko [sa lalaki], mahal ko na siya’t kukunin ko siya!” banggit pa ni Alex sa 1987 psycho-drama-thriller kunsaan ginampanan ng Hollywood actress na si Glenn Close ang papel ng isang babaeng baliw na baliw sa lalaking naka-one night stand niya, na ginampanan naman ni Michael Douglas.

“Gusto ko yung nade-develop sila sa isa’t isa. Yung, ‘Ay, ang cute nila. Ayan na, blooming na si Alex… yung ganun,” paghahalimbawa pa ng aktres sa puwedeng maging dating ng dream romantic movie niya.

Pero sa kabila ng kagustuhan niyang makagawa ng romance movie o romantic-comedy movie, aminado si Alex na hindi siya nanonood ng mga ganitong klase ng pelikula.

“Hindi ako nakapanood… hindi ko siya trip.

500 Days of Summer! Cute. Yun, napanood ko yun. Yung mga ganun lang,” biglang naalala niya ang 2009 Zooey Deschanel-Joseph Gordon-Levitt starrer.

“Bagay sa akin yung role ng matalinong babae, kasi nasa itsura ko yun… Tsarot!” biro pa ni Alex.

Pero pagseseryoso ng aktres, gusto niya raw yung tipong Before Sunset na pelikula.

Ang tinutukoy ni Alex ay ang 2004 movie na kuwento ng isang American book author na ginagampanan ni Ethan Hawke na na-in love sa isang French woman na may pamilya na, na ginagampanan naman ni Julie Delphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung normal lang na nagkukuwentuhan sila, pero kinikilig ka, yung ganun. Yun ang magagandang gawin.

“Kasi dun makikita ang lalim ng isang artista, e,” sabi ni Alex.

Tungkol naman sa puwedeng maging ending ng character ni Alex na si Bernadette:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN