Alden Richards proud of success of fellow Kapuso talent Rocco Nacino

Alden Richards remains positive after his fellow Kapuso star, Rocco Nacino, bagged the Breakthrough Performance by an Actor award in the 9th Golden Screen Awards. Alden says he’ll “just pray for the best na lang po after this.”


Masaya si Alden Richards sa tagumpay na nasungkit ng kapwa Kapuso talent niya na si Rocco Nacino.

Nominado kasi si Alden sa 9th Golden Screen Awards para sa kategoryang Breakthrough Performance by an Actor para sa pelikulang The Road, kung saan nagwagi si Rocco para naman sa pelikulang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden kamakailan sa Teatrino, Greenhills, San Juan.

“You know what, Rocco deserves it,” sagot ng batang aktor nang tanungin namin ang reaksyon niya sa pagkapanalo ni Rocco.

“He played one of the main roles sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa really well, and I’m so proud of him.

“‘Tsaka okay lang po sa akin kahit hindi ko nakuha ‘yong award. Since fellow Kapuso ko naman si Rocco, there’s nothing wrong with that, and that would be one of the elements para maging pursigido pa ang artista.

“So, I’m sure Rocco is very proud of himself right now, and I’ll just pray for the best na lang po after this.”

THE ROAD. Sapat na raw para kay Alden ang maging isa sa mga nominado para sa nasabing kategorya.

Hindi naman daw kasi ganoon kadali na mapansin sa mga ganitong award-giving bodies.

Ani Alden, “Na-appreciate ko po ‘yong EnPress awards night na kahit papaano they nominated me as one of the awardees for that category.

“[At the] same time proud ako na napasama ang The Road because of me.

“Sana po next time [manalo na], there’s always a next time, just keep on praying na lang.”

Kasalukuyang abala si Alden sa primetime show ng GMA-7 na My Beloved, kung saan kasama niya sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Gayundin ay excited siya na pumunta ng Los Angeles, California sa unang linggo ng Mayo, para sa international premier ng The Road.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN