Kylie Padilla explains absence from Aljur Abrenica’s birthday party

Kylie Padila is one of the invited guests at Aljur Abrenica’s birthday party in Batangas last Saturday, March 24, but the young actress was not able to attend. She explains, “May Party P [Pilipinas] rehearsal po kasi. And then, may party po ang buong pamilya that same night. Siyempre, mas pinili ko yung pamilya ko. Ang layo kasi ng Batangas!"


Isa sa mga inimbitahan ni Aljur Abrenica sa kanyang birthday party sa Batangas noong Sabado, March 24, ang nali-link sa kanyang si Kylie Padilla.

Pero hindi dumating si Kylie.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Kylie, sa thanksgiving presscon ng GMA-7 Afternoon Prime kagabi, March 27, ay tinanong siya kung bakit hindi siya pumunta sa birthday party ni Aljur.

Paliwanag ng young actress, “May Party P [Pilipinas] rehearsal po kasi.

“And then, may party po ang buong pamilya that same night.

“Siyempre, mas pinili ko yung pamilya ko. Ang layo kasi ng Batangas!

“Pero alam naman po niya ‘yon, alam niya.”

Kahit hindi raw nakapunta si Kylie sa birthday ni Aljur ay nagpadala naman daw siya ng regalo—isang Ray-Ban shades.

Pero tinawagan niya ba si Aljur sa mismong araw ng birthday nito?

“Uhm… tinext ko siya. Saka may letter naman yung pinadala kong… yung Ray-Ban—‘Happy Birthday!’” natatawang sabi ni Kylie.

Hindi ba nagtampo si Aljur dahil sa hindi niya pagpunta?

“Hindi naman po, kasi tinext ko naman po siya. And ‘yon, nag-text pa rin siya after.”

Nagkaroon ba sila ng celebration after?

Sagot ni Kylie, “Super busy kasi, e.

“Saturday, Sunday, Party P; then taping po agad ng Good Daughter. So, wala po.

“Pero okay kasi mataas naman [ang ratings] ng Good Daughter.

Ang The Good Daughter ang pinagbibidahang afternoon soap ni Kylie sa GMA-7.

Kumusta sila ngayon ni Aljur?

“Ganun pa rin, magkaibigan… walang pagbabago.” matipid na tugon ni Kylie.

Pero tuloy pa rin daw ang communication nila.

TITA BB. Tinanong naman ng PEP si Kylie tungkol sa hindi pa rin buong pagtanggap ng ama niyang si Robin Padilla kay BB Gandanghari.

Si BB—dating nakilala bilang ang aktor na si Rustom Padilla—ay nakatatandang kapatid ni Robin at “tita” naman ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapuso actress, “Tanggap naman ni Papa, kaso hindi siya yung talagang… may ano pa rin… hindi siya sanay.

“May ganun lang factor, pero tanggap naman niya.

“Basta masaya yung tita ko—si Tita BB.”

Dagdag pa niya, “Kasi lumalabas naman lahat kami, e, magkasama. So, ibig sabihin, okay na sa kanya.”

Nagkakausap ba sila ng ama niya tungkol sa pagtanggap nito sa kanyang “Tita BB”?

“Napag-usapan na po namin, matagal na po, e.

“Nag-agree naman kami na basta masaya si Tita BB, magiging masaya na rin kami.

“But I don’t think I have the right to tell my dad! Kasi usapang magkapatid ‘yan, e,” sabi ni Kylie.

Nakapag-bonding na ba sila ng kanyang Tita BB?

“Hindi pa. I think she’s getting together with her other friends muna. Kasi ang tagal niyang nawala,” sabi ni Kylie.

Sinabi rin ng dalaga na kaya siya hindi nakapunta sa birthday party ni Aljur ay dahil kasabay nito ang party naman para sa kanyang Tita BB.

HOLY WEEK PLANS. Ngayong parating na Holy Week ay plano ni Kylie na magpunta sa Baguio.

“Sana this time matuloy,” sambit niya.

Sino ang kasama niya?

“Gusto ko munang mapag-isa, mag-isip, magpahinga.

“Kasi the show [The Good Daughter], I’m really getting involved, so medyo nakakapagod din.

“Pero… you know, just relax. Magbabasa lang ako do’n sa Baguio.”

Puwede niya bang isama si Aljur sa Baguio?

“Gusto ko po munang mapag-isa, e. Walang ibang tao, walang nanggugulo!” natatawang sabi ni Kylie.

Dagdag pa niya, “Para matahimik lang. Kailangan ko minsan ‘yon, e, pahinga talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN