Part 2. Rocco Nacino on being a Kapuso: "I have to maintain a good attitude para makita nila na I’m worth investing in.”

Rocco Nacino refuses to reveal what was Sheena Halili’s gift on his birthday. But he says, “Siyempre something I’ll treasure and hold on to for a very, very long time."


Sa mismong set ng afternoon soap na The Good Daughter ipinagdiwang ni Rocco Nacino ang kanyang 25th birthday noong March 21, Miyerkules.

Nataon kasing may taping siya noong araw na iyon.

Kuwento ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press, “Kasama yung mga katrabaho ko nung taping, mismong birthday ko.

“Sinurprise nila ako—my mom came, may dala siyang lechon, may dala siyang pancit Malabon…

“Mga taga-Artist Center, manager ko saka yung handler ko—si Kuya Cris [Ojeda], si Kuya Arsi [Baltazar]—dumating, nagbigay ng regalo.

“Si Sheena dumaan, nagbigay siya ng cake, nakikain at… kaso saglit kasi she had to go to Tagaytay for Alice Bungisngis.

“Pero nakakatuwa na, yun nga, she took some time off to drop by.”

Si Sheena Halili ang espesyal na babae sa buhay ngayon ni Rocco.

Tumanggi naman si Rocco na sabihin kung ano ang regalo sa kanya ni Sheena noong birthday niya.

“Sa akin na lang ‘yon, sa amin na lang ‘yon,” sabi niya.

Pagmamahal ba? tanong ng isang beteranong kolumnista.

“Hindi ko alam kung pagmamahal ‘yon.”

Hindi siya sigurado kung mahal siya ni Sheena?

“Hindi ko masabi kasi hindi ko puwedeng sabihin,” pakli ng binatang aktor.

“Hindi… siyempre what’s happening with me and Sheena, I’d like to keep things private na lang, kasi sa aming dalawa lang naman ‘yon, e.”

Wala ba talang clue man lang sa regalo ni Sheena?

“Siyempre something I’ll treasure and hold on to for a very, very long time,” nakangiti niyang sagot.

Nagkaroon ba ng celebration pagkatapos ng birthday ni Rocco na silang dalawa lang ni Sheena?

“After ng taping niya ng Tamang Balita, nagkita kami. We had simple dinner ‘tapos uwi na.

“Kaso may taping kinabukasan kaya hindi puwedeng magpuyat,” aniya.

PREGNANCY ISSUE. Naitanong din kay Rocco ang pinag-uusapang isyu ngayon tungkol sa pagbubuntis ng kapwa niya Kapuso star na si Katrina Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero halatang hindi kumportableng pag-usapan ito ng young actor,

“Naku!” tawa muna niya.

“Very sensitive ‘yang mga ganyang issues.

“I prefer na huwag magsalita tungkol sa mga ganyan kasi mahirap i-tackle yung ganyan, e.

“Kasi I… ang sakit sa ulo niyan!” nahihirapang sagot ni Rocco.

Nang udyuking muli upang magbigay ng kanyang opinyon sa isyung ito, sinabi niyang:

“Para sa akin, madaling pag-usapan yung mga ganyan, pero talk about this openly…

“I’m living with God as my priority, so alam n’yo na ‘yon.”

ARTIST CENTER. Isa sa contract stars ng GMA Artist Center si Rocco.

Pagkatapos niyang maging Second Prince sa StarStruck V ay pinapirma siya at ang kanyang batchmates ng five-year contract sa talent arm ng Kapuso network.

Nasa ikalawang taon na ngayon ang kontrata ni Rocco at ng kanyang mga kasamahan.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamunuan ng GMA Artist Center. Nag-resign na ang dating head nitong si Ida Henares.

Ano ang masasabi ni Rocco sa kaganapang ito sa talent management na humahawak sa kanyang career?

Saad niya, “All of them are doing great job.

“I can say, sa akin pa lang, sa pag-alaga sa career ko, maganda, maganda yung pagtakbo ng plans nila.

“Not only for me, pero all the rising actors na meron tayo. Ganun sila kagaling mag-buildup.”

May epekto ba sa mga talents ng Artist Center na kagaya niya ang pagkawala ni Ms. Ida?

“Ano yun, e… well-respected si Ma’am Ida.

“Siyempre, losing someone as smart and respected as her, a lot of people look up to her… siyempre nami-miss din namin kung paano… how she runs things.

“Kasi nung hindi pa siya nawala no’n, ganito na yung pag-buildup nila sa mga artista. Magaling na talaga.”

Tuluy-tuloy pa rin ba ang plano para sa kanya ng Artist Center kahit wala na si Ms. Ida rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa po alam kasi wala pa po akong oras makipag-usap kila Arsi [Baltazar] about my career plans.

“So, hopefully soon, kapag may oras na, gusto kong malaman kung may changes nga ba at kung may idadagdag.

“So, I’m just looking for the right time para makapag-meet sa Artist Center,” sagot ni Rocco.

Mas malaki ba ang expectations mo ngayon sa Artist Center pagkatapos niyang manalo ng acting awards?

“I would rather just expect more from myself.

“I would expect myself to ano… to maintain what I am right now.

“Para makitaan ako ng GMA na worthy ako na bigyan ng magandang projects at i-push, i-buildup.”

Diin pa ni Rocco, “Hindi na siguro kailangang ipasok yung Artist Center sa picture, pero I have to maintain a good attitude para makita nila na I’m worth investing in.”

MOVIE CONTRACT. Noong isang taon ay napanood si Rocco sa tatlong pelikula: My Valentine Girls ng GMA Films, Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa mula sa isang independent film company, at My Househusband: Ikaw Na Nga! ng Octo Arts Films.

Ang susunod niyang pelikula na Lam-ang ay mula rin sa isang maliit na independent film company.

Sa kasalukuyan ay wala pang movie contract si Rocco sa GMA Films o anumang film company, pero umaasa siya na mabigyan siya sa mga susunod na araw.

Aniya, “Actually nagre-request naman ako pero sana pagdating ng tamang panahon. Gusto ko rin naman talaga, e.”

Kailan sa palagay niya yung tamang panahon?

“Ngayon siguro gusto ni God mag-concentrate ako sa TV, so ito muna, puro TV muna.

“At least, once in a while, meron akong… may Lam-ang ako, so sana,” nakangiting asam ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN