Kris Bernal willing to be paired with Jake Vargas

Kris Bernal on Jake Vargas: “Walang problema sa akin kasi malaki na ang improvement ni Jake as an actor. Hindi lang siya umaarte, kumakanta pa siya. At ang guwapo pa niya, di ba? So, bakit naman ako hindi papayag? Okey sa akin ang makatrabaho siya anytime basta tama lang ang project sa amin. Open naman ako sa makatambal ang kahit sino—at hindi exception ang tulad ni Jake.”


Nagpapasalamat si Kris Bernal dahil sa magandang ratings ng pinagbibidahan niyang afternoon drama series sa GMA-7, ang Hiram Na Puso.

Isa si Kris sa mga dumalo sa pasasalamat ng GMA-7 dahil sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng drama shows sa kanilang Afternoon Prime block.

Bukod sa Hiram Na Puso ay kabilang din sa Afternoon Prime ng GMA-7 ang The Good Daughter, Broken Vow, at Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

Ginanap ang pasasalamat na ito with the press noong Martes, March 27, sa Studio 6 ng GMA Annex Building.

WORKING WITH GINA ALAJAR. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris, sinabi niyang malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakakatrabaho niya sa Hiram Na Puso.

Na-single out ni Kris ang award-winning actress na si Gina Alajar dahil sobra raw siyang inspired kapag kaeksena niya ito.

Si Gina ang gumaganap na ina ni Kris sa teleserye.

Ani Kris, “Noon ko pa talaga gustong makatrabaho si Ms. Gina Alajar.

“Malaki ang respeto ko sa kanya at hinahangaan ko ang pagiging artista niya at pagiging director din niya.

“Isa kasi si Ms. Gina sa nagturo sa amin sa pag-arte noong nasa StarStruck pa lang.

“Kaya doon ko nakita kung gaano siya kagaling at lahat ng itinuro niya sa amin ay nagagamit ko sa mga shows na nagawa ko na sa Kapuso network.

“Kaya noong malaman ko na siya ang gaganap na mother ko sa Hiram Na Puso, talagang natuwa ako at dream come true para sa akin.

“Tuwing may eksena nga kami ni Ms. Gina, talagang ginagalingan ko kasi ayokong mapahiya.

“Kahit na on the set, tinuturuan pa rin niya ako sa mga eksena.

“Nandoon yung suporta niya sa aming mga baguhan kaya mahal na mahal ko si Ms. Gina.

“Thank you Lord talaga at nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHANGE OF CHARACTER. Sa mga ipinapalabas na episodes ngayon ng Hiram Na Puso, nakikita na ang unti-unting pagbabago ng pagkatao ng role na ginagampanan ni Kris—si Lira.

“Parang nagiging maldita na ako dito at marami na akong inaaway.

“Never pa akong nag-play na maldita at first time ko gagawin ‘yan sa Hiram Na Puso.

“Magkakaroon ako ng confrontation scenes with Bela [Padilla] and with Ms. Gina.

“Talagang mag-iiba ang character ko kaya ‘yan ang huwag nilang ma-miss sa show namin.”

JAKE VARGAS. Hiningan din namin ng reaksiyon si Kris tungkol sa naging pahayag ni Jake Vargas na siya ang gustong makatambal nito kung sakaling ipares siya sa iba, bukod sa ka-loveteam nitong si Bea Binene.

Inamin kasi ni Jake na matagal na niyang crush si Kris noong magkatrabaho sila sa Dapat Ka Bang Mahalin?.

Sabi ni Kris, “Alam n’yo nagulat ako noong may magsabi sa akin niyan.

“Natuwa naman ako kasi nasubaybayan kong mag-mature ‘yang si Jake.

“Walang problema sa akin kasi malaki na ang improvement ni Jake as an actor. Hindi lang siya umaarte, kumakanta pa siya.

“At ang guwapo pa niya, di ba? So, bakit naman ako hindi papayag?

“Okey sa akin ang makatrabaho siya anytime basta tama lang ang project sa amin.

“Open naman ako sa makatambal ang kahit sino—at hindi exception ang tulad ni Jake.”

JA-BEA. Nalaman din ni Kris na okey lang daw sa ka-loveteam ni Jake na si Bea Binene na magtambal sila ng tween actor.

Isa raw kasi sa iniidolo ni Bea si Kris kaya okey daw na magtambal sila ni Jake.

“Nakakatuwa naman ‘yan,” nakangiting sabi ni Kris.

“Sa totoo lang, natutuwa ako sa loveteam nilang dalawa at sana nga makatrabaho ko sila pareho.

“Minsan nakakapanood ako ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis at ang cute nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwang isipin lang na gusto ako ng mga batang hinahangaan ko rin.

“I am looking forward na makatrabaho silang dalawa.”

Pakiusap lang ni Kris sa mga fans nina Jake at Bea, ang Ja-Bea, ay huwag naman magalit sa kanya if ever magpares sila ni Jake.

Hindi naman daw ibig sabihin nito ay inaagaw na niya si Jake kay Bea.

“Huwag naman silang magalit sa akin kasi trabaho lang naman.

“Maraming fans ang dalawang ‘yan kaya ayoko namang may magalit sa akin.

“Matagal pa naman siguro bago kami magkatrabaho ni Jake. Marami pa silang gagawin ni Bea.

“Pero sana kung magkaroon na nga ng chance na magkatrabaho kami ni Jake, suportahan din kami ng Ja-Bea fans.

“Para happy tayong lahat, di ba?” masayang sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN