Summer goes on—come rain, come shine!

PEP waited for the rain to stop before we started the summer photo shoot of hunk actor Aljur Abrenica at their family-owned Patio Alfonso resort in Tinga, Batangas.

But like Aljur and other stars, there’s no stopping them from having fun this summer—rain or shine!

(CLICK HERE to see more celebs in our summer section)


Umuulan habang sinusulat namin ito.

Dapat mainit. Maaraw. Pero iba na ang panahon.

Buong taon ay hindi mo na alam kung kailan uulan, kung kailan aaraw.

Pero tuloy pa rin ang saya ng bakasyon!

Ito pa rin naman ang panahon kung saan papunta na tayo sa gitna ng taon at kailangan ng pansumandaling pahinga mula sa ating pang-araw-araw na gawain para manumbalik ang sigla ng pag-iisip at pangangatawan.

Maaaring magbago ang plano ng pagbabakasyon dahil sa pabagu-bagong panahon, pero puwede pa rin naman itong ituloy gaya ng nakagawian.

Gaya rin ng paglalabas ng Summer Section ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ’di mapipigil ng manaka-nakang pag-ulan.

Tuloy ang saya sa pangangalap ng kuwento at balita tungkol sa summer ng mga sikat.

Tuloy ang pamamahagi ng inyong paboritong celebrities ng kanilang mga karanasan sa kanilang mga nagdaang summer vacations.

Tuloy ang mga artista sa kanilang mga kuwento tungkol sa kanilang planong bakasyon.

Tuloy ang paglalahatla ng nga magagandang katawan at kasayahang nangyayari lamang tuwing dumarating ang panahon ng tag-init—na ngayo’y sinasamahan na rin ng minsang pag-ulan.

Ito ang bagong anyo ng tag-araw.

Umulan man o umaraw, tuloy ang saya.

Sa beach man o sa bundok ka pupunta, summer pa rin.

Dalhin mo pa rin ang board shorts o bathing suit pagpunta mo sa beach.

Pero huwag kalimutan ang payong para huwag mabasa sa ulan o masunog sa arawan.

Depende ’yan sa dikta ng pabagu-bagong panahon.

Basta, katakam-takam pa rin ang halo-halo. Kaabang-abang pa rin ang selebrasyon ng Flores de Mayo at mga makukulay na kapistahang kabi-kabilaan.

At higit sa lahat, taimtim pa rin nating sariwain ang banal na panahon ng Mahal na Araw.

CLICK HERE to view Summer Section of PEP


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN